Chapter 15: Pagtawag

15 2 0
                                    

"Ano nanamang plano 'yan, ha?" tanong ni Mystie.

"Basta. Pumunta ka nalang dito. Dito natin pag-usapan." tugon ni Roxanne.

"O siya sige, buti nalang day-off ako. Sige, see you friend!" sambit ni Mystie.

"Okay, see you." tugon ni Roxanne at tsaka ibinaba ang telepono.

"Hay nako, Roxanne. Dapat gumana 'tong plano mo. Dapat mapasayo si Edward sa loob ng isang araw." sambit ni Roxanne sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Mystie.

"Hi friend! Kamusta ka na? Nga pala, bat mo ako pinapunta dito?" tanong ni Mystie.

"Well, Mystie, I have a plan." tugon ni Roxanne.

"Plan? O ano nanamang plano mo?" tanong ni Mystie.

"Well, I know this is weird, basta samahan mo nalang ako." tugon ni Roxanne.

"Samahan? Saan?" tanong ni Mystie.

"Well, bukas, makikipagswitch ako ng katawan sa dati kong kaklaseng si Karen. And you know what, may pagtingin ako sa asawa niya." tugon ni Roxanne.

"Malamang! Syempre may pagtingin ka sa kaniya kasi may mata ka!" sambit ni Mystie.

"Tanga, hindi. May pagtingin, may gusto, ganun." tugon ni Roxanne.

"May gusto ka sa asawa nung Karen? Oh eh anong balak mo?" tanong ni Mystie.

"Well, kapag nagpalitan kami ng katawan ni Karen, magiging ako siya at magiging siya ako." tugon ni Roxanne.

"Wait lang friend, hindi kita magets. So magpapalitan kayong dalawa ng katawan ni Karen? Paano 'yun?" tanong ni Mystie.

"Well, may switching machine sila. And, kakabili lang ni Edward sa switching machine na 'yon at gusto niyang ipasubok ito sa amin." tugon ni Roxanne.

"Oh, at sino naman 'yung Edward na 'yon?" tanong ni Mystie.

"Edi 'yung asawa ni Karen." tugon ni Roxanne.

"'Yun 'yung gusto mo? Naku, sixth commandment is shaking." sambit ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie. 'Wag ka ngang ano. Ikuha mo nalang ako ng kape sa kusina." utos ni Roxanne.

"Okay, fine." tugon ni Mystie.

Tumayo si Mystie sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa kusina. Kinuha niya ang lalagyan ng kape at ibinigay ito kay Roxanne.

"Ano 'yan?" tanong ni Roxanne.

"Kape, eh hindi ba sabi mo na ikuha kita?" tugon ni Mystie.

"Nang-iinis ka ba? Eh bakit hindi mo tinimpla?" tanong ni Roxanne.

Napabuntong-hininga si Mystie at nagsalita.

"Sabi mo, ikuha. Hindi mo sinabing itimpla." tugon ni Mystie.

"Alam mo, Mystie, nagdidilim na paningin ko sayo. Timplahin mo na 'yan kung ayaw mong ibuhos ko 'yan sa pagmumukha mo!" sambit ni Roxanne.

"Okay po, madam. Eto na ho." tugon ni Mystie.

Pumunta si Mystie sa kusina at ginawa ang inuutos ni Roxanne.

"Oh, madam, eto na ho ang kape ninyo." sambit ni Mystie at inabot ang baso kay Roxanne.

"Ayan, buti naman." tugon ni Roxanne.

Iinumin na sana ni Roxanne ang kape nang mapansin niyang hindi ito mainit.

"Mystie, bakit hindi mainit 'tong kape ko?" tanong ni Roxanne.

"Ha? Eh wala ka namang sinabing initin eh!" tugon ni Mystie.

The SwitchWhere stories live. Discover now