Chapter 151: Huli ka, Iris!

3 0 0
                                    

"Sinasabi ko na nga ba, tama ang kutob ko. May mali sayo, Iris." sambit ni Nerissa sa isip niya.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas si Iris sa banyo. Nagulat siya nang makita niya si Nerissa.

"Ma'am Nerissa? K-kanina pa po ba kayo nandyan?" tanong ni Iris.

"Hayop ka, Roxanne! Alam ko na ang sikreto mo! Narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan niyo!" tugon ni Nerissa.

Gulat na gulat si Iris sa mga sinabi ni Nerissa... este, Roxanne.

"Pwes, sorry ka na lang dahil nagpapasok ka ng kalaban sa bahay mo! Wala kang kamalay-malay na 'yung taong pinatuloy mo sa bahay mo ay ang taong pumatay sa anak mo!" sambit ni Iris.

"Kailangang malaman 'to ni Karen! Ibubuking kitang walanghiya ka!" tugon ni Nerissa at nagmamadaling umakyat sa hagdan.

Kaagad na sinundan ni Iris si Nerissa paakyat. Hindi niya hinayaang makapasok ito sa kwarto kung nasaan sina Karen.

"Hayop ka, Nerissa! Hindi ko hahayaang ibuking mo 'ko! Mamamatay ka muna bago mangyari 'yon!" sigaw ni Iris at itinulak niya si Nerissa mula sa second floor ng bahay.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nahulog si Nerissa mula sa ikalawang palapag ng bahay. Pagbagsak ni Nerissa ay duguan ang ulo nito at wala na siyang malay.

Kaagad na nag-isip ng paraan si Iris upang hindi siya mapagbintangan. Kaagad siyang pumasok sa kwarto kung nasaan sina Karen.

"Ma'am Karen! Si ma'am Nerissa! May nangyari sa kaniya!" sigaw ni Iris.

"Ha? Anong nangyari sa kaniya?" kaagad na tanong ni Karen.

"Ma'am, nahulog siya mula dito sa second floor! Mukhang patay na yata!" tugon ni Iris.

"A-ano?!" gulat na sambit ni Karen at dali-daling lumabas ng kwarto kasama si Edward.

Nagulat si Karen nang makita niyang duguan si Nerissa. Nakahiga ito sa sahig.

"Tita!" malakas na sigaw ni Karen at dali-dali siyang bumaba.

Kaagad niyang nilapitan ang katawan ni Nerissa. Tinignan niya kung may pulso pa ito.

May pulso pa siya. Buhay pa si Nerissa. Nawalan lang siya ng malay.

"Hon, tumawag ka ng ambulansya! Bilisan mo! Kailangang madala natin kaagad si tita sa ospital! Bilisan mo!" sigaw ni Karen.

"Sige!" kaagad na tugon ni Edward at hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na tumawag ng ambulansya.

"Anong nangyayari? Iris? What happened to her?" kaagad rin naman na sumunod na bumaba si Rita.

"H-hindi ko po alam. Nagulat na lang din po ako na nasa sahig na si tita. B-baka po nadulas siya." tugon ni Iris.

"Ano? Nadulas? Imposible naman yata! Imposible siyang madulas! Hindi naman basa ang sahig, ah?" sambit ni Rita.

"Hindi ko po alam! Hindi ko po alam! Ma'am, kailangan na po natin siyang madala kaagad sa ospital!" tugon ni Iris.

"Parating na ang ambulansya! Konting tiis na lang!" sambit ni Karen.

"Tita, kumapit po kayo! Huwag po kayong bibitiw!" sambit naman ni Edward.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya sa bahay ni Nerissa. Kaagad siyang ipinasok sa loob ng ambulansya.

Sakto namang dumating si April. Nagulat siya sa nangyayari.

"Karen, anong nangyayari kay tita? A-anong meron? Bakit siya dadalhin ng ambulansya?" tanong ni April.

"April, naaksidente ang tita mo. Nahulog daw siya mula sa second floor. Nasa panganib ang buhay niya. Pero 'wag kang mag-alala, chineck ko, may pulso pa siya." tugon ni Karen.

"A-ano? Halika na, Karen! Sundan natin ang ambulansya!" sambit ni April.

"Ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo sa ospital!" tugon ni Edward at kaagad na inihanda ang kaniyang sasakyan.

—————

"Dok, kamusta po ang tita ko? Ano na pong lagay niya?" tanong ni April sa doktor na nag-aasikaso kay Nerissa sa emergency room.

"Iha, malubhang-malubha ang kalagayan niya. Hindi natin alam kung kailan siya magigising. But I hope na maging better siya soon." tugon ng doktor.

"Dok, please do everything para iligtas siya. Please! I'm begging you!" sambit ni April.

"Yes, iha. We will do everything. Babalik lang ako sandali para asikasuhin siya." tugon ng doktor at bumalik ito sa emergency room.

"Jusko, bakit ba ganito? Bakit ba hindi matapos ang problema natin? Nawala na si Mystie, nawala na si tito Nelson, huwag niyo namang sabihing pati si tita Nerissa, mawawala na rin?" lumuluhang sambit ni April.

"April, 'wag mong sabihin 'yan. Tita Nerissa is a strong woman. Alam kong kakayanin niya 'to. Lalaban siya para sa atin. At alam kong hindi siya papayag na mamatay na lang basta-basta." tugon ni Karen.

"Pero Karen, lahat na lang ng mga mahal ko sa buhay, nawala na! Si nanay, si tatay, si Mystie, si tito Nelson! Si tita Nerissa na lang ang pamilya ko! Siya na lang!" sambit ni April.

"April, kaya natin 'to. Kakayanin natin 'to. Nandito pa kami. Kami ang bahala sayo." tugon ni Karen.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala pa siya. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam." sambit ni April.

"Teka, sandali. Tatawagan ko lang sina inay at itay. Kailangan nilang malaman ang tungkol dito." tugon ni Karen.

Kaagad na kinuha ni Karen ang kaniyang telepono. Kaagad siyang tumawag sa kanila.

"Nay! Si tita Nerissa po, nandito sa ospital! Nay, pumunta po kayo rito! Please!" sambit ni Karen.

"A-ano? Bakit siya nasa ospital? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Magda.

"Saka na po ako magpapaliwanag. Nandito po kami sa St. Mary's Hospital. Nay, pumunta na po kayo rito, please! Nasa emergency po si tita at kailangan niya ng tulong natin!" tugon ni Karen.

"Sige, anak! Pupunta na kami kaagad ngayon!" ani Magda at binaba ang tawag.

—————

"Anak? Anong nangyari? Anong nangyari kay Nerissa?" kaagad na tanong ni Magda nang makarating sila sa ospital nina Rico, Leslie, at Sabrina.

"Nay, naaksidente raw po si tita. Pero, hindi po ako naniniwalang totoo 'yon. Sabi po kasi ni Iris, mukhang nadulas daw po si tita. Nahulog po siya mula sa second floor." tugon ni Karen.

"A-ano, ate? Totoo ba 'yung narinig ko?" tanong ni Leslie.

"Oo, Les. Totoo 'yun. Hindi ko nga alam eh. Mukhang isa sa mga tao sa bahay ang may kinalaman sa nangyari." tugon ni Karen.

"Huh? Sino?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam. Pero, mukhang tama ang hinala mo, Leslie. Mukhang si Iris ang may kinalaman sa mga nangyayari ngayon. Hindi siya sumama dito sa ospital. Nagpaiwan siya sa bahay." tugon ni Karen.

"Mukhang tama nga talaga ako, ate. Una pa lang, iba na ang naramdaman ko kay Iris. Mukhang hindi siya gagawa ng maganda." sambit ni Leslie.

"Mukhang tama ka, Leslie. Pakiramdam ko, may sikretong tinatago sa atin si Iris. Hindi niya lang sinasabi. Pero, kailangan kong alamin kung ano 'yun." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now