Chapter 119: Matinding Galit

2 0 0
                                    

"Karen, bakit naman parang galit ka? Nakikiramay lang naman kami. Gusto ko lang kayong damayan sa pagkamatay ng pinsan mo." sarkastikong tugon ni Roxanne.

"Ah, makiramay? Eh bakit ganyan, bakit mga pula ang suot ninyo? Birthday niyo ba, Roxanne?" tanong ni Karen.

"Well, well, well, Karen. Hindi lang naman ang mga may birthday ang nagsusuot ng pula. Pwede ring magsuot ng pula sa burol kung galit ka sa patay." tugon ni Roxanne.

"Wala kang respeto. Wala kang kaluluwa! Kayo ng pamilya mo! Mga wala kayong puso!" sambit ni Karen.

"Don't you dare talk to my daughter like that! Alam mo, Karen, ikaw ang bastos! Hindi mo nirerespeto ang anak ko kahit na alam mong nasa harap ninyo ako!" tugon ni Vicky.

"Bakit, Vicky? Bakit mo kinakampihan ang anak mong baligtad ang utak? Siguro nga, baligtad rin ang utak mo kaya ka kumakampi sa kaniya. Mag-ina nga kayo. Mag-inang demonyo." sabat ni Leslie.

"Hayop ka!" nag-init ang dugo ni Vicky kaya bigla niyang nasampal si Leslie. Napahawak ito sa pisngi.

"Wala kang respeto! Parehong-pareho kayo ng ate mong demonyo! Hindi kayo marunong rumespeto sa mga matatanda!" sambit ni Vicky.

"Respeto? Papaano namin kayo rerespetuhin kung kayo mismo, hindi kayo kagalang-galang? Ang kakapal ng mga mukha ninyong magsipunta rito sa burol ng pinsan ko. Ang kakapal ng mga mukha ninyo na guluhin ang burol niya!" tugon ni Leslie.

"Hoy Leslie, 'wag mong babastusin si inay, ha? Kagaya ka talaga ng ate mo. Pareho kayong walang respeto. Pareho kayong masama!" sambit ni Roxanne.

"Masama? Kami pa ang masama? Hoy Roxanne, kung hindi niyo lang alam, nung malapit nang mamatay ang insan namin, sinabi niya sa akin na nakita niya ang kuya mong demonyo sa hotel! Siya ang sumaksak sa insan ko! Ang titigas din talaga ng mga mukha ninyo, 'no? Alam mo sana, sana kayong tatlo nalang ang namatay! Sana, kayo na lang ang pinagbuburulan ngayong oras na 'to!" tugon ni Leslie.

"Hayop ka! Hayop ka!" lumapit si Roxanne kay Leslie at hindi siya nagdalawang-isip na sabunutan ito!

"Ang lakas ng loob mo, Roxanne! Wala kang kaluluwa! Wala kayong konsensiya!" sigaw ni Leslie.

"Awatin ninyo sila! Awatin ninyo!" utos ni Rico.

"Leslie, tama na 'yan! Tumigil na kayo!" kaagad namang naawat ni Karen sina Roxanne at Leslie.

"Alam mo Leslie, hindi ka dapat pumapatol sa babaeng 'to. Lalong-lalo na sa Vicky na 'to. Demonyo 'to eh! Demonyo 'to! Alam mo, mahirap kalaban ang demonyo. Demonyo!" sambit ni Karen.

"Ah, demonyo pala, ha?" tugon ni Vicky at kaagad niyang sinampal si Karen.

"Hayop ka, Vicky!"

Bigla namang hinila ni Karen ang buhok ni Vicky. Wala na silang pakialam kahit na maraming tao ang nasa burol ni Bella. Wala nang pakialam si Karen kung nanay pa ni Roxanne ang kaniyang makakaharap. Hindi na siya natatakot.

"Bes, tama na! Tama na!" si Ariana naman ang umawat kina Karen at Vicky sa pagkakataong ito.

"Bes, kung ako sayo, 'wag ka nang pumatol sa matandang 'to. Ako na lang." dagdag pa ni Ariana at binigyan niya si Vicky ng sampal sa magkabilang pisngi.

Nagulat si Vicky sa ginawa ni Ariana. Hindi niya akalaing magagawa niya ito.

"How dare you!" sigaw ni Vicky.

"Hoy Ariana, ang kapal naman ng mukha mo na gawin 'yan kay inay! Hayop ka!" galit na sambit ni Roxanne at sinabunutan si Ariana.

Habang sinasabunutan ni Roxanne si Ariana, hinila rin nina Karen at Leslie ang buhok ni Roxanne.

"Aray ko! Bitiwan ninyo ako mga hayop kayo!" sigaw ni Roxanne.

"Mga hayop kayo, 'wag ninyong pagtulungan ang anak ko!" pag-awat ni Vicky sa apat.

"Ano ba? Hindi ba talaga kayo titigil?" napatigil ang apat sa pag-aaway nang biglang sumigaw si Rico.

"Tito, kalma lang. Kalma lang." sambit ni Edward.

"Ano, talagang hihintayin mo pa talagang may masamang mangyari sa tatay niyo bago niyo kami tigilan, ha Karen?" tanong ni Vicky.

"Kayo ang nagsimula ng gulo, Vicky. Kung hindi sana kayo nagpunta rito, hindi sana tayo magkakagulo." tugon ni Karen.

Maya-maya lamang ay dumating si Nerissa. Nagulat siya nang makita sina Roxanne at Vicky na nasa burol.

"T-tita Nerissa? What are you doing here?" tanong ni Roxanne.

"Well, siguro nga, hindi ninyo alam na magkakampi na kami ngayon nila Karen. I'm here dahil makikiramay kami sa kanila. At kayo anong ginagawa niyo rito? At nakasuot pa talaga kayo ng pula, ha?" tugon ni Nerissa.

"Bwisit. Bakit sa kanila ka kumampi?" tanong ni Roxanne.

"Well, if you don't know, alam ko na na kayo ang pumatay sa anak ko. Mga kriminal kayo. Mga hayop kayo! Papaano niyo 'yun nagawa sa akin?" tugon ni Nerissa.

"Bwisit. Papaano mo nalaman?" tanong ni Roxanne.

"Hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga, nabuking ko kayo! Mga hayop kayong mga kriminal kayo! Lumayas kayo rito! Hindi namin kailangan ang mga pakikiramay ninyo!" tugon ni Nerissa.

"Hindi. Hindi kami aalis. Dito lang kami." sambit ni Vicky.

"Ah, hindi kayo aalis? Security! Ilabas na rito ang mga basura! Kaladkarin niyo na sila palabas! Hindi namin kailangan ng mga basura dito sa loob! And make sure na itapon mo silang mabuti, ha?" utos ni Nerissa.

"Sige po, ma'am."

Kaagad kinaladkad ng dalawang pulis sina Vicky at Roxanne papalabas ng burol.

"Hoy, papasukin ninyo kami!" sigaw ni Vicky.

"'Yan ang dapat sa inyong mga kriminal, kinakaladkad! Doon kayo sa tambakan ng mga basura! Doon kayo nababagay!" tugon ni Nerissa.

"Hayop ka, tita Nerissa! I trusted you pero trinaydor mo kami!" sambit ni Roxanne.

"'Wag mo akong matawag-tawag na tita! Kayo ang mga traydor! I trusted you too pero inilihim ninyo sa akin ang buong katotohanan! Mga sinungaling!" tugon ni Nerissa.

"Hayop ka! Hindi pa kami tapos sayo! Magbabayad kayong lahat! Magbabayad kayo!" sigaw ni Roxanne.

"Sige na guard, itapon na ang mga basura sa dapat nilang kalagyan." sambit ni Nerissa.

—————

"Mama Rita? Kamusta po kayo?" tanong ni Karen nang makitang dumalaw si Rita sa burol ni Bella.

"Mabuti naman ako, iha. Condolence sayo. Namatay na pala ang pinsan mo." tugon ni Rita.

"Oo nga po, eh. Nakakalungkot." sambit ni Karen.

"Hay nako, dapat nalang nating tanggapin ang katotohanang wala na siya. Alam mo, naging mabuti ring tao si Bella. She's a good person." tugon ni Rita.

"Tama po kayo, isa siyang mabuting pinsan." ani Karen.

—————

"Nay, ano nang gagawin natin? Buking na tayo ni Nerissa!" sambit ni Roxanne.

"Don't worry, anak. Sisingilin natin sila. Magbabayad silang lahat. Sisingilin natin sila sa paraang gusto natin. Humanda silang lahat." tugon ni Vicky.

To be continued...

The SwitchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora