Chapter 65: Buhay si Edward

3 2 0
                                    

"E-Edward?" tanong ni Rita.

"Mama, ako 'to, si Edward! Mama, buhay ako!" tugon ni Edward.

"Anak! Buhay ka! Alam mo ba na sobrang nag-alala kami? Anak, nasaan ka? Pupuntahan ka namin!" sambit ni Rita.

"Yes, Ma! Itetext ko na lang po sa inyo 'yung address. Please, puntahan niyo po ako dito!" tugon ni Edward.

"Sige, anak. Itext mo na kaagad sa akin ang address! We will go there right away!" sambit ni Rita.

"Sige po, Ma." tugon ni Edward at ibinaba ang telepono.

"Ma'am, sino po 'yung tumawag?" tanong ni Janice.

"Janice, ang sir Edward mo, buhay siya! Buhay si Edward!" masiglang tugon ni Rita.

"Talaga po, ma'am? Naku, salamat po sa Diyos! Buhay si sir!" tugon ni Janice.

Napatingin si Rita sa kaniyang telepono nang ma-receive ang address ng ospital.

"Ayan na. Natanggap ko na 'yung address ng ospital. Kailangan na nating puntahan si Edward!" sambit ni Rita.

"Sige po, ma'am. Halika na po!" tugon ni Janice.

—————

"Iho, kumain ka na muna para may lakas ka kapag dumating na ang pamilya mo." sambit ni Lilia.

"Salamat po, aling Lilia." tugon ni Edward.

"Ah, Edward, natatandaan mo ba kung anong nangyari sayo? Natatandaan mo ba kung paano ka naaksidente?" tanong ni Irene.

"Ang natatandaan ko, susunduin ko 'yung asawa ko sa bahay ng nanay niya. Tapos, napansin ko na may sumusunod na sasakyan sa likuran ko. Hindi ko nakita kung sino siya pero pakiramdam ko na kilala ko siya. Pagkatapos, nagulat na lang ako ng bigla niyang barilin 'yung gulong ng sasakyan ko. Nagpagewang-gewang 'yung sasakyan ko hanggang sa nahulog ako sa bangin. Pagkatapos, hindi ko na alam kung anong kasunod na nangyari." tugon ni Edward.

"Naku, sana nakita mo kung sino 'yung bumaril sa sasakyan mo para mai-report natin sa mga pulis. Alam mo ba na, naka-comatose ka ng ilang weeks? Mabuti na lang talaga at nagising ka na." sambit ni Irene.

"Oo nga po eh. Salamat po ng marami sa inyo. Pero malakas po ang kutob ko na malaki ang galit sa akin nung bumaril sa sasakyan ko. Meron po kasi akong nalaman na sikreto nila nung araw na 'yun." tugon ni Edward.

"Naku, malamang, sila ang may pakana no'n. Naku, alam mo, dapat ipa-report na natin sila sa mga pulis." sambit ni Lilia.

"Opo sana, pero, hindi pa po ako sigurado kung sila nga 'yun. Ayoko naman pong mambintang ng kung sino-sino." tugon ni Edward.

—————

"Nandito na tayo sa ospital, Janice. Excited na akong makita ang anak ko." sambit ni Rita.

"Ako rin po, ma'am Rita. Excited na po akong makita si sir." tugon ni Janice.

"Ang tagal na simula nung huli kong makita ang anak ko. Ang saya-saya ko ngayon at makikita ko na siya ulit." sambit ni Rita.

"Ah eh, ma'am, pwede ko po bang tawagan si Ma'am Karen? Pwede ko po bang sabihin sa kaniya na buhay si sir Edward?" tanong ni Janice.

"Hindi, Janice. Hindi mo sasabihin kay Karen na buhay ang asawa niya. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Siya ang dahilan kung bakit kami nagkalayo." tugon ni Rita.

"Pero ma'am, siya pa rin po ang asawa ni sir Edward. May karapatan pa rin po siya bilang asawa." sambit ni Janice.

"Okay, fine. Pero ikaw ang tatawag sa kaniya. Pero hindi pa rin siya pwedeng tumira sa mansyon kasama ang anak ko. Hindi ako papayag na mangyari 'yon." tugon ni Rita.

"Sige po, ma'am." ani Janice.

Nang makarating sina Rita at Janice sa loob ng ospital, kaagad silang pumunta sa counter. Tinanong nila kung nasaang kwarto si Edward.

"Miss, meron ba kayong pasyente na ang pangalan ay Edward Pineda? Siya kasi 'yung anak ko, at nandito raw siya sa ospital na 'to." sambit ni Rita.

"Sige po, ma'am. I-checheck ko lang po." tugon ng babae sa counter.

Tinignan ng babae ang mga records ng mga pasyente sa ospital sa isang logbook. Wala siyang nakitang Edward Pineda.

"Ma'am, sorry po. Wala pong pasyenteng Edward Pineda dito sa logbook. Baka po, ibang pangalan ang ginamit." tugon ng babae.

"Ah, sige miss. Salamat." sambit ni Rita.

Kaagad kinuha ni Rita ang kaniyang telepono at muling tinawagan ang numerong tumawag sa kaniya kanina.

"Sumagot ka, sumagot ka." bulong ni Rita.

—————

Nakita ni Edward na nagriring ang telepono. Paniguradong si Rita na ito.

"Aling Lilia, nagriring po ang telepono ninyo. Si Mama na po 'yan siguro." sambit ni Edward.

Kaagad dinampot ni Lilia ang telepono niya. Si Rita nga ang tumawag sa kaniya.

"Hello? Hindi ba, ikaw ang nagdala sa anak ko dito sa ospital? Nasaang room kayo ngayon?" tanong ni Rita.

"Room 483. Bilisan ninyong magpunta rito. Hinihintay na kayo ng anak ninyo." tugon ni Lilia.

"Salamat!" sambit ni Rita at kaagad ibinaba ang telepono.

"Ma'am Rita, nasaan daw po sila?" tanong ni Janice.

"Janice, nasa room 483 sila. Kailangan nating umakyat sa elevator. Sabik na sabik na akong makita ang anak ko." tugon ni Rita.

"Sige po, ma'am. Halika na po." ani Janice.

Kaagad tumakbo sina Janice at Rita patungong elevator. Sabik na sabik na siyang makita ang kaniyang anak. Hindi na siya makapaghintay. Kinakabahan siya dahil matagal na sila noong huli silang nagkita ng kaniyang anak.

"Janice, excited na excited na akong makita si Edward! Sa wakas, matatapos na rin 'tong paghihintay ko!" masayang sambit ni Rita.

"Oo nga po, ma'am. Masaya rin po ako dahil makikita na po natin si sir!" tugon ni Janice.

Dinala sila ng elevator patungong ika-apat na palapag. Biglang nagningning ang mga mata ni Rita nang makitang nasa ika-apat na palapag na sila.

"Nandito na tayo!" sambit ni Rita.

"Halika na po, ma'am! Hinihintay na po tayo ni sir Edward!" tugon ni Janice.

"Halika na!"

Kaagad tumakbo ang dalawa sa hallway ng ospital. Tinitignan ni Rita ang mga numero ng bawat kwarto.

"410, 411, 412, 413..." sambit ni Rita sa isip niya.

Hanggang sa makalipas ang ilang sandali, malapit na silang makarating sa kwarto ni Edward.

"478, 479, 480, 481, 482, 483... Nandito na tayo, Janice!" masiglang sambit ni Rita.

Dahan-dahang binuksan ni Rita ang pinto. Ngunit nagulat siya nang wala siyang nakitang Edward sa loob ng kwarto...

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now