Chapter 134: Stay Strong

2 0 0
                                    

"Tita! Gumising po kayo! Anong nangyayari sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Karen.

"H-hon? A-anong nangyari kay mama?" tanong ni Edward nang marinig niyang sumisigaw si Karen.

"Hon, si mama! Hinimatay na lang siya bigla! Hindi ko alam kung anong nangyari!" tugon ni Karen.

"Halika na hon, dalhin na natin siya sa ospital!" sambit ni Edward.

"Mabuti pa nga. Halika na!" tugon ni Karen.

—————

"Yes, Sabrina. I'm here. At bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Martha.

"M-mommy, l-let me explain." tugon ni Sabrina.

"Ano pang i-eexplain mo? Na nagpunta ka kay Gwen? Na nagpunta ka sa kaibigan mo? Eh huling-huli ka na nga! Ano bang gusto mong ipaliwanag ha, Sabrina?" sambit ni Martha.

"Mommy, i'm sorry! Sa totoo lang, matagal ko nang gustong pumunta rito! But you are not letting me! Mommy, they're my family too! Pamilya ko sila kaya may karapatan akong pumunta rito." tugon ni Sabrina.

"I don't care kung pamilya mo sila. Eh sila nga e, nagawa ka nilang pabayaan noon, ano pa kaya ngayon? Samantalang ako na mommy mo na nag-alaga sayo simula nung baby ka, nagawa mong iwan? Anong klase ka?" sambit ni Martha.

"Martha, 'wag mong pagalitan ang anak mo. Anak natin. Hayaan mo siyang bisitahin kami. Pamilya niya rin kami!" tugon ni Rico.

"Shut up, Rico! Hindi ikaw ang kinakausap ko! At wala kayong pakialam kung ipagdamot ko sa inyo ang anak ko! Matagal niyo na siyang itinapon, 'di ba? Matagal niyo na siyang ipinamigay na parang aso! At hindi na ako papayag na gawin ninyo ulit 'yun sa kaniya! Hindi ako papayag na kunin ninyo ulit ang anak ko!" sambit ni Martha.

"Martha, bumabawi lang kami kay Sabrina. Matagal namin siyang hindi nakasama at marami kaming pagkukulang sa kaniya! Kaya pwede ba, hayaan mo kaming makasama ang anak ko!" tugon ni Rico.

"No! Never! Sabrina is mine. Only mine! Anak ko siya! Akin siya! Kaya ito ang tatandaan ninyo, sa susunod na makita kong nakikipagkita kayo sa isa't-isa, pasensiyahan tayo. Hindi mo na ulit makikita ang anak mo." sambit ni Martha at hinila si Sabrina palabas ng bahay nina Leslie.

"Grabe naman 'yun, nakakatakot 'yung mommy niya!" sambit ni Mindy.

"Hindi ko rin nga alam, e. Antagal niya nang ipinagdadamot sa amin si Sabrina. Hindi namin siya maintindihan kung bakit siya ganun." tugon ni Leslie.

—————

"Ang tigas-tigas ng ulo mo! Hanggang kailan mo ba talaga ako susuwayin, ha? Ilang beses kong sasabihin sayo na ayokong nakikipagkita ka sa pamilyang 'yon?" galit na sambit ni Martha.

"Mommy, I'm sorry! Sorry kung sinuway kita! Sorry kung sinaktan kita! Mommy, gusto ko lang po silang makasama! That's it!" tugon ni Sabrina.

"Makasama? No! I won't let you be with them! Kukunin ka lang nila sa akin! At hinding-hindi ako papayag na mangyari 'yon!" sambit ni Martha.

"Mommy, kahit naman makasama ko sila, ikaw pa rin ang mommy ko! Hinding-hindi kita makakalimutan, mommy! Kaya please, 'wag mong isipin na iiwan kita! Gusto ko lang talaga silang makasama!" tugon ni Sabrina.

—————

"Dok, kamusta po si Mama? Ano pong lagay niya?" tanong ni Edward sa doktor nang madala si Rita sa ospital.

"Iho, tatapatin na kita. Based on the tests that we did, may sakit siya. Malalang sakit. May nakita kaming cancer sa lining ng brain niya. May tumor siya. Kailangan niyang i-chemotherapy para lumiit ang kaniyang tumor sa utak." tugon ng doktor.

"A-ano po, dok? Tumor? B-bakit po? Bakit si Mama pa?" tanong ni Edward.

"Alam mo, walang pinipiling tao ang sakit. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda. Lahat 'yan, maaaring magkasakit. Kaya kung ako sayo, ipagpanalangin mo nalang ang nanay mo." tugon ng doktor.

"S-salamat po, dok. Sige po."

—————

"Hon, papaano natin sasabihin sa nanay mo na may sakit siya? Paano kung magtanong siya? Anong sasabihin natin?" tanong ni Karen.

"Hindi ko rin alam, hon. Siguro, kailangan nating sabihin ang totoo. Kailangan niyang malaman ang sakit niya. Hindi natin 'to pwedeng itago dahil malalaman at malalaman din niya 'to." tugon ni Edward.

"Mukhang ganun na nga, hon. Mukhang hindi mo nga maitatago ang katotohanan. Teka lang nga, kailangan kong tawagan sina itay. Kailangan nilang malaman ang tungkol kay Mama." sambit ni Karen at kinuha niya ang kaniyang telepono.

—————

"Tay, papaano na po? Paano natin mababawi si Sabrina?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, nak. Hindi ko alam. Gagawan natin ng paraan." tugon ni Rico.

Napalingon si Leslie sa kaniyang telepono na nakapatong sa lamesa nang bigla itong tumunog.

"Wait lang, tay. Tumatawag si ate Karen." sambit ni Leslie at kinuha ang kaniyang telepono at kaagad na sinagot ang tawag.

"Hello, ate? Napatawag ka?" tanong ni Leslie.

"Les, kailangan namin kayo ni itay. May nangyari sa mama ni Edward. Na-ospital siya." tugon ni Karen.

"H-ha? Bakit, ate? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Leslie.

"S-saka ko na ipapaliwanag. Basta, magpunta kayo rito. I-tetext ko sa inyo 'yung address ng ospital. Sige na." tugon ni Karen.

"S-sige, ate. Pupunta na kami." ani Leslie at kaagad na ibinaba ang tawag.

"Oh, sino raw 'yung tumawag, bes?" tanong ni Mindy.

"Bes, tay, si tita Rita daw po, na-ospital. Pinapapunta tayo ni ate doon." sambit ni Leslie.

"Ha? A-anong nangyari? Bakit daw?" tanong ni Rico.

"Eh, tsaka na raw po ipapaliwanag ni ate. Basta, kailangan daw po nating magpunta do'n." tugon ni Leslie.

"O siya sige na, ihahanda ko na ang sasakyan. Lumabas na kayong dalawa." sambit ni Rico.

"S-sige po."

—————

"Ate? Anong nangyari? Kamusta si tita?" kaagad na tanong ni Leslie nang makarating sila sa ospital.

"Leslie, 'wag kayong mabibigla, ha? M-may sakit siya." tugon ni Karen.

"S-sakit? Anong sakit, ate?" tanong ni Leslie.

"M-may brain tumor siya. Medyo malala ang kalagayan niya ngayon." tugon ni Karen.

"A-ano? Papaano nangyari 'yon?" gulat na tanong ni Rico.

"Hindi rin po namin alam, tay. Ang mabuti pa, puntahan na po natin siya sa kwarto niya." tugon ni Karen.

Kaagad na sumunod sina Rico, Leslie, at Mindy kay Karen. Pumasok sila sa loob ng kwarto ni Rita.

"Naku, malubha pala ang kalagayan niya. Sana, gumaling na siya." sambit ni Mindy.

"Sana nga, Mindy." tugon ni Edward.

Maya-maya lamang ay napansin nilang unti-unting nagkakaroon ng malay si Rita. Nang magising siya, kaagad niyang iginala ang paningin sa paligid.

"A-anong nangyari? N-nasaan ako?" nagtatakang tanong niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now