Chapter 141: Panganib

2 0 0
                                    

"Huh? Panong weird? At tsaka, mabait naman si Iris, ah?" tanong ni Karen.

"Shhh, 'di ko alam, ate. Basta." tugon ni Leslie.

Maya-maya ay bumalik si Iris dala ang mga plato at mga kubyertos.

"Eto na po, ma'am." nakangiting sambit niya.

"Leslie, kain na." sambit ni Magda.

"S-sige po, nay." tugon ni Leslie.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, bigla namang tumunog ang doorbell. Kaagad na binuksan ni Iris ang pintuan.

"T-tita Nerissa? Tito Nelson?" sambit ni Karen.

"Hija, Karen! Kamusta na?" tanong ni Nerissa.

"Tita! Ayos lang po kami. Tito Nelson, magaling na po pala kayo!" tugon ni Karen.

"Oo, Karen. Magaling na ako. Ilang linggo rin ang lumipas bago ako naka-recover. Mabuti na lang at gumaling ako." sambit ni Nelson.

"Naku, may awa po talaga ang Diyos sa atin. Sa kabila ng lahat, unti-unti po tayong nabubuo." tugon ni Karen.

"Ay teka, kasama nga pala namin si April. Ayos lang ba kung sinama namin siya?" tanong ni Nerissa.

"Oo naman po, tita. Ayos lang po." tugon ni Karen.

Maya-maya lamang ay pumasok si April sa pinto.

"Karen? Karen!" sambit ni April sabay yakap kay Karen.

"April! Kamusta na? Long time no see!" tugon ni Karen.

"Eto, okay lang. Ako na ang naging katuwang ni tita sa pag-aalaga kay tito. Ikaw, kamusta ka na?" sambit ni April.

"Ayos naman. Unti-unti na kaming nabubuo. Si Sabrina na lang ang kulang, ang kakambal ni Leslie." tugon ni Karen.

"K-kambal? May kakambal si Leslie?" tanong ni April.

"Oo, April. May kakambal si Leslie. Siya si Sabrina. Nito lang namin siya nakilala." tugon ni Karen.

"Teka, bakit ayaw niyong pumasok dito sa loob? Halika, kumain tayong lahat!" sambit ni Rita.

"Oo nga pala, halika po, pasok kayo!" tugon ni Karen.

—————

Ilang oras nang nakatali si Sabrina. Hindi pa rin siya pinapakawalan ni Martha. Hirap na hirap na siya, kaya naman ay gumawa siya ng paraan upang makatakas.

Kahit hirap, pinilit niyang tumayo. Lumapit siya sa malaking salamin na nasa kwarto niya.

"You need to do an escape plan, Sabrina. Kailangan mong makatakas dito." sambit niya habang nakatingin sa kaniyang sarili.

Walang anu-ano'y bigla niyang siniko ng napakalas ang salamin. Nabasag nga ito, ngunit nasugatan din naman siya.

"Aray, ang sakit!"

Dahil sa likod naman nakatali ang kamay niya. Pinilit niyang kunin ang isang piraso ng bubog na galing sa salamin. Pinilit niyang putulin ang tali.

Makalipas ang ilang sandali ay matagumpay niyang naputol ang tali. Kaagad niyang kinalagan ang kaniyang mga paa.

"Sabrina, what..." naputol ang pagsasalita ni Martha nang pumasok siya sa kwarto ni Sabrina dahil sa ingay na narinig niya. Nagulat siya nang makita niyang nakawala si Sabrina.

"S-Sabrina? Bakit ka nakawala? Tatakas ka ba? Tatakasan mo 'ko?" tanong ni Martha.

"I'm sorry, mommy. Sobra na 'tong ginagawa mo sa akin. Hindi ko na kaya! Aalis na 'ko dito sa impyernong bahay na 'to!" tugon ni Sabrina at nagtangkang tumakbo.

The SwitchWhere stories live. Discover now