Chapter 160 (Finale): Huling Engkwentro

35 0 0
                                    

Gulat na gulat si Karen nang masaksihan niya kung paano pagbabarilin ni Roxanne si Vicky. Natatakot siya. Natatakot siya dahil paano kung isa sa kanila ang susunod niyang barilin?

"V-Vicky? Vicky!" sambit ni Magda.

"Nay!" sigaw ni Karen.

Nagulantang si Magda nang makita si Vicky na duguan at wala nang buhay. Kahit papaano, naaawa pa rin siya rito.

"A-ano?! B-buhay ka pa rin, Magda? P-pinatay na kita, ah? Pinatay na kita! Imposible! Imposible! Paano ka nabuhay?" tanong ni Roxanne.

"Hindi ako ang binaril mo, Roxanne. Kundi ang nanay mo! Binaril mo si Vicky! Ikaw ang pumatay sa kaniya!" tugon ni Magda.

Matapos noon ay unti-unti nang nakita ni Roxanne ang katotohanan. Si Vicky nga ang nabaril niya.

"Hindi. Hindi totoo 'to! Hindi totoo 'to! Niloloko lang ako ng mga mata ko! Hindi! Hindi totoo 'to!" sambit ni Roxanne.

Kinusot ni Roxanne ang kaniyang mata. Totoo nga. Si Vicky ang napatay niya.

"Nay! Nay! Nay! I'm sorry! I'm sorry! Patwarin mo ako, hindi ko sinasadyang barilin ka! Nay! Patawarin mo ako! Naaaaay!" umiiyak na sigaw ni Roxanne.

—————

"Tay, malapit na po ba tayo? Ano pong sinasabi ng tracker? Nasaan daw po sila?" tanong ni Sabrina.

"Nasa isang warehouse sila sa Bulacan. 'Wag kang mag-alala, anak. Malapit na tayo. Ililigtas natin ang ate mo. Ililigtas natin sila!" tugon ni Rico.

Hindi nagtagal ay natunton na nila ang warehouse. Medyo may kalakihan ito.

"Ito na. Ito na ang warehouse. Maililigtas na natin sina Karen." sambit ni Edward.

"Sabrina, talaga bang gusto mong sumama sa amin sa loob? Delikado masyado roon!" tanong ni Rico.

"Tay, kahit na gaano pa pong kadelikado, gusto ko pong pumasok sa loob. Kahit buhay ko, ibibigay ko tay, alang-alang sa inyo. Pero hindi na po ako natatakot. Dahil alam kong hindi tayo pababayaan ng Diyos. At tsaka, marami po tayong kasamang mga pulis." tugon ni Sabrina.

"Kung 'yan ang gusto mo, hindi na kita pipigilan. Kailangan na nating pumasok sa loob. Kailangan na natin silang mailigtas sa lalong madaling panahon." sambit ni Rico.

"Sige po, tay. Halika na." tugon ni Sabrina.

Kaagad silang bumaba. Kasama ng mga pulis, sabay-sabay silang pumasok sa loob ng warehouse kahit na delikado.

Napalingon si Karen nang makita niyang bumukas ang pinto ng warehouse. Nakita niya si Rico.

"Tay!" sambit ni Karen.

Kaagad na pinaligiran ng mga pulis ang buong paligid. Nabuhayan ng loob at pag-asa ang tatlo nang makita sina Rico, Edward, at Sabrina.

"Anak!" tugon ni Rico sabay yakap sa anak.

"Hon, thank God you're safe!" sambit ni Edward.

"Ate, sobra akong nag-alala sa inyo. Mabuti na lang at ligtas kayo!" tugon ni Sabrina.

"Oo, anak. Ligtas kami. Hindi kami pinabayaan ng Diyos. Ligtas kami." sambit ni Magda.

"Sige na po mamang pulis, hulihin niyo na po 'yang babaeng 'yan!" ani Leslie sabay turo kay Roxanne.

"Hindi! Hindi pwede! Hindi ako papayag na maging masaya kayo. Hindiiii!" sigaw ni Roxanne sabay kuha sa kaniyang baril at itinutok ito kina Karen!

"Huwaaaag!" sigaw ni Sabrina at kaagad siyang humarang! Siya ang nabaril ni Roxanne!

The SwitchWhere stories live. Discover now