Chapter 64: The Return

4 2 0
                                    

"Hoy! Itigil niyo 'yan!" napatigil ang dalawa nang magsalita ang mga gwardya ng paaralan. Kaagad naman nilang naawat ang dalawa.

"Alam mo, Leslie, ikaw ang may kasalanan! Ikaw ang dapat mamatay!" sigaw ni Nicole.

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal mong sisihin ako! Wala akong ginagawang masama!" tugon ni Leslie.

"Bes! Anong nangyayari dito?" sigaw ni Mindy.

"Bes!" tugon ni Leslie.

"Wow, so now, dumating na ang kaniyang bestfriend!" sambit ni Nicole.

"Bakit? Anong ginawa mo sa kaniya, Nicole? Bes, anong ginawa niya sayo?" tanong ni Mindy.

"Alam mo, Mindy, 'yan ang dapat na ginagawa sa mamamatay-tao! Isa kang kriminal!" tugon ni Nicole.

"Nicole, hindi totoo 'yan! Napagbintangan lang si Leslie! Hindi totoo 'yang mga sinasabi mo!" depensa ni Mindy.

—————

"Grabe talaga, bes, lahat sila, ako na lang ang sinisisi sa aksidente ni Joana. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" umiiyak na sambit ni Leslie.

"Les, huwag ka ng umiyak. Huwag ka na ma-guilty. It's not your fault. Eh ano kung sisihin ka nila? Huwag mo silang pakinggan. Hindi naman nila alam kung ano 'yung totoong nangyari eh." tugon ni Mindy.

"Pero si tita Olivia, si tita Olivia, nandun siya nung nangyari 'yung aksidente. At, ako 'yung sinisisi niya sa nangyari." sambit ni Leslie.

"Les, maybe, galit lang talaga siya sayo. Alam naman niya na magkaaway kayo ni Joana, 'di ba? Siguro, nadala lang siya ng galit niya." tugon ni Mindy.

"Sana nga, Mindy. Sana nga, mawala na 'tong problema ko." ani Leslie.

—————

Naglalakad si Irene patungo sa room kung saan iniligtas nila ang isang taong walang malay. Sakto namang nakita niyang lumabas ang kaniyang ina na si Lilia.

"Ma, saan ka pupunta?" tanong ni Irene.

"Nak, bibili lang ako ng pagkain. Ikaw na ang bahala dun sa lalaking iniligtas natin. Bantayan mo siya, ha?" tugon ni Lilia.

"Sige po."

Pumasok si Irene sa loob ng room na 'yon. Muli niyang pinagmasdan ang lalaking kanilang nailigtas...

Siya ay si...

Siya ay si Edward.

Buhay siya.

"Alam mo, nacu-curious ako. Ano kayang nangyari sayo? Infairness ha, may itsura ka. Pero sana, magising ka na. Sana, makabalik ka na sa pamilya mo." sambit ni Irene habang pinagmamasdan ang lalaking iniligtas nila.

Napalingon si Irene sa pinto nang biglang pumasok si Lilia.

"Nay, akala ko po ba, bibili kayo ng pagkain?" tanong ni Irene.

"Nakalimutan ko lang 'yung wallet ko. Kukunin ko lang." tugon ni Lilia.

"Ah, okay po."

Nang makuha na ni Lilia ang kaniyang wallet, muli siyang lumabas at muling naiwan si Irene mula sa loob ng kwarto.

"Hay nako, sana magising ka na. Para naman, makilala na kita." muling sambit ni Irene.

Napatingin si Irene sa pasyente nang bigla nitong igalaw ang kaniyang kamay.

"Teka, gising ka na ba? Gising na ba siya? Teka, sandali. Tatawag lang ako ng nurse. Wait lang, wait lang!" sambit ni Irene at kaagad na lumabas upang tumawag ng nurse.

The SwitchWhere stories live. Discover now