Chapter 13: Balik Mansyon

15 2 0
                                    

"Talaga? Sinabi niya 'yun?" tanong ni Karen.

"Oo. Nagulat nga ako ng pumayag siya eh." tugon ni Edward.

"Naku, salamat. Sana ay magkaayos na rin kami ng nanay mo." sambit ni Karen.

"Naku, sana nga. O siya sige, mag-ayos ka na. Maya-maya ay susunduin kita para makabalik ka na rito." tugon ni Edward.

"Sige hon, salamat." sambit ni Karen at ibinaba ang telepono.

"Oh, anak, sino 'yang kausap mo?" tanong ni Magda.

"Nay, kausap ko po si Edward." tugon ni Karen.

"Oh, ano raw sabi?" tanong ni Magda.

"Nay, okay na raw po." tugon ni Karen.

"Ha? Okay? Anong okay? Alam mo anak, diretsuhin mo na nga ako. Anong okay?" tanong ni Magda.

"Nay, okay na raw po kay tita Rita na bumalik ako sa mansyon." tugon ni Karen.

"Ano? Pinababalik ka nung Rita na 'yon sa mansyon? Nako, hindi ako papayag. Hindi pwede. Hindi ako papayag. Paano kung apihin ka nanaman ng biyenan mo?" tanong ni Magda.

"Nay, masyado lang po kayong OA. Hindi naman po siguro. Baka po, kaya nila ako pinababalik ay para magkaayos na po kami." tugon ni Karen.

"Siguraduhin niya lang na makikipag-ayos siya. At kapag sinaktan ka niya, ako mismo ang makakalaban niya." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Sana naman po, makipag-ayos na siya." tugon ni Karen.

----------

"Karen, papunta na ako dyan sa bahay ninyo. Handa ka na ba?" tanong ni Edward.

"Oo, Edward. Handa na ako. Pwede raw bang sumama sina Leslie at Nanay sa paghatid sa akin?" tanong ni Karen.

"Oo naman. Sige. Pwede silang sumama sa paghatid sayo para na rin magkausap sila ni Mama." tugon ni Edward.

"Sige. Salamat." sambit ni Karen.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin si Edward sa bahay nila Magda.

"Karen? Leslie? Tita Magda?" sambit ni Edward.

"Nay, nandyan na po si Edward. Halika na po." sambit ni Karen.

"O siya sige, anak. Halika na. Leslie, halika na." tugon ni Magda.

Sumakay sina Karen, Leslie, at Magda sa sasakyan ni Edward. Isinakay nila ang mga gamit ni Karen sa compartment.

"Edward, salamat sa paghatid sa amin ha." sambit ni Magda.

"Walang anuman po, tita. Kinausap ko na rin po si Mama. Ayos na raw po na bumalik si Karen sa mansyon." tugon ni Edward.

"Mabuti naman kung ganon, Edward. Sabihin mo rin sa nanay mo, na kapag sinaktan niya pa si Karen ng isang beses ay ako mismo ang makakalaban niya." sambit ni Magda.

"Opo, tita Magda. Sasabihin ko po sa kaniya na huwag na pong sasaktan si Karen. Pangako po, tita." tugon ni Edward.

"Sige. Salamat." sambit ni Magda.

Nang makarating sina Edward sa mansyon ay pinagbuksan sila ng pinto ni Janice.

"Janice, baka pwedeng tulungan mo kaming ipasok 'yung mga gamit ni Karen?" tanong ni Edward.

"Sige po, sir." tugon ni Janice.

"Karen, please. Sana patawarin mo na si Mama. Alam ko namang hindi niya sinasadyang masampal ka eh." sambit ni Edward.

"Ayos lang, Edward." tugon ni Karen.

"Oh ano, Edward, nasaan na 'yang nanay mo?" tanong ni Magda.

"At bakit mo naman ako hinahanap, Magda?" tanong naman ni Rita.

"Hoy Rita, siguraduhin mo na ngayong pinabalik mo ang anak ko dito sa mansyon, huwag na huwag mo siyang sasaktan. Naiintindihan mo?" tanong ni Magda.

"Alam mo, Magda, hindi ako ang nagpabalik sa kaniya dito sa mansyon. Pinilit lang ako ni Edward kaya wag kang ano dyan." tugon ni Rita.

"Kahit na, Rita. Kahit na. Hindi pa rin ako papayag na saktan mo ang anak ko." sambit ni Magda.

"Okay, fine. Sige. Hindi ko sasaktan ang anak mo. Pero once na magdala siya ng problema sa bahay na ito, humanda ka sa pwede kong gawin sa anak mo, Magda." tugon ni Rita.

"Subukan mo, kundi ako ang makakalaban mo." sambit ni Magda.

"Oo na, oo na! Basta ikaw Karen ha, ayoko ng gagawa ka ng kung anong kalokohan!" sambit ni Rita.

"Opo, tita. Sige po, akyat po muna ako sa kwarto." tugon ni Karen.

----------

"Nak, huwag kang magpapaapi sa biyenan mo ha?" sambit ni Magda.

"Opo, nay. Hindi po ako magpapaapi sa kanila." tugon ni Karen.

"Basta, ate, sabihin mo sa amin kapag inaaway ka nila dito ha. Handa kaming rumesbak para sayo." sambit ni Leslie.

"Salamat, Nay. Salamat, Leslie. Oo, magsasabi ako sa inyo." tugon ni Karen.

"Anak, palagi kang mag-iingat ha. Lagi mong susundin ang mga ibinilin ko sayo." sambit ni Magda.

"Opo, Nay." tugon ni Karen.

----------

"Tol, seryoso ka? Seryoso ka bang gusto mong bilhin 'yan?" tanong ni Robert.

"Oo, Robert. Bibilhin ko itong switching machine na 'to. Gusto ko rin kasing ma-try na makalipat sa katawan ng iba." tugon ni Edward.

"Sigurado ka dyan, ha?" tanong ni Robert.

"Oo naman. Kay Karen ko unang ipapasubok 'to." sambit ni Edward.

"Eh kung ganon, sino namang magiging kapalitan ni Karen ng katawan?" tanong ni Robert.

"Pwedeng si Bella, si Ariana, or pwede ring si Roxanne. Basta dapat sa kaibigan niya." sambit ni Edward.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Edward?" tanong ni Robert.

"Oo, Robert. Sigurado na ako dito." tugon ni Edward.

"Eh pero teka, alam na ba 'to ni tita Rita?" tanong ni Robert.

"Hindi pa. At tsaka, baka hindi rin siya pumayag kapag nalaman niya 'to. Basta, ako na ang bahala dito." tugon ni Edward.

Buo na ang desisyon ni Edward kaya naman ay binili niya ang isang switching machine. Itong switching machine na ito ay kayang pagpalitin ang katawan ng dalawang tao.

Pagkatapos bilhin ni Edward ang switching machine na ito ay kaagad niya itong ipinalagay sa kanilang garahe. Malaki ang kanilang garahe at kasya ito dito.

----------

Kinaumagahan, nagising si Karen dahil may kumakatok sa pinto niya.

"Sino 'yan?" tanong ni Karen.

"Ma'am, si Janice po ito. Pinapatawag po kayo ni sir Edward." tugon ni Janice.

"Ah, bakit daw?" tanong ni Karen.

"Hindi ko po alam, ma'am. Basta po, sabi ni sir ay pumunta raw po kayo sa garahe. May ipapakita raw po siya sa inyo." tugon ni Janice.

"Sige, Janice. Pakisabi sa kaniya na pababa na ako." sambit ni Karen.

"Sige po, ma'am." tugon ni Janice.

Kaagad bumaba si Karen mula sa kaniyang kwarto at dumiretso sa garahe. Nagulat siya sa kaniyang nakita.

"Surprise!" sambit ni Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now