Chapter 29: Aksidente

8 4 0
                                    

Biglang bumaba ang driver na nakabangga kay Roxanne.

"Naku, buhay pa 'to, mukhang kailangan kong dalhin sa ospital!" sambit ng driver.

Sakto namang hinanap ni Fred si Roxanne sa loob ng bahay. Hindi niya ito makita kaya naman ay kaagad siyang lumabas. Nakita niya si Roxanne na nakahiga sa karsada.

"Anong nangyari?" tanong ni Fred.

"Naku, sir, nasagasaan ko siya!" tugon ng driver.

"Ano? Bakit kasi hindi ka naman nag-iingat sa pagmamaneho?" ani Fred.

"Sir, sorry po. Hindi ko po kaagad siya nakita. Halika na po, dalhin na po natin siya sa ospital!" tugon ng driver.

"Halika na!" ani Fred at binuhat si Roxanne patungo sa loob ng sasakyan upang dalhin sa ospital.

Nang makarating sa ospital, kaagad dinala si Roxanne sa emergency room.

"Doc, please do everything to save my sister." ani Fred.

"Sige po, sir, kami na po ang bahala. We'll do everything." tugon ng doktor.

Napalingon si Fred sa lalaking nakabangga kay Roxanne.

"Ano ka ba naman, kuya? Bakit ba hindi ka nag-iingat?" tanong ni Fred.

"Pasensiya na po, sir. Hindi ko po kasi kaagad siya nakita," tugon ng lalaki.

"Tulungan mo kaming magbayad ng gastusin dito ha. Kasalanan mo 'yan." ani Fred.

"Opo." tugon ng lalaki.

—————

"Naku, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito ha." sambit ni Vicky sa kaniyang kaibigan na si Miranda.

"Walang anuman, Vicky. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Miranda.

"Nag-away kami ng mga anak ko. Basta, mahabang kwento." tugon ni Vicky.

"O siya sige, Vicky. Pinalinis ko na ang kwarto mo. Magpahinga ka na muna. Just call me if you need anything." ani Miranda.

"Salamat, Miranda. Sige, papasok muna ako doon sa kwarto ko." tugon ni Vicky.

—————

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang doktor na gumagamot kay Roxanne.

"Dok, kamusta na po ang lagay ng kapatid ko?" tanong ni Fred.

"Ayos na ang lagay ng pasyente. Stable na siya. Pwede na natin siyang ilipat sa private room." tugon ng doktor.

"Salamat po, dok." ani Fred.

Kinuha ni Fred ang kaniyang telepono at tinawagan si Mystie.

"Mystie, pumunta ka rito sa ospital." sambit ni Fred.

"Ha? Anong nangyari? Bakit nandyan kayo?" tanong ni Mystie.

"Naaksidente si Roxanne. Basta, itetext ko nalang sayo 'yung address ng ospital." tugon ni Fred.

"O sige, sige. Pupuntahan ko kayo." ani Mystie.

Sinabi ni Fred ang address ng ospital kay Mystie. Kaagad nagpunta si Mystie sa ospital.

"Oh, kuya Fred, anong nangyari kay Roxanne?" tanong ni Mystie.

"Ayun, nabangga ng sasakyan. Andun siya sa loob, siya nalang magpapaliwanag sayo." tugon ni Fred.

"O sige, kuya. Pasok muna ako sa loob." ani Mystie.

Pagpasok ni Mystie sa loob ng kwarto ni Roxanne ay nakita niyang nakahiga si Roxanne.

The SwitchWhere stories live. Discover now