Chapter 146: Unstoppable

2 0 0
                                    

"Tita, totoo po ba 'yan? Hindi po ba sabi niyo, okay siya? Magkausap lang po tayo sa telepono kanina, 'di ba?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Pero, sabi ng doktor, nagkaroon daw ng komplikasyon pagkatapos ng operasyon niya. H-hindi ko na alam kung papaano magsisimula nang wala siya." tugon ni Nerissa.

"Tita, don't worry. Nandito pa kami. Nandito pa si April. Hinding-hindi ka namin pababayaan. Kami ang bahala sayo." sambit ni Karen.

"Salamat, Karen. Maraming salamat sa inyong lahat. Pero, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Namatay na ang anak kong si Mystie, pagkatapos, wala na rin ang asawa ko." tugon ni Nerissa.

—————

Few days later...

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Nawala na ang anak kong si Mystie, tapos, mawawala na rin pala ang asawa ko ng ganun-ganun lang. Ang bilis ng mga pangyayari." sambit ni Nerissa habang nakatingin sa kabaong ni Nelson.

"Tita, ganun po talaga. May mga tao po talagang makakasama natin ng matagal, at may mga tao pong makakasama natin ng sandali lang. Pero ang mahalaga tita, nakasama natin sila. Ang mahalaga, naging parte tayo ng buhay nila." tugon ni Karen na nasa tabi ni Nerissa at pinapakalma siya.

"Alam mo, Karen, sobrang pasasalamat ko at nakilala kita. Sobrang pasasalamat ko dahil parati kang nandyan para sa akin. Alam mo, noong una kitang makilala, abot langit ang galit ko sayo dahil akala ko, ikaw ang pumatay sa anak ko. Pero hindi pala. Dahil ang sariling kaibigan ng anak ko ang pumatay sa kaniya. At nagsisisi ako na naging kaibigan ni Mystie si Roxanne. Siguro, kung hindi niya 'yun naging kaibigan, malamang magkasama pa kami ng anak ko. Malamang, kapiling ko pa rin siya ngayon." sambit ni Nerissa.

"Ganun din po ako, tita. Sobrang laki rin ng galit ko kay Roxanne. Sinubukan po niyang agawin sa akin si Edward. Sinubukan niyang angkinin ang lahat ng meron ako. Pero, hindi siya nagtagumpay, tita. Nang ma-realize niya na hindi niya makukuha ang dapat na para sa akin, ginulo niya ang pamilya namin. Hanggang sa, magkagulo-gulo na kaming lahat nang dahil sa kaniya. Mabuti na nga lang po at patay na siya. Pero ngayong wala na siya, buhay naman si Martha. At siya ang patuloy na gumagambala sa atin." tugon ni Karen.

"Kailangang pagbayaran ni Martha ang pagpatay niya sa asawa ko. Kailangang magdusa siya. Kulang pa ang makulong siya sa bilangguan bilang parusa sa ginawa niya." sambit ni Nerissa.

"Tama kayo, tita. Dapat natin siyang pagbayarin sa lahat ng mga ginawa niya." tugon ni Karen.

—————

"Martha Esquivel, may bisita ka." sambit ng pulis.

"Ha? S-sino?" nagtatakang tanong ni Martha.

"Andun, naghihintay sa labas. Puntahan mo na." tugon ng pulis at binuksan ang selda upang makalabas si Martha.

Pagkalabas ni Martha ay nagtaka siya. Dahil hindi niya kilala ang kaniyang mga bisita.

"S-sino kayo? At bakit kayo nandito?" tanong ni Martha.

"Martha ang pangalan mo, tama?" tanong ni Iris na siyang bisita ni Martha.

"Oo. Ako nga si Martha. At papaano niyo naman ako nakilala? Sino ba kayo?" tugon ni Martha.

"Hindi mo ba ako namumukhaan? Ako si Iris. Ako 'yung kasambahay sa bahay nila Karen. Ako 'yung hinire nilang kasambahay." sambit ni Iris.

"Oh, so ano namang pake mo? Bakit, sisisihin mo rin ba ako sa ginawa kong pagpatay kay Nelson? Well, dapat lang sa kaniya 'yon. Dapat lang siyang mamatay because he deserve it." tugon ni Martha.

"Well, kitang-kita ko ang pagpatay na ginawa mo sa asawa ni Nerissa. At gusto ko lang sabihin sayo na, good job!" sambit ni Iris.

"Ano? At ano namang pakialam mo dun? At anong good job ang sinasabi mo?" tanong ni Martha.

"You did great, Martha! Proud na proud nga kami ng anak ko sayo, e!" tugon ni Vicky na kasama ni Iris sa pagbisita kay Martha.

"Yes. Tama si nanay. You did a great job, Martha! Mabuti na lang at pinatay mo siya! Dahil sa ginawa mo, nabawasan kami ng mga kaaway. Nabawasan kami ng tinik sa dibdib." sambit ni Iris.

"Teka, s-sino ba talaga kayo? At bakit parang nagustuhan niyo ang ginawa kong pagpatay sa kanila?" tanong ni Martha.

"Well, malaki ang galit ko sa pamilya nila. Matindi. Matinding-matindi. Well, ang hindi nila alam, hindi talaga ako si Iris. Kundi, ako si Roxanne Villanueva. Ako ang mortal na kaaway ng pamilya nila." tugon ni Iris.

"Ano? Papaano nila hindi malalaman na ikaw talaga si Iris? Teka, hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi mo. Sino ka ba talaga?" tanong ni Martha.

"Oh, so hindi mo pa pala alam ang tungkol sa switching machine. Well, ginamit ko 'yun para makipagpalitan ng katawan. Pero teka, ano ba talagang koneksiyon mo sa kanila? Anong koneksiyon mo sa pamilya nina Karen at Leslie?" sambit ni Iris.

"Well, anak ko si Sabrina. Pero, hindi ko siya totoong anak. Ampon ko lang siya. At si Magda ang totoo niyang ina. Kambal sila ni Leslie. Napamahal na sa akin si Sabrina. At ayokong mawala siya. That's why, gagawin ko ang lahat para bawiin siya sa pamilya ni Leslie. At kahit na pumatay ng tao, gagawin ko para lang mabawi siya." tugon ni Martha.

"Ang galing mo, Martha. Congratulations. Well, pwede ka naming maging kakampi. Dahil pareho lang naman ang gusto natin. Ang masira ang pamilya nina Karen, tama?" sambit ni Iris.

"Oo. Gusto kong masira at mamatay ang pamilya nila para mabawi ko sa kanila si Sabrina. At kapag nangyari 'yon, makukuha ko na ang anak ko." tugon ni Martha.

"Well, that's it! Ganun din ang gusto ko. Matagal ko nang gusto ang asawa ni Karen. Matagal ko na silang gustong sirain at patayin. Malaki ang kasalanan sa akin ng pamilya nila. Kaya kung magtutulungan tayong sirain ang pamilya, pare-pareho nating makukuha ang mga gusto natin." sambit ni Iris.

"I think that's a great idea. Pero, paano tayo magtutulungan kung nakakulong ako?" tanong ni Martha.

"Kaya nga tutulungan ka naming makatakas dito. May mga tauhan kami. Pwede tayong humingi ng tulong sa kanila. Madali lang naman 'yan, e. Madaling-madali. Kayang-kaya kong gawan ng paraan 'yan." tugon ni Iris.

"Well, mukhang, magkakasundo naman pala tayo. I think that we will be great friends. Maghihiganti tayo sa bawat isa sa kanila. We will be unstoppable. Pero sa ngayon, pag-usapan muna natin 'yan." sambit ni Martha.

"Good job!" tugon ni Iris.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now