Chapter 40: Duda

6 3 0
                                    

"N-Nikko, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Leslie.

"Umm, dito rin kami kakain ni Joana. Is it okay if we join you?" tanong ni Nikko.

"S-sure." tugon ni Leslie.

"Babe, umupo ka na sa tabi nila. I'm just gonna order our food." ani Nikko.

Walang nagawa si Joana kundi ang umupo sa tabi nina Leslie.

"So, sa lahat ba naman ng kainan, dito pa kayo kakain?" tanong ni Joana.

"Joana, bakit? Pag-aari mo ba 'tong restaurant para bawal kaming kumain dito, ha?" tanong ni Mindy.

"Mindy, tama na." sambit ni Leslie.

"Uhm, Joana, pasensiya ka na sa sinabi ni Mindy. Umm, maybe it's just a coincidence. Sana, huwag mo na kaming awayin." dagdag pa ni Leslie.

"Well, hindi tayo mag-aaway kung, lalayuan mo ang jowa ko. Magkakaayos tayo kung ganun." sambit ni Joana.

Nang makabalik si Nikko sa pwesto nina Joana, kaagad nagpaalam si Joana upang magbanyo.

"Babe, restroom lang ako saglit," ani Joana.

"Sure."

Nang makaalis si Joana at nagtungong banyo, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sina Nikko at Leslie.

"Kamusta na kayo, guys?" tanong ni Nikko.

"Ah, ayos naman." tugon ni Leslie.

"Okay naman kami, Nikko. 'Yun nga lang, we're stressed. Ang dami naming paperworks." ani Mindy.

"Oh, I see. Well, I hope na malagpasan niyo 'to lahat." sambit ni Nikko.

"Salamat." tugon ni Mindy.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na rin si Joana mula sa banyo. Halatang naiinis siya dahil sa dinami-dami ng table sa restaurant, naki-share pa sila kina Leslie at Mindy.

"Umm, babe, can we just move to another table? Mukhang, nakakahiya kasi kina Leslie at Mindy eh." sambit ni Joana.

"You know what, babe, it's okay. Huwag ka nang mahiya. You know, they're my friends. And I think, it's okay for them na mag-share tayo ng table. Right, Leslie?" tugon ni Nikko.

"Ah, oo. Huwag ka na mahiya, Joana." sambit ni Leslie.

"Fine." tugon ni Joana at napa-irap na lamang.

—————

"Nay, kamusta si Karen? Ano, nakatali pa rin ba?" tanong ni Karen kay Vicky sa telepono.

"Naku, anak, bad news." tugon ni Vicky.

"Bad news? Anong bad news? Don't tell me, nakatakas siya?" sambit ni Karen.

"O-oo, anak. Nakatakas siya. I'm sorry." tugon ni Vicky.

"What the hell? Bakit ninyo hinayaang makatakas? Kaya hindi tayo nagsa-succeed sa mga plano natin eh, papalpak-palpak kasi kayo." inis na sambit ni Karen.

"Anak, pasensiya ka na. Sorry talaga." ani Vicky.

"Oh, eh nasaan na siya ngayon?" tanong ni Karen.

"Ayun, n-nakuha siya ni Rico kagabi. Nahuli namin sila na tumatakas." tugon ni Vicky.

"Bwisit! Mga wala talaga kayong kwenta! Arghhh!" sigaw ni Karen at naihagis ang kaniyang telepono.

"Bwisit! Kaya tayo pumapalpak sa mga plano dahil sa katangahan ninyo, wala kayong kwenta!" inis na sigaw ni Karen.

—————

"Edward, hindi ka ba nagtataka kay Karen? Napapansin ko kasi, parang nag-iba ang ugali niya." ani Rita.

"Napapansin ko rin po, Mama. Siguro po, may problema lang siya kaya siya ganun." tugon ni Edward.

"You think na may problema lang siya? Iba kasi ang kutob ko, anak. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi naman siya dating ganoon. Para siyang sinaniban ng masamang tao." sambit ni Rita.

"Mama, don't worry. Kakausapin ko na lang siya. Aayusin namin 'to." tugon ni Edward.

—————

"Babe, bakit ba kasi doon pa tayo umupo sa table nila Leslie? Ang dami namang table sa buong restaurant eh." sambit ni Joana.

"Babe, it's okay. Ayaw mo ba silang maging kaibigan?" tanong ni Nikko.

"Well, I-I don't know. I don't know. Pakiramdam ko, may masamang balak sa atin si Leslie." tugon ni Joana.

"W-what? Ano bang pinagsasabi mo, babe? Masamang balak? Like, what? You know, Leslie is a good person. I'm sure na wala siyang masamang intensyon sa atin o kaya sayo." ani Nikko.

"Eh, sa 'yun ang nararamdaman ko eh." tugon ni Joana.

"Hay nako, babe. You know what, mag-relax muna tayo. Baka stressed ka lang kaya kung ano-anong pinag-iisip mo." sambit ni Nikko.

"B-baka nga." tugon ni Joana.

—————

"Ma'am, pinapatawag daw po kayo ni sir Edward. Nasa kwarto po siya." sambit ni Janice.

"B-bakit daw?" tanong ni Karen.

"H-hindi ko po alam, ma'am." ani Janice.

"S-sige, papunta na 'ko." tugon ni Karen.

Tumayo si Roxanne sa kaniyang kinauupuan at pumunta sa kanilang kwarto.

"H-hon, pinapatawag mo raw ako?" tanong ni Karen.

"Y-yes, hon. Pinapatawag kita dahil gusto kitang makausap." tugon ni Edward.

"Tungkol saan?" tanong ni Karen.

"Tungkol sa kanina. Hon, bakit naman ganoon ka kay Mama? May tampuhan ba kayo or something?" tanong ni Edward.

"H-hon, you know what, I'm just tired. P-pwede bang, magpahinga na lang tayo?" tugon ni Karen.

"Hon, answer my question. Bakit ka ganoon kay Mama?" tanong ni Edward.

"H-hon, pasensiya ka na, pero, nainis ako sa Mama mo. Paano ba naman kasi, ang dami niyang iniutos. Tapos noong hindi ko nagawa ang mga iniutos niya, nagalit siya sa akin. Itinulak niya ako, sinabunutan, sinampal. Mabuti na nga lang, hindi masyadong masakit ang sampal niya sa akin kanina. Hon, I'm sorry if nagkagulo kami." pagsisinungaling ni Karen.

"Okay, hon. Sige, I'll talk to Mama tomorrow." ani Edward.

"Sige hon. M-matulog na tayo." sambit ni Karen.

"S-sige, goodnight." tugon ni Edward.

Muling naisip ni Roxanne ang kaniyang biyenan. Naiinis siya rito.

"Bwisit kang matanda ka, kahit kailan talaga, epal ka sa mga plano ko. Ano bang dapat gawin sa mga epal na kagaya mo? Edi, dinidispatsa." sambit ni Karen sa isip niya.

Hinintay ni Roxanne na makatulong ng mahimbing si Edward. Pagkatapos ng kalahating oras, bumangon si Roxanne upang isagawa ang mga plano niya.

Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng kutsilyo.

"Goodbye, tita. Magkakasama na kayo ni satanas sa impyerno." sambit ni Karen.

Matahimik siyang naglakad patungo sa kwarto ni Rita. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang mahimbing na natutulog ang matanda. Pinagmasdan niya ito.

"Kawawang Margarita, pasensiya ka na tanda, ha? Ganito kasi ang mga dapat na ginagawa sa kagaya mo," bulong ni Karen at dahan-dahan niyang iniangat ang kutsilyo upang saksakin si Rita.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now