Chapter 43: Buking Na

6 3 0
                                    

"Impostora? Anong impostora? Hon, ano bang pinagsasabi mo?" tanong ni Karen.

"Hindi mo na ako madadaan sa maangmaangan acting mo! Alam ko na ang totoo! Hindi talaga ikaw si Karen! At ang kapal ng mukha mo na pagtangkaang patayin ang mama ko!" tugon ni Edward.

"Ano? Ano bang sinasabi mo? Bakit ko naman pagtatangkaang patayin ang mama mo?" tanong ni Karen.

"Dahil makakagulo lang siya sa plano mo. Kaya pala, kaya pala noong isang gabi, nagdala ka ng kutsilyo sa kwarto niya para patayin siya. Hayop ka, pinaniwala mo kaming lahat na ikaw talaga si Karen!" galit na tugon ni Edward.

"Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan!" depensa ni Karen.

"You know what, I'm so disappointed with you! Bakit mo ginawa 'yon, ha?" tanong ni Edward.

"Edward, I-I'm sorry. Nagawa ko lang 'yon kasi mahal kita. Mahal na mahal. Kaya please, give me a second chance. Hayaan mo, babawi ako sayo." tugon ni Karen.

"No! I won't give you another chance, Roxanne. Hindi ko hahayaang lahat kami idamay mo. Hindi ko hahayaan na pati kami, patayin mo!" sigaw ni Edward.

"Edward, hindi totoo 'yan! Wala akong balak na patayin kayo!" sambit ni Karen.

"Hindi totoo 'yan! Dinig na dinig ko sa video na gusto mo ring ipapatay si Karen para hindi rin siya makahadlang sa mga plano mo. Tama ba?" tanong ni Edward.

"Edward, s-saan nanggagaling ang mga 'yan?" tanong ni Karen.

"I installed a hidden camera inside our room! At hindi ako nabigo, nalaman ko ang totoo!" tugon ni Edward.

"No, no, no! Hindi pwede 'to!" sambit ni Karen.

"Kaya kung ako sayo, Roxanne, mag-empake ka na, dahil aalis ka na! Gusto ko, pagkatapos ng isang oras, nakaalis ka na rito sa bahay na 'to! I don't wanna see your face again!" galit na tugon ni Edward.

"No, hindi ako aalis dito, hon!" sambit ni Karen.

"Hindi ka aalis? Sige! Ako na ang mag-eempake ng gamit mo. Ngayon ka na aalis!" tugon ni Edward.

"No, hon, wait!" sigaw ni Karen.

Hindi nakinig si Edward sa mga sinasabi ni Roxanne. Galit na galit siya rito dahil itinago niya ang buong katotohanan.

Kaagad pumunta sa kanilang kwarto si Edward at inempake ang mga gamit ni Roxanne. Sinusubukan siyang pigilan ni Roxanne ngunit hindi siya nagpapaawat.

"Hon, please, I'm sorry. Please give me another chance," umiiyak na sambit ni Karen.

"Another chance? Another chance for what? Another chance para lokohin mo kami ulit?" tanong ni Edward.

"No, hon. Please give me another chance na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal." umiiyak na tugon ni Karen.

"Kamahal? Sa tingin mo ba, pagmamahal 'yung itinatago mo sa akin ang sikreto mo? 'Yung itinatago mo 'yung totoo mong pagkatao? Aba, lintik na pagmamahal 'yan!" galit na sambit ni Edward.

"Please, hon, 'wag mo akong palayasin." lumuluhang tugon ni Karen.

"No, aalis ka na rito sa bahay namin! At kapag umalis ka, pababalikin ko rito sa bahay ang totoong Karen!" sigaw ni Edward.

"No! Hindi ako papayag na mangyari 'yon! Hindi ko hahayaang masira ang lahat ng plano ko! Hindi ako papayag!" tugon ni Karen.

"Bakit ba ganyan ka maka-asta? Hindi naman kita asawa. Anong karapatan mong gawin 'to, ha? Unang-una sa lahat, hindi mo ako pag-aari. At pangalawa, hindi ikaw ang mahal ko! Si Karen ang mahal ko! So if I were you, get out of our house!" sigaw ni Edward.

"Oo na! Oo na! Lalayas na ako rito sa bahay mo! Lalayas na ako dito! Pero ito ang tatandaan mo, Edward. Hindi pa ako tapos. May sequel pa ang ganti ko sa inyo! Tandaan niyo 'yan!" galit na sigaw ni Karen at kinuha ang maleta at naglakad palabas ng bahay.

"Ayan, mabuti 'yan. Lumayas ka na rito, impostora ka!" sambit ni Edward.

Narinig nina Rita at Janice ang sigaw nina Edward at Roxanne kaya naman ay kaagad nilang pinuntahan ang dalawa.

"Anak, anong nangyayari rito?" ani Rita.

"Mama, niloloko lang tayo ng babaeng 'yan! Alam ko na ang sikreto niya! She is Roxanne! And she wants to kill you dahil makakahadlang ka lang sa mga plano niya!" pagsisiwalat ni Edward.

Hindi makapaniwala si Rita sa mga nasabi ni Edward. Agad siyang lumingon kay Roxanne.

"What? You lied to us! All this time, niloloko mo lang kami? How dare you!" sambit ni Rita at sinampal niya si Roxanne.

"Tita, I'm sorry. Nagawa ko lang po 'yun dahil mahal na mahal ko ang anak ninyo. Sorry po." tugon ni Karen.

"Anong sorry sorry? At huwag na huwag mo akong tatawaging tita. Do you understand?" galit na sambit ni Rita.

"Alam mo, Roxanne, lumayas ka na rito, layas!" sigaw ni Edward.

"Oo! 'Wag mo 'kong itulak! Lalayas talaga ako! Pero sinasabi ko sa inyo, hindi pa tayo tapos! Babalikan ko pa kayo!" tugon ni Karen at nagtatakbo palayo.

"Walang hiya talaga 'yang babaeng 'yan. Nagawa pa tayong lokohin?" ani Rita.

"Don't worry, Mama. Hindi na po ako magpapaloko kay Roxanne. Tatawagan ko na po si Karen. Pababalikin ko na siya rito." tugon ni Edward.

"Baka naman, magdala nanaman ng problema 'yan dito, ha?" tanong ni Rita.

"Mama, don't worry. Iba si Karen. Hindi siya katulad ni Roxanne." tugon ni Edward.

—————

Umiiyak na umuwi si Roxanne sa kanilang bahay. Nabigo siya nang hindi niya natapos ang kaniyang misyon na tuluyang angkinin si Edward.

"Hayop ka, Karen. Huwag kang mag-alala, makukuha ko rin sayo si Edward. Magiging akin din siya, balang araw." bulong niya sa sarili.

Nang marating na niya ang kanilang bahay, kumatok siya sa pinto.

"Anak? Roxanne?" sambit ni Vicky.

"Nay." naiiyak na sambit ni Karen.

"Oh, anak, bakit ka umalis sa mansyon? Baka hanapin ka ni Edward." tanong ni Vicky.

"N-nay, hindi niya na po ako hahanapin. Alam niya na po ang sikreto ko. Nabuking niya ako. Alam niya na po na ako si Roxanne." tugon ni Karen.

"Ha? Paano niya nalaman? Bakit, may pinagsabihan ka ba?" tanong ni Vicky.

"N-nay, hindi po. Wala po akong pinagsabihan." tugon ni Karen.

"Kung wala kang pinagsabihan, eh papaano nalaman ni Edward ang totoo?" tanong ni Vicky.

"Naglagay po siya ng hidden camera sa kwarto namin." tugon ni Karen.

"W-what?" ani Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now