Chapter 154: Truth Revealed

3 0 0
                                    

Hindi makasagot si Iris. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

"S-sir Edward, k-kayo po pala 'yan." nauutal na sambit ni Iris.

"Iris, ang tanong ko, bakit mo hawak ang saksakan ng oxygen ni tita Nerissa? May binabalak ka bang masama sa kaniya?" tanong ni Edward.

"Ah, 'yun po ba, sir? W-wala po. Wala po akong masamang balak sa kaniya. Nakita ko po kasing naluwag 'yung saksakan at parang nahihirapan po siyang huminga kanina. Kaya po, chineck ko kung nakasaksak ba ng maayos 'yung oxygen niya." tugon ni Iris.

"Are you sure?" tanong ni Edward.

"Yes, sir. Bakit po?" tugon ni Iris.

"Wala, sige na, Iris. Umuwi ka na. Ako na ang bahalang magbantay kay tita Nerissa. Eto'ng pamasahe." sambit ni Edward.

"Sige po, sir. Salamat." tugon ni Iris.

—————

"Bwiset, bwiset talaga! Nandun na 'ko eh! Nandun na 'ko! Tatanggalin ko na 'yung saksakan ng oxygen ni Nerissa pero biglang dumating si Edward!" inis na sigaw ni Iris.

"Eh kasi naman, hindi ka nag-iingat. So ano, buking ka na?" tanong ni Vicky.

"Hindi. Pero, nahuli niya 'kong hawak ko 'yung saksakan ng oxygen. Buti na lang at nakapagpalusot ako. Sinabi kong maluwag 'yung saksakan ng oxygen kaya inayos ko." tugon ni Iris.

"Alam mo, Roxanne, okay ka naman eh. Pero minsan, may kahinaan din ang ulo mo. Bakit mo kasi hinayaang makita ka ni Edward?" tanong ni Vicky.

"Nay, malay ko ba naman na papasok siya! Malay ko bang mahuhuli niya 'ko! Ngayon, mas lalong lalaki ang problema ko dahil sa Nerissa na 'yan!" tugon ni Iris.

"So, anong plano mo? Anong balak mong gawin kay Nerissa?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, nay. Pero, kailangang mawala na 'yung babaeng 'yun. Kailangan kong makaisip ng plano. Kailangan kong makagawa ng paraan para manahimik na habang-buhay 'yung babaeng 'yon." tugon ni Iris.

—————

"Ano kayang magandang plano para kay Nerissa? Kailangan ko na siyang mapatahimik! Kailangan na niyang mamatay!" bulong ni Iris sa sarili niya habang naglilinis ng bahay.

"I-Iris? Sinong kausap mo? Anong mamatay?" nagulat si Iris nang biglang magsalita si Karen.

"M-ma'am, nandiyan po pala kayo." tugon ni Iris.

"Oo, Iris. Pero teka, ano 'yung sinasabi mong mamatay? Sinong namatay?" tanong ni Karen.

Hindi makasagot si Iris. Ngunit umisip siya ng palusot.

"Ah, 'yun po ba, ma'am? Ah, namatay po kasi kanina 'yung ilaw dito sa kusina. Mukhang, pundido na po yata. Baka po, kailangan nang papalitan." tugon ni Iris.

"Ah, s-sige. Ako na ang bahala. Maglinis ka na lang." ani Karen.

—————

Kinabukasan, maagang pumunta sa ospital sina Karen, Edward, April, maging si Ariana. Binisita nila si Nerissa.

"Bes, sana, gumaling na si tita Nerissa, 'no? Sana, maging okay na siya." sambit ni Ariana habang naglalakad sila ni Karen sa pasilyo ng ospital.

"Oo nga, eh. Sana nga. Sana, magising na siya. Kailangan niyang magising dahil siya lang ang makasasagot ng mga katanungan natin." tugon ni Karen.

Nang makarating sila sa kwarto ni Nerissa, kaagad silang pumasok.

"Oh, hon, eto na. Nakabili na kami ng pagkain. Kumain na kayo." sambit ni Karen.

"Sige, hon. Halika na. Nagugutom na rin kasi ako." tugon ni Edward.

"April, ikaw, gusto mo bang kumain? Nagugutom ka na ba? Eto oh, binili ko ang paborito mo." sambit ni Karen.

Hindi sumagot si April. Nakatingin lang siya kay Nerissa habang umiiyak.

"April, kanina ka pa hindi kumakain. Kumain ka na kahit konti lang." sambit pa ni Karen.

"Ayokong kumain, Karen. Salamat na lang. Ang gusto ko, ay ang magising si tita. Hindi ko alam, pero parang unti-unti na 'kong nawawalan ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano bang kapalaran ang naghihintay sa amin. Hindi ko alam kung gigising pa ba siya o hindi." tugon ni April.

"April, don't say that. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Everything will be better soon. Hindi natin alam kung kailan magigising si tita Nerissa. Pwedeng ngayon, mamaya, bukas, sa makalawa, sa isang araw, o sa isang linggo. Hindi natin alam, April. Basta, kumapit ka lang at 'wag na 'wag kang bibitaw. Alam kong may awa ang Diyos. Tutulungan Niya tayo. Hindi Niya tayo pababayaan." sambit ni Karen.

"Sana nga, Karen. Sana nga, magising na si tita. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala pa siya." tugon ni April.

Wala pang ilang minuto ay biglang nagkaroon ng malay si Nerissa. Gising na siya.

"T-tita? Gising ka na?" tanong ni April.

Biglang nabuhayan ng loob si April nang magising si Nerissa. Muling bumalik ang pag-asa niya.

"Si tita, may malay na si tita! Sabi ko naman sayo, April! Magigising din siya!" nakangiting sambit ni Karen.

"Tita, kamusta po ang pakiramdam ninyo?" tanong ni April.

"A-April, K-Karen, m-may sikreto kayong dapat malaman." nanghihinang sambit ni Nerissa.

"S-sikreto? Ano pong sikreto?" tanong ni Karen.

"T-tama ang hinala ko. T-tama ang lahat ng pagdududa ko kay Iris. A-alam ko ang sikretong itinatago niya. S-siya ang may gawa ng aksidente ko. G-gusto niya akong patayin. G-gusto niya tayong patayin lahat." tugon niya.

"Po? Bakit naman po niya gagawin 'yun? At tsaka, bakit po siya ang may kinalaman sa aksidente niyo?" tanong ni Karen.

"N-nalaman ko ang sikreto niya. S-si Iris. S-siya si Roxanne. N-nahuli ko siyang nakikipag-usap sa nanay niya sa telepono. N-nakita niya akong nakikinig sa usapan nila." tugon ni Nerissa.

"A-ano? Totoo po ba 'yan, tita?" tanong ni Karen.

Tumango lamang si Nerissa bilang pagtugon.

"Hayop siya! Hayop siya! Kaya pala, kaya pala ganun nalang po kayo kung makapagduda sa kaniya. Tama ang hinala ninyo! Siya si Roxanne!" inis na sigaw ni Karen.

"Oo, Karen. Nagtaka rin ako sa kaniya dahil nakita kong may nag-text sa kaniya nung isang araw. Iris ang pangalan ng nag-text sa kaniya. At sigurado ako, 'yon ang totoong Iris!" sambit ni April.

"Pero, paano kaya sila nakapagpalit ng katawan? At paano siya nabuhay? Hindi ba, sumabog ang sasakyan na sinasakyan niya?" tanong ni Edward.

"Hindi ko rin alam, hon. Hindi ko rin alam kung paano siya nakaligtas. Pero malamang, ginamit niya ang switching machine. Alam ni Roxanne ang tungkol sa switching machine. Kaya hindi malabong 'yun ang ginamit niya para makipagpalit ng katawan at lokohin tayong lahat." tugon ni Karen.

"Tama ka, friend. Pero teka, paano siya nagka-access doon sa garahe niyo?" tanong ni Ariana.

"Hindi ko alam, Ariana. Pero sigurado ako, may ginawa siya para makapasok sa loob ng bahay natin. At kung ano man 'yon, kailangan kong alamin. Kailangan naming magtuos dalawa. I need to end her evilness once and for all." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now