Chapter 31: Bisto

6 3 0
                                    

"M-magkakilala kayo?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. S-siya ang girlfriend ko. Siya si Joana." tugon ni Nikko.

"Nikko, who is this stupid girl?" tanong naman ni Joana.

"Hoy, pwede ba, huwag mo ngang tawaging stupid ang kaibigan ko!" sambit ni Mindy.

"Shut up. I'm not talking to you. Si Nikko ang kinakausap ko. Huwag kang sumabat." mataray na sambit ni Joana.

"Ah, babe, mga friends ko sila. Sina Leslie and Mindy." tugon ni Nikko.

"Leslie and Mindy? Friends? Friends mo sila? You know what, babe, huwag ka nang makipag-friends dito sa mga tangang 'to. Tignan mo naman oh, ang dumi na ng damit ko ng dahil sa kanila!" ani Joana.

"Hoy Joana, nakakarami ka na ng insulto ah! Kung nag-sorry ka na lang sana, edi sana tapos na tayo!" sambit ni Leslie.

"At bakit ako magsosorry? Eh hindi ba, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo?" tanong ni Joana.

"Joana, just say sorry to them para matapos na 'to." ani Nikko.

"Wait. May naisip akong idea." sambit ni Joana at kinuha ang taho ni Leslie at ibinuhos ito sa damit niya.

"Now, may reason na ako para mag-sorry. So, I'm sorry." sarkastikong sambit ni Joana at nagwalkout.

"Leslie, ako na ang humihingi ng dispensa. I'm sorry. Ako na ang kakausap sa kaniya." ani Nikko at sinundan si Joana.

Wala na lamang nagawa sina Leslie at Mindy sa inasal ni Joana. Kaagad nasundan ni Nikko si Joana at kinausap ito.

"Babe, bakit mo naman ginawa 'yun? Bakit mo binuhusan ng taho si Leslie?" tanong ni Nikko.

"Kasi tatanga-tanga siya. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. She deserve it." tugon ni Joana.

"Pero babe, mali 'yon. Kung ako sayo, mag-sorry ka na lang kay Leslie." ani Nikko.

"But, why am I gonna do that? Ayokong mag-sorry sa kaniya. Neknek niya." sambit ni Joana.

"Babe, pwede ba? Huwag ka namang ganyan! Para matapos na 'to, mag-sorry ka na lang kay Leslie." tugon ni Nikko.

"Okay, fine. Mag-sosorry ako sa kaniya. Pero pwede ba ha, layuan mo na ang babaeng 'yon!" ani Joana.

—————

"'Yun? Girlfriend ni Nikko 'yun? Ang baho ng ugali, bes!" sambit ni Mindy habang pinupunasan ang tahong tumapon sa damit ni Leslie.

"Kaya nga, bes. Hindi rin ako makapaniwala na ganun ang asal niya," tugon ni Leslie.

Nakita ni Mindy na naglalakad sina Joana at Nikko papunta sa kanila.

"Oh, sina Joana at Nikko ba 'yon?" ani Mindy.

"Oo nga, no? Ano nanaman kayang balak nila?" tanong ni Leslie.

"Leslie, may gustong sabihin sayo si Joana." sambit ni Nikko nang makalapit sila kina Leslie at Mindy.

"Leslie, I-I'm sorry. Sorry kung naging bully ako. Pasensiya ka na, uminit lang kasi 'yung ulo ko." ani Leslie.

"'Wag kang mag-alala. Okay na 'yun. Basta, 'wag mo nalang uulitin ha?" sambit ni Leslie.

"Oo. Hindi ko na uulitin." sarkastikong tugon ni Joana.

"Ano, okay na kayo?" tanong ni Nikko.

"Yes, babe. Okay na kami." tugon ni Joana at ngumiti pa ito ng pekeng ngiti.

—————

"Mabuti nalang kuya at makakalabas na ako ngayon dito sa ospital." ani Karen.

"Kaya nga. Pag-uwi natin sa bahay, magpahinga ka. Baka may kung ano nanamang mangyari sayo," tugon ni Fred.

"Of course, kuya." sambit ni Karen habang napapangiti siya.

Napansin ni Fred na nakangiti si Roxanne.

"Oh, ano 'yang ngiti na 'yan?" tanong ni Fred.

"Well, kuya, may naisip na akong plano. Isang magandang plano." tugon ni Karen.

"Ano na namang plano 'yan?" tanong ni Fred.

"Magha-hire ako ng pekeng ispiritista na pwede mag-soul switch sa amin ni Karen. Then, kapag hindi nag-succeed ang soul switching, I will tell Karen to keep it as a secret. At pagkatapos, magpapalit kami ng buhay ni Karen at ako na ang magiging asawa ni Edward. Isn't it great, kuya?" ani Karen.

"Ano? Ano na namang plano 'yan? No. Hindi ko gusto 'yang plano mo. Kailangan mo nang makabalik sa katawan mo." tugon ni Fred.

"Kuya, kapag hindi ko 'to ginawa, mawawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko! Mababalewala ang pagsira ko sa switching machine!" ani Karen.

Napatigil si Fred. Si Roxanne ang sumira sa switching machine?

"What did you say? Ikaw ang sumira ng switching machine?" tanong ni Fred.

Napatakip ng bibig si Roxanne. Mukhang nadulas siya sa sinabi niya.

"Roxanne, answer me! Ikaw ba ang sumira sa switching machine?" muling tanong ni Fred.

"I-I'm sorry, kuya. Yes. Yes. Ako ang sumira sa switching machine." tugon ni Karen.

"Gaga ka, bakit mo ginawa 'yun?" tanong ni Fred.

"Dahil gusto kong mapasaakin si Edward." diretsong sagot ni Karen.

"No, Karen. May asawa na si Edward. H-hindi mo pwedeng gawin 'yan." sambit ni Fred.

"But kuya, please! Mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko! Mawawala 'to lahat!" tugon ni Karen.

"No, Roxanne. No. Hindi mo gagawin 'yan. Hindi pwede. Hindi." ani Fred.

"Kuya, please. Huwag mong sabihin sa kanila ang totoo. Please, kuya. Please, nagmamakaawa ako." sambit ni Karen.

"Bakit ha? Ano bang pinaplano mo?" tanong ni Fred.

"Kuya, gusto ko lang naman maranasan kung paano magmahal si Edward. Kahit saglit lang. Ibabalik ko rin kay Karen ang katawan niya kapag nayari na nila ulit ang switching machine. But please, don't tell them the truth muna," tugon ni Karen.

"Okay, fine. Sige. Tutal, kapatid kita, pagbibigyan kita. Pero binabalaan kita, Roxanne. Hindi ka pwedeng magpanggap habang-buhay. Mabubuking ka nila. At kapag nabuking ka, baka kung anong gawin nila sayo." ani Fred.

"Don't you worry, kuya. Kahit mabuking nila ako, hindi nila ako magagawang saktan. Hindi nila pwedeng gawin sa akin ang sinasabi mo." tugon ni Karen.

"At bakit naman hindi nila 'yun pwedeng gawin sayo?" tanong ni Fred.

"Dahil katawan 'to ni Karen."

—————

"You know what, babe, hindi ko talaga gustong magsorry dun sa babaeng 'yon. Naiinis pa rin ako sa kaniya." sambit ni Joana.

"Babe, pwede ba. Ayokong nakikipag-away ka sa kanila. Friends ko sila kaya please, don't hurt them." tugon ni Nikko.

"Bakit ba masyado kang overprotective sa kanila ha? Bakit, may gusto ka ba sa Leslie na 'yon?" ani Joana.

Hindi makasagot si Nikko. Hindi niya alam ang sasabihin niya. May nararamdaman nga ba siya kay Leslie?

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now