Chapter 33: Scheme

7 3 0
                                    

"Well, it sounds good. Sige. Tutulungan kita d'yan sa plano mo. So, ano nang balak mo?" tanong ni Vicky.

"Well, Nay, na-kwento ko na kay kuya ang lahat ng plano ko. But, I will repeat it again para marinig mo," tugon ni Karen.

"Sige, ano ba 'yun?" tanong ni Vicky.

"Well, nag-hire na ako ng ispiritista na mag-sswitch sa katawan namin ni Karen. I told her na 'wag gawing successful ang switching and then after that, I'm going to tell Karen na gawin na lang sikreto kay Edward na hindi naging successful ang switching. So, magpapalit kami ng buhay at magiging akin si Edward." paliwanag ni Karen.

"It sounds good. Sige, tutulungan ka namin sa plano mo." tugon ni Vicky.

"Salamat, Nay." ani Karen.

Makalipas ang ilang oras, dumating si Karen sa bahay nina Roxanne, gaya ng kanilang napag-usapan. Kasama ni Karen si Bella.

"Magandang araw po," ani Roxanne.

"Karen, ikaw na pala 'yan." sambit ni Vicky.

"Opo. Eto nga po pala si Bella, pinsan ko." ani Roxanne.

"Bella? Hindi ba ikaw 'yung babaeng nagtapon sa akin ng iniinom ko noon?" tanong ni Karen.

"Ah, oo. Ako nga. Pasensiya ka na about dun ha." tugon ni Bella.

"Well, sige. Kailangan na nating puntahan si Gina dahil naghihintay siya sa atin. Nay, kuya, aalis na kami." sambit ni Karen.

"Sige, anak. Mag-iingat ka."

—————

"Nandito na tayo." sambit ni Karen.

"Anong lugar 'to?" tanong ni Bella.

"Well, dito nakatira si Gina. Siya ang mag-sswitch sa katawan natin," sambit ni Karen.

"Halika na, pasok na tayo."

Kumatok si Roxanne sa pintuan ng pinuntahan nilang bahay. Kaagad naman silang pinagbuksan ni Gina.

"Roxanne?" ani Gina.

"Yes, Gina. It's me, Roxanne." sambit ni Karen.

"T-teka, alam niya ang tungkol sa atin?" tanong ni Roxanne.

"Oo. Naikwento ko na sa kaniya. At ngayon, siya rin ang magbabalik sa atin sa mga katawan natin, 'di ba, Gina?" ani Karen.

"Ah, o-oo. Pumasok muna kayo sa loob." tugon nito.

"Salamat."

Nang makapasok sina Karen at Bella sa loob ng bahay, nagsimulang magtaka si Karen. Paano naman kaya sila magpapalit ng katawan ni Roxanne kung walang switching machine?

"Insan, ayos ka lang ba?" tanong ni Bella.

"Insan, nagtataka kasi ako, paano kaya kami magpapalit ng katawan ni Roxanne, eh wala namang switching machine?" tugon ni Roxanne.

"Hindi ko rin alam, insan. Baka naman, may iba silang ginagamit, 'di kaya?" ani Bella.

"'Di ko rin alam, insan. Basta tignan nalang natin." tugon ni Roxanne.

"Sige."

—————

"Ano, ready na kayong dalawa?" tanong ni Gina habang nakaupo sina Karen at Roxanne sa bakal na upuan. Magkaharap sila.

"Oo, Gina. Ready na ako. Ikaw Karen, ready ka na ba?" tanong ni Karen.

"Oo, Roxanne. Handa na rin ako." tugon ni Roxanne.

"Kung gayon, ipikit ninyo ang inyong mga mata. Huwag kayong dumilat." sambit ni Gina.

Dahan-dahang ipinikit ng dalawa ang kanilang mga mata. Maya-maya lamang ay nararamdaman nila si Gina na sinisimulan na ang ritwal.

Si Bella naman ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Parang may pagtataka pa rin sa kaniyang mata. Pakiramdam niya ay parang may mali.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na ni Gina ang ritwal.

"Magsidilat na kayo," ani Gina.

Dahan-dahang dumilat ang dalawa. Nagtaka si Karen kung bakit nasa katawan pa rin siya ni Roxanne.

"T-teka, bakit nandito pa rin ako sa katawan mo, Roxanne?" tanong ni Roxanne.

"H-hindi ko alam, Karen. Hindi ko alam." tugon ni Karen.

"Teka, bakit? H-hindi ba kayo nakabalik sa mga katawan ninyo?" tanong ni Gina.

"H-hindi." tugon ni Roxanne.

"Eh palpak naman pala 'to eh! Ano ka ba naman, Gina? Akala ko ba, magaling kang ispiritista? Akala ko ba na kaya mo kaming ibalik sa katawan namin?" tanong ni Karen.

"Pasensiya ka na, Roxanne. Ispiritista lang kasi talaga ako eh. Akala ko, kaya ko nang mag-soul switch, 'yun pala, hindi." tugon ni Gina.

"Alam mo, wala kang kwenta! Karen, Bella, umalis na nga lang tayo!" inis na sambit ni Karen at nagwalkout papalabas ng bahay ni Gina.

"Ano ba 'yun, bakit naman ganun?" tanong ni Bella.

"Hindi ko nga rin alam Bella eh. Akala ko nga rin, magaling na ispiritista 'tong si Gina." tugon ni Karen.

"Eh paano na ngayon 'yan?" tanong naman ni Roxanne.

"Hindi ko rin alam eh. Pero alam mo, may naisip ako." sambit ni Karen.

"Ano namang naisip mo?" tanong ni Roxanne.

"Para hindi mag-alala si Edward, 'wag nalang natin sabihin ang totoo na, hindi pa tayo nakakabalik sa katawan natin," tugon ni Karen.

"A-ano? Huwag sabihin kay Edward? Bakit?" tanong ni Roxanne.

"Well, let's just keep this as a secret. Huwag na nating sabihin kay Edward ang totoo. We will just find the solution by ourselves," tugon ni Karen.

"At bakit niyo naman itatago 'tong sikreto, ha?" tanong ni Bella.

"Bella, pwede ba. 'Wag kang epal. Bakit ba kasi sumama-sama ka pa rito." sambit ni Karen.

"At bakit naman ako hindi pwedeng sumama? Niyaya ako ni Karen para may kasama siya, anong problema dun?" tanong ni Bella.

"Pwede ba, Roxanne at Bella, huwag na kayong mag-away. Pero sige, Roxanne. Huwag na muna nating sabihin kay Edward. Tama ka, baka mag-alala pa siya." tugon ni Roxanne.

—————

"Insan, bakit ka naman pumayag sa babaeng 'yon?" tanong ni Bella.

"Insan, tama rin si Roxanne. Baka mag-alala pa si Edward. Huwag kang mag-alala, makakahanap din ako ng solusyon para dito," tugon ni Roxanne.

"Pero insan, mali na sumang-ayon ka sa kaniya. Hindi mo ba naisip, na may masamang balak sa inyo si Roxanne? Hindi mo ba napapansin?" tanong ni Bella.

"Hindi ko alam, Bella. Hindi ko alam. Pero huwag kang mag-alala, sasabihin ko rin kay Edward ang totoo." tugon ni Roxanne.

"Sige, bahala ka. Pero, ipangako mo sa akin na sasabihin mo kay Edward ang totoo." ani Bella.

"Oo, Bella. Sasabihin ko ang totoo sa kaniya." tugon ni Roxanne.

—————

Makalipas ang ilang sandali, nakauwi na rin si Karen sa mansyon. Hindi nila alam na si Roxanne pa rin ang nasa katawan ni Karen.

"Hi hon, is the switching successful?" tanong ni Edward.

"Yes, hon. Success ang body switching," pagsisinungaling ni Karen.

"Yes! Mabuti naman at nakabalik ka na sa katawan mo!" tugon ni Edward.

"Oo nga, masayang-masaya rin ako na nakabalik na ako dito sa katawan ko," ani Karen.

Niyakap ni Edward si Karen na nasa katawan ni Roxanne. Ngumiti si Roxanne. Nagtagumpay ang mga plano niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now