Chapter 68: Pagmulat

3 2 0
                                    

Napalingon silang lahat kay Roxanne nang magsalita siya.

"Anong ginagawa mo rito, Roxanne? Bakit ka nandito sa pamamahay ko?" tanong ni Rita.

"Well, nabalitaan ko lang naman kay Mystie ang tungkol kay Edward." tugon ni Karen.

"K-kaibigan ka ni Roxanne? Ibig sabihin, hindi mo ka-trabaho ang anak ko?" tanong ni Rita kay Mystie.

"Oh, well, yes po. You're right. Nagpanggap ako bilang ka-co-worker niya. Unfortunately, that's not true." tugon ni Mystie.

"Ano? Nagsinungaling ka? At bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Rita.

"Well, ginawa ko lang 'yon para makasagap ako ng balita tungkol kay Edward. Alam ko namang hindi mo naman sasabihin ang totoo kapag si Roxanne ang nagtanong sayo." tugon ni Mystie.

"Anong ginagawa mo rito, Roxanne? Ano, guguluhin mo na naman ba kami?" tanong ni Roxanne.

"Well, Karen, I'm here to visit Edward. I missed him so much." tugon ni Karen.

"Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mong magpunta pa rito. Matapos mo lokohin kaming lahat? How dare you?" sambit ni Roxanne.

"Karen, hindi kayo ang ipinunta ko rito. Si Edward lang ang gusto kong makita at makasama." tugon ni Karen.

"Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na agawin mo pa ulit ang asawa ko." sambit ni Roxanne.

"Ang OA mo naman, hindi ko naman kukunin 'yung asawa mo sayo. I just want to be with him, Edward, I missed you so much. Alam mo ba, walang araw na hindi kita inisip. I thought, patay ka na. Pero I'm so grateful na buhay ka!" tugon ni Karen at sinubukang lumapit kay Edward.

"Pwede ba, tama na ang drama. Umalis ka na lang. Hindi ka kailangan ni Edward. Umalis ka na." sambit ni Roxanne.

"Oo nga, tama si Karen. Umalis ka na lang Roxanne kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" dagdag pa ni Rita.

"Aba, aba, aba, tag-team ang mag-biyenan. Alam ninyo, kahit na ipagtabuyan ninyo ako dito at kahit na tumawag pa kayo ng pulis, hindi ako aalis. I missed Edward so much, at hindi ninyo ako mapipigilang makipagkita sa kaniya." tugon ni Karen.

"I said enough! Roxanne, pwede ba, umalis ka na! Hindi kita gustong makita at lalong-lalo na, hindi kita gustong makasama!" pagtataboy ni Edward.

"Ouch naman, na-hurt naman ako do'n." sambit ni Karen.

"Tignan mo, pati si Edward mismo, itinataboy ka? Kaya pwede ba ha, umalis ka na lang!" sigaw ni Roxanne.

"Kung aalis ako, isasama ko si Edward. Edward, sumama ka sa akin. Halika na!" sambit ni Karen habang hinihila si Edward.

"Bitawan mo ang anak ko! Kayo ang lumayas dito mga walanghiya! Tigilan ninyo ang anak ko!" sigaw ni Rita.

"Friend, umalis na tayo rito, baka totohanin niya 'yung sinabi niya, baka tumawag sila ng pulis. Ayokong makulong! Hindi bagay sa akin ang kulay orange! At mas lalong hindi bagay ang beauty ko sa loob ng kulungan!" bulong ni Mystie.

"Hindi. Hindi tayo aalis dito, Mystie. Hindi ako papayag na mawala sa akin si Edward. Kaya kung ako sayo, Karen, tantanan mo na si Edward." sambit ni Karen.

"At anong karapatan mong magsalita ng ganyan? Ang kapal ng pagmumukha mo, hindi ka naman tunay na asawa, kundi, isa ka lang kerida!" tugon ni Roxanne.

"Well, since nandito pa rin ako sa katawan mo hanggang ngayon, ako pa rin ang asawa niya. Ako pa rin si Karen. At ikaw, nandyan ka sa katawan ko." sambit ni Karen.

—————

Unti-unting nagising si Joana. Masakit ang kaniyang ulo. Luminga-linga siya sa paligid. Nakita niya ang mommy niya.

"Mommy?"

"Anak! Sa wakas, gising ka na!" sambit ni Olivia.

"M-mommy, why are we at the hospital?" tanong ni Joana.

"Anak, don't you remember? Nahulog ka mula sa second floor ng mall." tugon ni Olivia.

"Mall? What mall?" tanong ni Joana.

"Anak, remember? Nag-away kayo ng walanghiyang Leslie na 'yon. At, nang dahil sa kaniya, kaya ka nahulog sa second floor ng mall." tugon ni Olivia.

Muling naalala ni Joana ang nangyaring pagtatalo nila ni Leslie.

"Joana?" gulat na tanong ni Leslie.

"Oh, look who's here. Isang basura na pakalat-kalat." sambit ni Joana.

"Joana, pwede ba? Huwag mo na akong guluhin! Tigilan mo na ako!" tugon ni Leslie.

"Tigilan? Bakit, kami ba ni Nikko, tinigilan mo? Alam mo, nang dahil sayo, naghiwalay kami ni Nikko! Nang dahil sayo, nagkasira kami! Ano, masaya ka na? Masaya ka na, ha?" inis na sambit ni Joana.

"Joana, hindi ako masaya sa nangyari. At higit sa lahat, wala akong kinalaman d'yan. Pwede ba, 'wag mo nga akong dinadamay sa mga problema mo!" tugon ni Leslie at nagwalkout.

Bago pa man makaalis si Leslie ay kaagad na hinila ni Joana ang kaniyang buhok. Napaaray ito sa sakit.

"Aray! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Leslie.

"No, Leslie. Hindi kita bibitiwan. Alam mo, nang dahil sayo, nasira ang relasyon namin ni Nikko! Nang dahil sayo, nasira ang pagsasama namin! Kaya naman, sisirain ko rin 'yang mukha mo!" sambit ni Joana at sinabunutan si Leslie.

"Aray!"

Hindi tinigilan ni Joana ang pagsabunot sa buhok ni Leslie. Nagpatuloy siya sa pagsabunot sa buhok nito hanggang sa palabas ng tindahan.

Hanggang sa lumabas ng banyo sina Magda at Karen. Nakita nilang nagsasabunutan sina Joana at Leslie.

"Leslie! Tigilan ninyo 'yan!" sigaw ni Roxanne.

Nagpatuloy sa pagsasabunutan ang dalawa hanggang sa maitulak ni Leslie si Joana. Napaupo ito sa sahig.

"Hayop ka, Leslie! Hindi ako titigil hangga't sa hindi ka namamatay! Malandi kang hayop ka!" sigaw ni Joana.

"Wala akong ginagawang masama, Joana! Hindi ko kasalanan kung naghiwalay kayo ni Nikko!" tugon ni Leslie.

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to! Kaya ngayon, mamamatay ka na! At kapag nahulog ka sa first floor, sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay!" galit na sambit ni Joana at pinagtangkaang itulak si Leslie sa unang palapag.

Itutulak na sana ni Joana si Leslie ngunit biglang umilag si Leslie kaya naman ay napasampa si Joana sa harang! Nakakapit na lamang siya sa harang at malapit na siyang mahulog!

"Leslie! Tulungan mo 'ko! Please, help me! Help me!" pagmamakaawa ni Joana.

"Joana! Huwag kang bibitaw! Joana!" sigaw ni Leslie.

Nasaksihan nila Karen at Magda ang nangyari. Hindi nila inakalang ganoon ang mangyayari.

Hinawakan ni Leslie ang kamay ni Joana ng mahigpit upang hindi ito mahulog. Ngunit hindi kinaya ni Joana at siya ay nahulog sa unang palapag.

"Joana!" malakas na sigaw ni Leslie.

After that, everything went black.

"Hayop siya! Hayop si Leslie! Siya ang may kasalanan nito! Siya ang may kagagawan kung bakit ako nandito sa ospital!" galit na sigaw ni Joana.

"Anak, anong plano mong gawin sa kaniya?" tanong ni Olivia.

"Hindi ako papayag. Hindi ako papayag na maging masaya si Leslie. Gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay niya!" tugon ni Joana.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now