Chapter 124: Pagsagip

2 0 0
                                    

"Janice, lumaban ka! Kaya mo 'to!" umiiyak na sambit ni Karen nang isugod si Janice sa ospital dahil sa tama ng baril.

"Janice!" sigaw pa ni Rita.

"Ma'am, sir, hanggang dito na lang po kayo. Kailangan pong dalhin sa operating room ang pasyente dahil kailangan pong tanggalin ang bala sa katawan niya." sambit ng doktor.

"Please, save Janice. Save her." tugon ni Rita.

"Yes, ma'am. We will do everything to save her. Don't worry, gagawin po namin ang lahat para sagipin siya." sambit ng doktor.

"Salamat po, dok. Salamat po." tugon ni Rita.

Pumasok ang doktor sa loob ng operating room. Naiwan naman sa labas ng operating room sina Karen, Rita, Edward, Leslie, Ariana, at Rico. Natatakot sila sa maaaring mangyari kay Janice.

"Tay, kasalanan ko lahat 'to eh! Kasalanan ko lahat!" sambit ni Karen.

"Anak, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa nangyari!" tugon ni Rico.

"Tay, lahat ng taong tumutulong sa atin, napapahamak. Lahat ng taong malapit sa atin, napapahamak. Tay, ako ang may kagagawan. Ako ang may kasalanan ng lahat." sambit ni Karen.

"Anak, kung ang tanging paraan lang ay ang labanan sila, pwes, gagawin natin. Lalabanan natin sila." tugon ni Rico.

"Tama ang tatay mo, Hon. Tama si tito. Kailangan nating labanan ang mga Villanueva. Ngayong patay na si Fred, malamang mas maghihiganti sila sa atin ngayon." sambit ni Edward.

"Hon, hindi pwede. Hindi pwede 'to. Natatakot ako, baka mamaya, kayo naman ang madamay sa kademonyohan nila. Hon, nawala na si insan at si inay, hindi na ako papayag na pati kayo, mawala." tugon ni Karen.

"Hon, hindi kami mawawala sayo. Promise. Ipinapangako ko sayo, poprotektahan kita kay Roxanne, kahit sa nanay niya. Basta hon, 'wag mong iisiping mawawala kami sayo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin." sambit ni Edward sabay yakap kay Karen.

Habang nagyayakapan sina Karen at Edward, biglang nagsalita si Leslie.

"Aray ko, ang kati! Nilalanggam ako!" sambit niya.

"Ha? A-anong nangyari sayo, Les?" tanong ni Karen.

"Ate, nilalanggam ako dahil sa ka-sweetan ninyo. Pwede ba ha, nasa ospital tayo, wala tayo sa hotel. Pwede ba ha, mamaya na 'yan." tugon ni Leslie.

"Ay sorry naman. Pero, kamusta na kaya si Janice sa loob?" tanong ni Karen.

"Ay oo nga pala, kailangan kong tawagan ang kapatid ni Janice. Kailangan nilang malaman ang nangyari sa kaniya." tugon ni Rita.

Kaagad kinuha ni Rita ang kaniyang telepono. Kaagad niyang tinawagan si Mariel, ang kapatid ni Janice.

"Hello, Mariel, may nangyari kay Janice. Masama ang lagay niya. Kailangan mong pumunta rito."

—————

"Job well done, anak! Well, mabuti at napatay mo na ang isa sa kanila. Kaso nga lang, 'yung kasambahay ang tinamaan. Bakit kasi hindi sina Karen at ang pamilya niya ang tinamaan mo?" tanong ni Vicky.

"Nay, ano ba? Hindi ka ba masaya sa ginawa ko? Nabaril ko 'yung letseng kasambahay nila! But don't worry, nay. Gagawin ko ang lahat para ipaghiganti si kuya. Saka lang ako matatahimik kapag napatay ko na 'yung Karen na 'yon at 'yung bwisit niyang kapatid na si Leslie." tugon ni Roxanne.

"Siguraduhin mo. So, anong balak mo? Anong susunod mong gagawin? I mean, sinong susunod mong papatayin?" tanong ni Vicky.

"Well, pwede naman 'yung bwisit na bestfriend ni Karen na si Ariana, or pwede rin naman 'yung matandang Rita na 'yon, or pwede rin naman 'yung amoy-lupang tatay ni Karen na si Rico." tugon ni Roxanne.

"Well, siguraduhin mo lang na mangyayari 'yon. Siguraduhin mo nalang na mamamatay ang mga hayop na 'yon." ani Vicky.

—————

"Mama, kamusta na po si Janice? Okay na po ba siya?" tanong ni Karen.

"Karen, medyo, medyo hindi mabuti ang lagay niya ngayon. Nasa kritikal ang kondisyon niya at baka magtagal pa siya rito sa ospital." tugon ni Rita.

"Sana po, makaligtas siya. Kasalanan po 'to lahat ng mga Villanueva na 'yon. Kasalanan nila kung bakit nandito si Janice. Hindi niyo ba napapansin, lahat ng taong tumutulong at malalapit sa atin, napapahamak? Natatakot ako dahil baka isa sa inyo, mawala. Natatakot ako na mawalan pa ng mahal sa buhay." sambit ni Karen.

"Karen, hon, 'wag kang matakot. We're always here for you. 'Di namin hahayaan na may masamang mangyari sayo, or sa atin. Hon, poprotektahan kita laban kay Vicky man o kay Roxanne." tugon ni Edward.

"Salamat, hon." sambit ni Karen.

"Tama si kuya Edward, ate. Hindi namin hahayaang may masamang mangyari sayo. Kaya nating labanan ang mga Villanueva. Kung sila nga tatatlo lang, papaano pa kaya tayo? Mas marami tayo sa kanila." tugon ni Leslie.

"Oo nga bes, tama si Leslie. Tsaka pwede ba ha, 'wag ka ngang magpapaapekto sa Roxanne na 'yun, alam mo namang impakta 'yun eh." sambit ni Ariana.

"Ariana, loka-loka ka talaga. Pero tama ka, impakta si Roxanne lalong-lalo na 'yung nanay niyang sulsulera. Mabuti na nga lang at wala na si Fred eh. Nabawasan na tayo ng isa sa mga kalaban natin." tugon ni Leslie.

"Hay nako, pwede ba, tama na nga kayong dalawa. Mama, nasaan na po pala 'yung kapatid ni Janice?" tanong ni Karen.

"Ah, paparating na siya. In fact, nandyan na siya sa labas. Pupuntahan ko lang." tugon ni Rita.

—————

"Ma'am Rita, kamusta na po pala ang kapatid ko? Kamusta na po si Janice?" tanong ni Mariel na siyang kapatid ni Janice.

"Mariel, iha, medyo kritikal ang lagay ng ate mo. Medyo malala ang kalagayan niya." tugon ni Rita.

"Jusko. Bunso, nandito na ako. Nandito na ang ate. Bunso, gumising ka na. Nandito na ako. Bunso, lumaban ka. 'Wag kang magpapatalo sa sitwasyon mo." sambit ni Mariel.

"'Wag kang mag-alala, Mariel. Lalaban ang kapatid mo. Lalaban siya." tugon ni Rita.

"Ma'am Rita, ano po ba talagang nangyari sa kapatid ko? Bakit po siya nagkaganyan?" tanong ni Mariel.

"Iha, mahabang kwento. May bumaril sa kaniya. Si Roxanne. Binaril siya ni Roxanne. At kung hindi mo naitatanong, si Roxanne ang mortal naming kaaway." tugon ni Rita.

—————

"Ate, bibili muna ako ng pagkain, ha? Mukhang nagugutom na yata kayo eh." sambit ni Leslie.

"O sige, mag-iingat ka ha." tugon ni Karen.

"Sige." sambit ni Leslie at siya ay lumabas ng ospital.

Naglakad si Leslie papalabas ng ospital. Habang naglalakad siya, may nakabangga siyang babae.

"Ay sorry, miss. Pasen..." naputol ang pagsasalita ni Leslie nang makita niya ang mukha ng babaeng nakabangaan niya.

Nagulat siya dahil kamukhang-kamukha niya ang babae...

"S-sino ka?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now