Chapter 54: Pagpapanggap

7 3 0
                                    

Nang mag-doorbell si Mystie, wala pa ring taong nagbubukas ng gate para sa kaniya. Kaya sa pagkakataong ito, muli niyang pinindot ang doorbell. Nakita niyang pinagbuksan siya ni Janice.

"Ay, ma'am, sino po sila?" tanong ni Janice.

"Ah, ako si Mystie. Kaibigan ako ni ma'am Rita. Nandiyan ba siya?" tanong ni Mystie.

"Ah, opo ma'am. Andito po siya sa loob. Halika po, pasok po kayo." tugon ni Janice.

"Sige, salamat." ani Mystie.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay, kaagad tinawag ni Janice si Rita.

"Ma'am, meron po kayong bisita. Siya raw po si Mystie." sabi ni Janice.

"Mystie? Sinong Mystie?" tanong ni Rita.

"Hindi ko po alam. Pero ang sabi po niya, kaibigan niyo raw po siya." tugon ni Janice.

"Nasaan siya?" tanong ni Rita.

"Andoon po siya sa sala." tugon ni Janice.

Kaagad pinuntahan ni Rita si Mystie sa sala. Hindi siya pamilyar sa mukha nito.

"S-sino sila?" tanong ni Rita.

"Ah, kayo po ba si tita Rita? Ah, ako po si Mystie. Kaibigan at ka-officemate po ako ni Edward." tugon ni Mystie.

"Ah, ganoon ba? Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo, iha?" tanong ni Rita.

"Kung okay lang po sana na kausapin ko po si Edward. May kailangan lang po akong papirmahan sa kaniya." tugon ni Mystie.

"Ah, s-si Edward? I-I'm sorry pero wala siya rito. Hindi mo pa ba nababalitaan ang tungkol sa kaniya?" tanong ni Rita.

"Nababalitaan? Ano po bang nangyari sa kaniya?" tanong ni Mystie.

"Iha, matagal na siyang nawawala. At ayon sa mga pulis, nakita nila ang sasakyan ni Edward na nahulog sa bangin. Pero, hindi nila nakita roon ang katawan ng anak ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o hindi." tugon ni Rita.

"Po? P-papaano po ba nangyari 'yon?" tanong ni Mystie.

"Mahabang kwento, iha. Pero huwag kang mag-alala, sasabihan kita kapag mayroon nang balita kay Edward." tugon ni Rita.

"Sige po, tita. Eto po ang number ko. Dito niyo na lang po ako tawagan." sambit ni Mystie at iniabot ang isang maliit na papel kay Rita.

"Sige, Mystie. Salamat. I will update you kung ano na ba ang nangyari." tugon ni Rita.

"Sige po, tita. Salamat po. Aalis na po ako." tugon ni Mystie.

—————

"Oh ano, Mystie? Ano, may nakuha ka na bang balita dun sa matandang Rita na 'yon?" tanong ni Karen.

"Grabe ka naman makapagsalita ng matanda, friend. Pero, oo. May nakuha akong balita tungkol kay Edward." tugon ni Mystie.

"Talaga? Ano raw ang sabi?" tanong ni Karen.

"Friend, ang sabi ni ma'am Rita sa akin, nakita na raw nila ang sasakyan ni Edward na nahulog sa bangin. Pero, hindi nila nakita ang katawan ni Edward. Hindi raw nila alam kung nasaan na siya. Walang kahit sino na nakakaalam kung nasaan si Edward." tugon ni Mystie.

"Oh my gosh, friend. Nasaan na kaya ang katawan ni Edward?" tanong ni Karen.

"Aba, sa akin ka pa talaga nagtanong, ha? Eh hindi ko naman jowa 'yon. Tsaka, mas close naman kayo, 'di ba?" tugon ni Mystie.

"Alam mo, ang dami mong hanash. Nagtatanong lang naman ako, e." sambit ni Karen.

"Awit, friend." tugon ni Mystie.

—————

"Anak, ano na bang balita kay Edward? May nasagap bang balita si Mystie?" tanong ni Vicky kay Roxanne.

"Yes, Nay. May balita na si Mystie. Well, they already found Edward's car, pero hindi nila makita ang katawan ni Edward." tugon ni Karen.

"What? Wala ang katawan ni Edward sa sasakyan niya?" tanong ni Vicky.

"Yes, Nay. I don't know what to do kung mawawala si Edward." tugon ni Karen.

"Alam mo, anak, paano nga talaga kung wala na siya? Anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"No! No way! I don't know! Basta hindi pwede, hindi siya pwedeng mawala! I can't live without him!" tugon ni Karen.

"Teka, teka? You can't live without him? Ano ba siya, oxygen? Taray mo 'nak, ha!" sambit ni Vicky.

"Nay, pwede ba ha, huwag nga kayong pilosopo! Basta, hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kaya. Hindi." tugon ni Karen.

"Oh, ano na namang pinag-uusapan niyo? Anong oxygen oxygen 'yang pinagsasasabi niyo?" tanong ni Fred nang makababa siya ng hagdan.

"Kuya, you know what, nang dahil sa 'yo, hindi pa rin nakikita si Edward! Nang dahil sa 'yo, hindi ko alam kung patay na ba siya o hindi!" tugon ni Karen.

"Roxanne, hanggang ngayon ba, 'yan pa rin ang issue mo? Ha? Hanggang ngayon ba, 'yang Edward pa rin na 'yan ang iniisip mo? Could you just please stop? Please stop sa pagpapakabaliw sa lalaking 'yon!" sigaw ni Fred.

"No, kuya. No. Hindi ako papayag na mawala siya. Hangga't sa hindi ko nakikita ang katawan niya, hindi ako naniniwalang patay na siya!" tugon ni Karen.

"Then, fine. Paniwalaan mo ang mga gusto mong paniwalaan. Go! Pero, I'm really sure na patay na siya! I'm sure na kinakain na ng mga uod at bulate ang katawan niya!" sambit ni Fred.

"No, kuya! No! I swear, I swear na kapag may masamang nangyari sa kaniya, I will never forgive you!" tugon ni Karen.

"Ano? Sa Edward ka na 'yon kakampi kesa sa sarili mong kapatid? Anong klase kang kapatid, Roxanne! Ang kapal ng mukha mo! You know what, sa susunod, ikaw na ang bahalang gumawa ng mga plano mo! Hindi na kita susuportahan sa kahit anong gusto mo!" sigaw ni Fred.

"Mga anak, ano ba? Tama na! Hindi magandang nag-aaway tayong lahat! Pwede ba ha, tigilan niyo na 'yang away-away na 'yan! Wala 'yang magandang maidudulot sa inyo!" pag-aawat ni Vicky.

"Well, Nay, I'm sorry. Pero ikaw kuya, hindi pa tayo tapos. Siguraduhin mo lang na buhay pa si Edward, kung hindi, makakalimutan kong kuya kita." tugon ni Karen at nagwalkout.

"Bwisit talaga 'yan si Roxanne. Nang dahil sa kaniya kaya ko tinuruan ng leksiyon si Edward. At ngayon, tignan niyo, siya pa 'tong galit na galit sa akin." sambit ni Fred.

"Huwag kang mag-alala, anak. Kakausapin ko siya. Ako na ang bahala." tugon ni Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now