Chapter 10: Balae Wars

18 2 0
                                    

"Nay, please." sambit ni Karen.

"Hindi, anak. Halika. Pupuntahan natin 'yang biyenan mo nang makita niya ang hinahanap niya." tugon ni Magda.

"Halika na, Nay. Reresbakan natin 'yang biyenan ni ate." sambit ni Leslie.

Hindi na napigilan pa ni Karen si Magda na harapin si Rita. Kaya naman ay pumunta sila sa mansyon upang harapin ito.

Inis na kumatok si Magda sa pintuan. Pinagbuksan naman ito ni Janice.

"Janice, nasaan ang nanay ni Edward?" inis na tanong ni Magda.

"Ma'am? Nandoon po siya sa taas." tugon ni Janice.

"Tawagin mo ang amo mo. Gusto ko siyang kausapin." sambit ni Magda.

"Sige po, ma'am, tatawagin ko lang po si madam Rita." tugon ni Janice.

Umakyat si Janice sa kwarto ni Rita.

"Madam Rita, may bisita po kayo." sambit ni Janice.

"At sino namang bisita ko?" tanong ni Rita.

"Nako madam, 'yung nanay ho ni Karen, si Aling Magda." tugon ni Janice.

"Nanay ni Karen? At ano namang kailangan niya sa akin?" tanong ni Rita.

"Nako madam, mukhang gusto po yata kayong kausapin. Hinihintay niya po kayo sa baba." tugon ni Janice.

"Sige, bababa ako. Kakausapin ko 'yan." sambit ni Rita at hinarap si Magda.

----------

"Arghhh! Bwisit!" inis na sambit ni Roxanne.

"Oh, Roxanne, bakit basang-basa 'yang damit mo?" tanong ni Fred.

"Eh pano ba naman kasi, kuya? Naglalakad ako kasi malalate na ako sa meeting ko, tapos may isa ba namang babaeng tatanga-tanga na hindi tumitingin sa daanan kaya ayan, natapon 'yung juice sa damit ko! Bwisit!" tugon ni Roxanne.

"Eh, ano? May ginawa ba 'yung babae?" tanong ni Fred.

"Meron namang ginawa 'yung babae, pero napakatanga! Pupunasan ba naman ng tissue 'yung damit ko, tingin ba niya, matutuyo 'yung damit ko sa ganung kaliit na tissue? Hay nako, nakakainis 'tong araw na 'to!" tugon ni Roxanne.

----------

"Ikaw ba ang biyenan ni Karen?" tanong ni Magda.

"Oo, ako ang biyenan niya. Bakit, may problema ka ba? At tsaka sino ka ba ha?" tanong ni Rita.

"Ako lang naman si Magda. Ang nanay ni Karen na siyang sinampal mo. At oo, may problema ako. Ikaw. Ikaw ang problema ko. Bakit mo ba sinampal ang anak ko, ha?" tanong ni Magda.

"Alam mo, deserve niya ang sampal na 'yon. Nang dahil sa kaniya, nagagawa na akong suwayin ng anak ko." tugon ni Rita.

"At bakit naman, ha? Mabait naman ang anak ko, bakit mo siya kailangang sampalin? Eh kung ikaw kaya ang sampalin ko?" tanong ni Magda.

"Okay fine, sampalin mo. Sige." sambit ni Rita ngunit nagulat siya nang bigla siyang sampalin ni Magda.

"Hayop ka! Bakit mo ako sinampal!" sigaw ni Rita.

"Eh hindi ba, sinabi mong sampalin kita?" tanong ni Magda.

"Aba, walanghiya ka!" sambit ni Rita at sinabunutan si Magda.

"Hayop ka, Rita! Pati anak ko dinadamay mo! Dapat lang sayo na masampal din!" sambit ni Magda habang naghihilahan sila ni Rita ng buhok.

"Nay, tita Rita tama na po 'yan!" sigaw ni Karen.

"Mama! Stop it! Bitawan niyo po si tita Magda!" tugon ni Edward.

"Ma'am, tama na po!" sambit ni Janice.

Sinubukang awatin nina Karen at Edward sina Magda at Rita. At sa wakas, nabitawan nila ang isa't-isa.

"Ikaw ha, subukan mo pang saktan ang anak ko mas grabe pa ang gagawin ko sayo!" sambit ni Magda.

"Subukan mo lang! Sige! Hinding-hindi kita uurungan, Magda!" tugon ni Rita.

"Nay, halika na po. Umuwi na tayo. Wala pong magandang mangyayari kung maikipag-away lang tayo." sambit ni Leslie.

"Sige, anak. Uuwi tayo. Pero uuwi tayo na kasama ang ate mo. Karen, sasama ka sa amin sa pag-uwi. Hindi ka magsstay dito sa bahay ng mahadera mong biyenan." tugon ni Magda.

"Nay, please. Hayaan niyo po muna ako dito. Kakausapin ko po ang biyenan ko." sambit ni Karen.

"Hindi, anak. Sasama ka sa amin ng kapatid mo sa ayaw at sa gusto mo! Uuwi ka sa bahay natin!" tugon ni Magda.

Wala nang nagawa si Karen kundi ang sundin ang kaniyang ina. Nag-empake siya ng gamit para makasama siya sa kaniyang ina.

"Hon, pasensiya ka na, ha? Sorry kung nagkagulo pa rito kanina. Pasensiya ka na kay Nanay. Kailangan ko munang sumama sa pag-uwi sa kanila kasi baka mas lalo pa siyang magalit. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako kapag hindi na mainit ang ulo sa akin ng nanay mo." sambit ni Karen.

"Kahit wag ka na bumalik. Lumayas ka dito!" sigaw ni Rita.

"Mama! Please! Just stop! Hon, it's okay. I understand. Dadalawin nalang kita sa bahay ninyo, ha?" tugon ni Edward.

"Salamat, hon. Salamat dahil nauunawaan mo ako. Sige, aalis na muna ako. Mag-iingat ka." sambit ni Karen.

"Sige, hon. Mag-iingat ka rin." tugon ni Edward.

----------

"Nay, bakit niyo naman po sinugod 'yung nanay ni Edward?" tanong ni Karen.

"Anak, ipinagtanggol lang kita dun sa mahadera mong biyenan." tugon ni Magda.

"Salamat po, Nay. Pero sana po, hindi niyo na 'yun ginawa. Baka po, mas lalo pang lumala ang gulo niyan." sambit ni Karen.

"Ate, hayaan mo na si Nanay. At tsaka, dapat din na gumanti tayo dun sa biyenan mo. Masyado kasi siyang epal eh." tugon ni Leslie.

----------

"Mga bwisit! Alam mo, Edward, nabubwisit ako sa nanay niyang Karen na 'yan ah." sambit ni Rita.

"Mama, sana po kasi hindi niyo na lng sinampal si Karen para po hindi na tayo nagkakagulo." tugon ni Edward.

"Eh sa naiinis ako eh? Masyado kasing sumbungera 'yang asawa mo." sambit ni Rita.

"Mama, sana po hindi niyo na lang pinatulan. Alam niyo naman pong may problema na si Karen eh." tugon ni Edward.

"Oh, bakit? Ano bang problema niya?" tanong ni Rita.

"Mama, nagpacheck-up po si Karen noong isang araw. At nalaman niya po na may endometriosis siya. Maaari pong hindi na kami magkaanak." tugon ni Edward.

"What? May endometriosis ang asawa mo? Tignan mo nga naman, malas talaga sa buhay natin 'yang asawa mo! Alam mo, kung ako sayo, hiwalayan mo na 'yang Karen na 'yan!" sambit ni Rita.

"Mama, no! Kahit na may ganun siyang kondisyon, I still love her! Mama! Nanumpa kami sa harapan ng Diyos nung kinasal kami, na magsasama kami habang-buhay! Hindi kami pwedeng maghiwalay!" tugon ni Edward.

----------

"Nay, salamat. Salamat po kasi ipinagtanggol niyo ako sa mahadera kong biyenan." sambit ni Karen.

"Naku, anak. Wala 'yun. Anak ko kayong dalawa ni Leslie. Kung sino man ang manakit sa inyo, ipagtatanggol ko kayo." tugon ni Magda.

"Salamat po, Nay. Nga po pala, nasaan po si Tatay?" tanong ni Karen.

Hindi alam ni Magda kung ano ang isasagot niya. Sasabihin na ba ni Magda ang totoo?

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now