Chapter 85: Galit ni Bella

4 2 0
                                    

"Nay, pasensiya na po. I'm sorry kung wala akong nagawa para ipagtanggol kayo laban sa mga Villanueva. Pero 'wag kang mag-alala, Nay. Kukunin natin ang hustisya. Ipaglalaban kita, Nay. Pasensiya na kung dahil sa kanila, namatay ka." umiiyak na sambit ni Bella habang nakatingin sa kaniyang ina sa loob ng kabaong.

Dahan-dahang naglakad si Karen sa likod ni Bella.

"Bella, condolence."

"Insan, salamat. Alam mo, hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala. Parang ang bilis ng mga pangyayari. I still can't believe na patay na si Inay." tugon ni Bella.

"Lahat naman yata tayo, 'di pa rin tanggap ang pagkawala ni tita eh. Lahat tayo, 'di pa rin makapaniwala." sambit ni Roxanne.

"Kasalanan lahat 'to ng mga Villanueva. Kung hindi dahil sa kanila, hindi mangyayari 'to." tugon ni Bella.

"So, anong gusto mong gawin?" tanong ni Roxanne.

"Halika, insan. Gusto kong pumunta sa correctional. Gusto kong makita si Fred. Gusto ko silang pagbayarin sa ginawa nila kay Inay." tugon ni Bella.

—————

"Dapat lang. Dapat lang na makaalis na ako rito sa kulungang 'to." sambit ni Fred.

"Well, anak. Sa ngayon, tiis-tiis muna tayo. I'm gonna call Atty. Perez. I'm sure that he can help you." tugon ni Vicky.

"Nay, sigurado ka ba sa Atty. na 'yan? Well, I hope that he can help kuya to get out of this marumi at mabahong jail." ani Karen.

"Well, well, well, I don't think na makakaalis pa rito ang kuya mo, Roxanne. Dito na siya mabubulok sa kulungang 'to. Dito na siya mamamatay." sambit ni Bella nang bigla silang dumating sa presinto.

Napatayo si Vicky nang makita nilang magkasama sina Karen at Bella.

"What are you two doing here?" tanong ni Vicky.

"Well, well, well, Vicky. We're here to visit your criminal son. Nag-request kasi si Bella na bisitahin kayo. Pinagbigyan ko lang ang request niya." tugon ni Roxanne.

"How dare you say that?" tanong ni Vicky.

"Oh, bakit? Siya ang pumatay sa nanay ko. Dapat lang sa kaniya na mabulok dito sa kulungan!" tugon ni Bella.

Nag-init ang dugo ni Vicky kaya nasampal niya si Bella.

Napahawak sa pisngi si Bella. Muli niyang naalala ang kahayupang ginawa sa kaniya ng mga Villanueva.

"Hayop ka!" sigaw ni Bella at bigla rin niyang sinampal si Vicky.

"Walanghiya ka! How dare you slap my mom! Talaga bang asal hayop ka?" tanong ni Karen.

"Hoy, Roxanne, alam mo, hindi nga dapat ang nanay mo ang sinampal ko eh. Dapat, 'yang kuya mo, dahil siya ang pumatay sa nanay ko! Kaya ito ang dapat na mangyari sa kaniya!" tugon ni Bella at pinagsasasampal niya si Fred.

"Hayop ka! Ikaw ang pumatay sa nanay ko! Napakawalanghiya mo! Sagad sa buto ang kasamaan mo! Hayop ka mabubulok ka rito sa kulungan!" galit na galit na sigaw ni Bella habang patuloy na pinagsasasampal si Fred.

"Tigilan mo ang anak ko!" sigaw ni Vicky at itinulak si Bella. Napaupo siya sa sahig.

Kaagad naman siyang tinulungang tumayo ni Karen.

"Hayop ka! Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" depensa ni Vicky.

"At wala rin kayong karapatang patayin ang nanay ko! Mas hayop kayo! Kulang pa sa inyong tatlo ang masunog sa impyerno!" tugon ni Bella.

"You will pay for what you did to us!" sambit ni Vicky.

"Kayo ang pagbabayarin ko! Sisingilin ko kayong lahat! Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa nanay ko at kay Mystie!" tugon ni Bella at nagwalkout.

"Tandaan niyo 'yan. Hindi pa tayo tapos. The battle is not yet over!" sambit ni Roxanne at sinundan si Bella.

—————

"Alam mo insan, kulang pa 'yung sampal ko kay Fred. Kulang pa 'yun sa lahat ng ginawa nila!" inis na sambit ni Bella.

"Insan, huwag kang mag-alala. Kahit ako, galit na galit din sa ginawa nila. Dahil pati ako, idinamay nila para pagbintangan na ako ang pumatay sa nanay mo." tugon ni Roxanne.

"Kulang pa sa kanila ang masunog sa impyerno. Kulang pa ang buhay nila sa lahat ng mga ginawa nilang kasalanan." sambit ni Bella.

"Tama ka, insan. Kailangan nating makuha ang hustisya. Pero papaano ko gagawin 'yun kung gamit pa rin ni Roxanne ang katawan ko?" tugon ni Roxanne.

"Kaya nga, insan. Kailangan mong mabawi ang katawan mo. Ano na bang balita dun sa switching machine?" tanong ni Bella.

"H-hindi ko nga alam eh. Makikibalita ako kay Robert. Hayaan mo, mababawi ko rin 'yun." tugon ni Roxanne.

"Nga pala, insan, bukas ang libing ni Inay. Pumunta kayo ni Ariana." sambit ni Bella.

"Oo, Bella. Pupunta ako. Gusto ko man lang makapagpaalam sa nanay mo. Gusto ko ring humingi ng sorry. At once na mabawi ko ang katawan ko, sisimulan na natin ang paghihiganti sa mga Villanueva. Pahihirapan natin sila ng tagos sa buto. At ang lahat ng sakit, ipaparamdam natin sa kanila ng higit pa sa ipinaramdam nila sa atin." tugon ni Roxanne.

"Insan, kailangan mo nang mabawi ang katawan mo. Sana, may mas mabilis na paraan para mabawi mo ito." sambit ni Bella.

"Huwag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan." tugon ni Roxanne.

—————

"Hon, sa tingin mo, kailan ko kaya mababawi ang katawan ko? Kasi ang tagal-tagal ko na rito sa katawan ni Roxanne." sambit ni Roxanne.

"Don't worry, hon. Tatawagan ko si Robert. Makikibalita ako sa kaniya. Aalamin ko ang tungkol sa switching machine." tugon ni Edward.

"Salamat, hon. Kailangan ko na kasi 'yung katawan ko. Ang tagal-tagal na rin kasing panahon na nandito ako. Sana, makabalik na ako." sambit ni Roxanne.

"Don't worry, hon. Makakabalik ka na rin sa katawan mo." tugon ni Edward.

—————

Kinabukasan, araw na ng libing ni Amy. Maraming kamag-anak, kaibigan, kakilala, at mga ka-trabaho ni Bella ang nagpunta.

"Sa mga kamag-anak ni Amy, pwede niyo na siyang lapitan at magpaalam sa huling pagkakataon."

Unang tumayo si Ariana at nilapitan ang kabaong ni Amy.

"Aling Amy, salamat po sa lahat. Salamat po sa inyo. Para ko na rin po kayong pangalawang ina. Salamat po sa lahat-lahat."

Muling bumalik si Ariana sa kaniyang kinauupuan. Si Karen at Edward naman ang tumayo at lumapit.

"Tita Amy, sorry po dahil wala akong nagawa. Wala akong nagawa para pigilan ang mga Villanueva sa mga plano nila. Huwag po kayong mag-alala, dahil ipaghihiganti ko po kayo. Magtutulungan po kami ni Bella sa pagsingil sa mga Villanueva. Pangako, pagbabayarin po namin sila."

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now