Chapter 39: Asawa vs. Nanay

10 3 0
                                    

"Hon, pinapalayas ako ni tita. Wala naman akong ginagawang masama eh." sambit ni Karen.

"Mama, bakit mo naman pinapalayas si Karen?" tanong ni Edward.

"Eh kasi naman etong asawa mo, sagut-sagutin ba naman ako? Edi syempre, nag-init 'yung ulo ko. Sino ba namang hindi maiinis?" ani Rita.

"Mama, I'm so sorry for that. I promise, hindi na mauulit." sambit ni Edward.

"H-hon, nagsisinungaling siya. Hindi totoo ang mga sinasabi niya. Sinisiraan niya lang ako sayo. Ang totoo hon, gusto niya akong palayasin dahil masyado na raw akong pabigat dito sa bahay." ani Karen.

"Ano? Saan mo naman nakuha 'yan, Karen? Pwede ba, huwag ka nang gumawa ng mga kwento! Itigil mo 'yan!" sambit ni Rita.

"Hindi ako gumagawa ng kwento. Ikaw ang nagsisinungaling! Namasyal lang ako kasama ng mga kaibigan ko, tapos hindi ko lang nasunod ang mga utos ninyo, gusto niyo na akong palayasin?" tugon ni Karen.

"Nakikita mo, Edward? Ayan! Lumalabas na ang pagiging demonyita ng babaeng ito. Tama ako, 'di ba? Sinabi ko sayo noong una pa lang na hiwalayan mo na ang babaeng 'to, pero ano? Hindi ka nakinig sa akin? Ngayon, lumalabas na ang totoong kulay ng asawa mo. Ano, hindi ka pa ba natatauhan?" sambit ni Rita.

"Mama, I think this is not enough na dahilan para hiwalayan ko si Karen. Siguro po, masyado lang kayong stressed kaya nagiging mainitin ang ulo ninyo. Besides, andiyan naman po si Janice para siya nalang po ang gumawa ng mga iniuutos ninyo." tugon ni Edward.

"Eh bakit? May magagawa ba kayo kung si Karen ang gusto kong utusan, ha? Alam mo kasi ikaw Karen, manang-mana ka sa nanay mo. Parehong-pareho kayo ng ugali." sambit ni Rita.

"Pwede ba ha, 'wag mo ngang idadamay 'yung nanay ko! Pwede ba ha, 'wag kang epal." tugon ni Karen.

"How dare you say that? Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Rita.

"Mama, Karen, enough! Pwede ba, 'wag niyo 'to idaan sa away. Pag-usapan natin 'to ng maayos. Pwede ba 'yon?" tanong ni Edward.

—————

"Mama, bakit niyo kasi iniinitan ng ulo si Karen?" tanong ni Edward.

"Kasi naman anak, inutusan ko siya kanina na mamalengke at magluto, tapos anong ginawa niya? Namasyal kasama ng kaibigan niya. Sino bang hindi maiinis?" tugon ni Rita.

"Mama, bakit po ba kasi siya pa ang inutusan ninyo, eh hindi po ba, nandiyan naman po si Janice?" tanong ni Edward.

"Eh kasi anak, nagpapahinga si Janice kanina. Eh, ayoko namang abalahin ang pagtulog niya. At tsaka, gusto kong may maitulong din dito si Karen sa bahay." tugon ni Rita.

"Eh 'yun naman pala eh. Eh, bakit ka umalis, Karen?" tanong ni Edward.

"Pasensiya ka na, Edward. Medyo, nainis lang kasi ako sa pagkakasabi kanina ni tita. Sorry din po, tita. Sorry po kung hindi ko kayo sinunod." tugon ni Karen.

"Sorry din, iha. Sorry din kung nagalit ako sayo." ani Rita.

"Ayun naman pala e, ayos na kayo. O siya sige na, magpahinga na tayo. I'm exhausted." sambit ni Edward.

"Sige, anak. Magpahinga ka na." tugon ni Rita.

"Sige po." tugon ni Edward at umakyat na ito sa kwarto. Naiwan sa sala sina Rita at Karen.

"Ikaw, Karen, ang kapal ng mukha mong gumawa ng kwento. Anong karapatan mo, ha?" tanong ni Rita.

"Pwede po ba, tita, 'wag na po tayong mag-away. Pagod na po ako, gusto ko na pong magpahinga." tugon ni Karen.

"'Wag mo 'kong matawag-tawag na tita. How dare you na siraan ako sa anak ko, ha?" tanong ni Rita.

"Pwede ba, 'wag mo 'kong sermonan. 'Di mo 'ko anak." tugon ni Karen.

"Hayop ka! Walanghiya ka!" sambit ni Rita at nasampal nito si Karen.

Napahawak si Roxanne sa kaniyang pisngi. Tinitigan niya ng masama si Rita.

"Bwisit ka." sambit niya at umakyat sa kwarto.

—————

"Anak, bakit ka ba kasi dinukot ng mga Villanueva? Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Rico habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Tay, pinaglaruan lang po nila ako. Nakipag-switch po sa akin si Roxanne ng katawan sa pekeng ispiritista. Hindi po naging successful ang switching namin. Sinabi niya po sa akin na isikreto namin na hindi naging successful ang switching namin para po maangkin niya si Edward. At ngayon po, nagbalak po ako na sabihin kay Edward ang totoo. Hindi po siya pumayag kaya po ayun, dinakip niya po ako." paliwanag ni Roxanne.

"Ano? Ibig sabihin, may masama siyang binabalak sayo?" tanong ni Rico.

"Opo, tay. Gusto niya pong angkinin ang buhay ko. Gusto niya pong maging ako." tugon ni Roxanne.

"Huwag kang mag-alala. Ipakukulong natin sila para hindi na sila makapanggulo." sambit ni Rico.

"Salamat po, tay." tugon ni Roxanne.

—————

"Hay nako, bes, ang dami-dami talagang schoolworks. Tapos, may reporting pa. Haaaay! Ang hirap pala talaga ng college life." sambit ni Mindy.

"Hay nako, bes. 'Wag kang mag-alala. Matatapos din 'to lahat. Tsaka hindi ba, magtutulungan naman tayo sa assignment?" tanong ni Leslie.

"Oo nga, bes. Kaya lang, ang hirap talaga ng trigonometry sa math. Hay nako!" ani Mindy.

"Kaya kung ako sayo bes, kumain na muna tayo. Nakakapagod kaya. Libre ko." sambit ni Leslie.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Mindy.

"Basta, bes. Ako na bahala. Sumunod ka nalang sa akin." tugon ni Leslie.

Sumunod si Mindy kay Leslie. Dinala siya nito sa paborito niyang kainan.

"Oh my gosh, friend! Dito tayo kakain? Oh, yes! Favorite na favorite ko 'yung chicken wings nila dito!" ani Mindy.

"Kaya nga bes, dito kita dinala. Para na rin mawala 'yung stress natin sa mga paperworks sa school. Kaya, order na bes!" tugon ni Leslie.

"Naku, bes! Thank you talaga ha. Promise, ako naman ang manlilibre sayo next time." sambit ni Mindy.

"Hay nako, bes. Sige na, sige na. Order na tayo. I-order mo na rin ako. I'm hungry na rin. Magbabanyo lang ako." tugon ni Leslie.

"Sige."

Makalipas ang ilang minuto, nakapag-order na si Mindy ng kanilang pagkain. Bumalik na rin si Leslie mula sa banyo.

"Hay nako, bes, ang sarap talaga ng pagkain dito! Alam mo, thank you talaga bes, ha." sambit ni Mindy.

"Ano ka ba naman, wala 'yun. Huy basta next time, ikaw naman manlilibre ha." tugon ni Leslie.

"Oo naman, bes." ani Mindy.

Habang sila ay kumakain, may dalawang customer na pumasok sa loob ng restaurant. Sina Nikko at Joana.

"Babe, I want chicken wings and fries." maarteng sambit ni Joana.

"Sige, babe. Order lang ako. Humanap ka na ng upuan." tugon ni Nikko.

Pupunta na sana si Nikko sa counter upang umorder ngunit nakita nila na doon din kumakain sina Leslie at Mindy.

"Leslie? Mindy?"

To be continued...

The SwitchTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang