Chapter 81: Takas

1 2 0
                                    

"Ano, anak, okay ka lang ba rito? Hindi ka ba nila sinasaktan?" tanong ni Magda.

"Ayos lang po ako, Nay. Mababait naman po sila sa akin. Pero, Nay, hindi lang po ako makapaniwala na nagpa-schedule si Bella ng hearing. Nay, natatakot po ako." tugon ni Roxanne.

"Anak, wala kang dapat na ikatakot. Alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang pumatay sa kapatid ko. At alam mo sa sarili mo na isa kang inosente. Kaya, anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa." sambit ni Magda.

"Salamat po, Nay." tugon ni Roxanne.

—————

"Well, unti-unti na akong nakakabawi sa pesteng Karen na 'yan. I can't wait na maghirap siya at mabulok sa kulungan." sambit ni Karen.

"So, what do you want to do?" tanong ni Fred.

"I want to visit my friend Karen in the jail. I want to see her suffer. At masaya rin ako dahil pati sarili niyang pinsan, kinamumuhian siya." sambit ni Karen.

"Sure, ihahanda ko lang ang sasakyan." tugon ni Fred.

"Wait, wait, wait, where are you two going?" tanong ni Vicky habang bumababa ng hagdan.

"I just want to visit my beloved friend Karen. I want to see her in jail." tugon ni Karen.

"Sasama ako. But first, let's give Mystie a food. Kawawa naman kasi siya, baka sabihin niya, masasama tayo." sambit ni Vicky.

"Bat mo pa bibigyan ng pagkain 'yan, eh mamamatay na rin naman siya. Sayang lang ang pagkain." tugon ni Karen.

"You're so innocent, my darling. Ang hindi mo alam, nilagyan ko ng lason ang kaniyang food, so, she will die on the spot. And after that, magiging safe na ang sikreto natin." sambit ni Vicky.

"Oh, I don't know that you have plans. Good job, mommy. Sige, ibigay mo na 'yan kay Mystie para matigok na siya!" tugon ni Karen.

"Okay!"

Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig pala si Mystie sa kanilang usapan. Itinapat niya ang kaniyang tenga sa pinto upang marinig nila ang pinag-uusapan nila.

"Mga hayop kayo, talagang plano niyo pa akong patayin! Pwes, hindi ko kakainin ang pagkain ninyo. Hindi ko hahayaang magtagumpay kayo!" sambit niya.

Makalipas ang ilang sandali, pumasok si Vicky sa kwarto ni Mystie. May dala itong pagkain na may lason.

"Kumain ka na, Mystie. Baka kasi, sabihin mong pinapatay ka namin sa gutom. Ayoko namang isipin mo na masamang tao kami." sambit ni Vicky.

Hindi tumugon si Mystie. Nakatingin lamang siya ng masama kay Vicky.

"Oh, why are you looking at me like that? Ano, ayaw mo ba ng ulam? Pwede naman kitang ipagluto if you want." sambit pa ni Vicky.

"Tita, hanggang kailan niyo po ba akong balak itago rito? Hindi niyo pa po ba ako pakakawalan?" tanong ni Mystie.

"Oh, I'm sorry. I can't do that. Si Roxanne lang ang pwedeng mag-decide kung kailan ka niya pakakawalan. Kasi, kapag pinakawalan kita, baka, ilantad mo ang sikreto niya." tugon ni Vicky.

"Tita, maawa naman po kayo sa akin. Please, pakinggan niyo naman po ako. Please, tita, ipinapangako ko po, hindi ko sasabihin ang sikreto ninyo, magpapakalayo-layo ako, basta po pakawalan niyo lang po ako dito." pagmamakaawa ni Mystie.

"Gusto man sana kitang pakawalan, but, I can't do that. Magagalit ang anak ko kapag ginawa ko 'yon. Sige na, aalis na kami. Pupuntahan namin si Karen sa selda. Kumain ka na." tugon ni Vicky at iniwan mag-isa si Mystie sa kwarto.

The SwitchWhere stories live. Discover now