Chapter 45: Bad News

9 3 0
                                    

Napatayo si Magda nang mabasag ni Karen ang litrato ni Edward.

"Anak, ako na ang bahala diyan. Huwag ka na lang muna dumaan dito. Baka mabubog ka." sambit ni Magda.

"P-pasensiya na po, Nay. Sorry po kung nagkalat pa po ako." tugon ni Roxanne.

"Okay lang, anak." ani Magda.

—————

"So friend, ano na ngang balak mong gawin kay Karen ngayon?" tanong ni Mystie.

"Well, si kuya na ang bahalang gumawa ng paraan. Si kuya na ang bahalang magtanggol sa akin." tugon ni Karen.

"Eh nasaan ba 'yung kuya mo?" tanong ni Mystie.

"Well, tinuruan niya lang naman ng leksiyon sina Karen at Edward. Alam mo, kating-kati na ako na mawala sa buhay ko 'yan si Karen. Dahil habang nandito siya, hindi ako magiging masaya."  tugon ni Karen.

"Jusko, friend. Buti pa ang data 'no, may maximum, eh 'yung problema mo, unlimited! Well, para hindi ka ma-stress d'yan kay Karen, halika, manuod muna tayo ng TV." ani Mystie.

"Mabuti pa nga." sambit ni Karen.

Nagtungo sina Mystie at Roxanne sa sala upang manood ng telebisyon. Kinuha ni Mystie ang remote control upang maghanap ng mapapanood. Sakto namang balita ang bumungad sa kanila pagbukas ng telebisyon.

"Isang sasakyan ang namataang nahulog sa bangin kani-kanina lamang. Ayon sa mga nakakita, may isang sasakyan daw sa likod nito ang sumusunod sa kaniya. Di kalaunan, pinaputukan ng taong nasa likod na sasakyan ang gulong ng sasakyan na nasa harap nito. Nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang sa mahulog ito sa bangin. Harry Generaga po, nagbabalita." sambit ng reporter sa telebisyon.

"Oh my gosh, friend! Grabe no, ang dami na talagang masasamang tao sa mundo ngayon! I can't believe na kaya nilang gumawa ng mga ganitong bagay! Jusko po!" sambit ni Mystie.

"You know what, Mystie, ilipat mo na nga lang 'yung channel. Maghanap ka ng movies or kahit ano, 'wag lang 'yan." tugon ni Karen.

"Okay, fine." ani Mystie.

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang kanilang pinto. Si Fred. Nakauwi na si Fred.

"Oh, ano, kuya? Anong nangyari? Naturuan mo na ba sila ng leksiyon?" tanong ni Karen.

"Of course, Roxanne. Nagawa ko na ang ipinagagawa mo." tugon ni Fred.

"That's good, kuya. So, anong ginawa mo kay Karen? Pinahirapan? Tinorture? Ano?" tanong ni Karen.

"Well, unfortunately, wala roon si Karen. Pero, si Edward, nandoon. Sinundan ko lang naman siya dahil narinig kong susunduin niya si Karen. So, hindi ko na hinayaan pang magkita sila. Binaril ko ang gulong ng sasakyan niya. And then, nahulog siya sa bangin. So baka this time, kinakain na siya ng mga uod dahil isa na lang siyang bangkay." tugon ni Fred.

"What the hell, kuya? Pinatay mo si Edward? Ang sabi mo, tuturuan mo lang sila ng leksiyon! Hindi mo naman sinabing papatayin mo siya!" sambit ni Karen.

"Oh my gosh, friend! Si Edward 'yung nasa balita kanina! Siya 'yung tinutukoy ng news reporter!" ani Mystie.

"Seryoso ka, kuya? Pinatay mo si Edward? I can't believe na may kapatid akong kriminal!" sambit ni Karen.

"Enough, Roxanne! Ginawa ko na nga ang lahat para ipaghiganti ka, tapos, tapos ano? Hindi pa ba nakukuntento, ha?" galit na tugon ni Fred.

"Kuya naman, bakit pa ang lalaking mahal ko? Pwede namang si Karen eh, 'di ba?" sambit ni Karen.

"Pasensiya ka na, Roxanne. Wala doon si Karen. And besides, ang daming lalaki sa mundo! Hindi lang si Edward ang pagpipilian mo, ang dami pang iba!" tugon ni Fred.

"Sinasabi mo lang 'yan kuya dahil hindi naman ikaw ang nagmahal! Si Edward lang ang minahal ko at wala ng iba!" ani Karen.

"Okay, fine. Sige, dun ka na lang kay Edward. Bakit, may kapangyarihan ka ba na buhayin siya, ha?" tanong ni Fred.

"Bahala na, kuya. Bahala na! Basta, ayoko muna dito sa bahay. Ayoko muna dito. Mystie, sa inyo muna ako matutulog ngayon." sambit ni Karen.

"Ha? Seryoso ka, friend?" tanong ni Mystie.

"Mukha ba akong hindi seryoso?" tanong ni Karen.

"Anong kaguluhan itong naririnig ko, aber?" tanong ni Vicky nang makababa siya ng hagdan.

"Nay, ayoko na po dito sa bahay na 'to. I can't believe na may kuya akong kriminal! Nay, pinatay niya si Edward!" tugon ni Karen.

"A-ano? Pinatay niya si Edward? Fred, totoo ba ito?" tanong ni Vicky.

"Y-yes, Mama. Tinuruan ko lang naman ng leksiyon si Edward dahil sa ginawa niya kay Roxanne. Ipinaghiganti ko lang ang kapatid ko." tugon ni Fred.

"You know what, anak, maybe, this is a part of our mission. Roxanne, hindi ba, gusto mong sirain ang buhay nina Karen? So maybe, ito na ang simula." sambit ni Vicky.

"What the hell, Nay? Oo, plano kong sirain ang buhay ni Karen. Pero hindi ko naman sinabing idamay ninyo si Edward!" tugon ni Karen.

"Anak, pwede ba? Huwag kang magpakabaliw kay Edward. You know what, anak, mag-focus ka muna sa ibang bagay. Alam mo, kung para sa 'yo talaga si Edward, magkikita at magkikita talaga kayo. Pero for the meantime, hayaan mo muna siya kay Karen." sambit ni Vicky.

"Nay, nasasabi niyo lang po 'yan dahil hindi naman kayo ang nagmahal. Nay, ayokong masira ang lahat ng plano ko." tugon ni Karen.

—————

"Nay, nasaan na po kaya si Edward? Ang tagal ko na pong naghihintay." sambit ni Roxanne.

"Oo nga, kanina pa niya sinabing susunduin ka niya 'di ba?" tanong ni Magda.

"Kaya nga po, eh. Tawagan ko po kaya ulit?" tanong ni Roxanne.

"Hindi na, anak. Ako na ang tatawag. Sandali lang." tugon ni Magda at kinuha ang kaniyang telepono upang tawagan si Rita.

"Magda, bakit ka tumatawag?" tanong ni Rita.

"Rita, nandiyan ba si Edward? Kanina pa kasi siyang hapon nagsabi na susunduin niya ang anak ko." tugon ni Magda.

"Aba, malay ko. Baka naman, may ginawa nanamang kalokohan 'yang anak mo kaya hindi siya sinundo? Well, dapat nga ako ang nagtatanong niyan sa inyo, eh." ani Rita.

"Rita, nandito ang anak ko. Katabi ko si Karen. Kanina pa niya hinihintay si Edward." sambit ni Magda.

"Kung ganoon, nasaan ang anak ko? Nasaan si Edward?" tanong ni Rita.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now