Chapter 133: Pagsubok

2 0 0
                                    

1 week later...

"Oh, Mindy? Napabisita ka? Anong atin?" sambit ni Leslie nang pagbuksan niya ng pinto si Mindy.

"Uy, bes! Kamusta? Ang tagal na nating 'di nagkikita ah! Ano nang balita sayo? Dami mong utang na kwento sakin ah!" tugon ni Mindy.

"Ayun na nga, andami ring nangyari sa buhay namin this past few days. Ayun, nabawasan na kami ng tinik sa lalamunan kasi patay na si Roxanne. Patay na ang babaeng mortal enemy ng pamilya namin." sambit ni Leslie.

"A-ano? Talaga? Anong nangyari?" tanong ni Mindy.

"Sumabog 'yung sinasakyan niyang sasakyan. Nag-away kasi sila ni ate sa loob ng sasakyan. Nag-agawan sila sa manibela hanggang sa bumangga sila sa poste. Hihingi na sana ng tulong si ate kaya siya lumabas, pero huli na ang lahat. Sumabog na ang sasakyan." tugon ni Leslie.

"Naku, buti nga sa kaniya. Sa dinami-dami ng ginawa niyang masama sa family niyo, kulang pa 'yun." sambit ni Mindy.

"Tama ka, bes. Pero may isa pa. May nalaman ako tungkol sa pagkatao ko." tugon ni Leslie.

"Ha? A-ano?" tanong ni Mindy.

"Bes, may isa pa kaming kapatid. May kakambal ako." tugon ni Leslie.

"What? Totoo ba 'yon? You have a twin?" tanong ni Mindy.

"Oo, bes. Si Sabrina. Identical twins kami. Nitong mga nakaraan ko lang nalaman. Nagkabangaan kasi kami habang naglalakad ako. Hindi pa rin nga ako makapaniwala eh." tugon ni Leslie.

"Talaga? Eh, nasaan siya ngayon?" tanong ni Mindy.

"Ayun, nandun pa rin siya sa nanay niyang nag-alaga sa kaniya. Gusto na nga namin siyang bawiin eh, kaso mukhang hindi papayag 'yung nanay niya." tugon ni Leslie.

"Eh teka, kamusta na nga pala si tita Magda? Nakabalik na ba siya?" tanong ni Mindy.

"Bes, h-hindi pa. Hindi pa rin namin siya nakikita. Natatakot na kami. Papaano kung tuluyan na ngang mawala si inay? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. H-hindi ko alam, bes. Kinakabahan pa rin ako." tugon ni Leslie.

"What if, may ibang nakakita sa kaniya? What if may ibang bahay siyang tinutuluyan ngayon?" tanong ni Mindy.

"Bes, hindi ko alam. Sumabog ang bomba sa debut ko. Malabong mangyari 'yon. Pero sana, sana talaga tama ang hinala mo." tugon ni Leslie.

—————

"Anak, san ka pupunta?" tanong ni Martha kay Sabrina nang makita niyang nakabihis ito.

"Ah, mommy, kay G-Gwen po." tugon ni Sabrina.

"Are you sure na kay Gwen ka pupunta?" tanong ni Martha.

"Yes, mommy. Bakit parang nagdududa ka?" tugon ni Sabrina.

"Ah, w-wala. Sige na, umalis ka na. 'Wag kang magpapagabi." sambit ni Martha.

"Sige po, mommy. Bye." tugon ni Sabrina.

Kaagad na umalis si Sabrina. Nagduda si Martha na kina Leslie siya pupunta. Kaagad niyang ipinatawag ang driver upang sundan si Sabrina.

"Jun, i-ready mo ang sasakyan! Susundan natin si Sabrina! Ngayon na!" utos ni Martha.

"Sige po, ma'am. I-reready ko na po." tugon ni Jun.

"Cynthia, paki-sarado ang gate. May pupuntahan lang kami ni Jun." sambit ni Martha.

"Sige po, ma'am." tugon ni Cynthia.

—————

Sabrina's POV

Umalis ako ng bahay hindi para pumunta kay Gwen, kundi para pumunta sa kakambal kong si Leslie.

"I'm sorry, mommy. I'm sorry if I have to lie. Patawarin mo 'ko. I just want to see Leslie."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapayag si mommy na sumama ako sa totoo kong pamilya. Hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya sa tuwing pumupunta ako sa kanila.

Sumakay ako ng isang taxi. Pumunta ako sa bahay nina Leslie.

Kumatok ako sa gate nila.

Narrator's POV

"Oh bes, may tao yata sa labas?" sambit ni Mindy nang marinig niyang may kumatok sa gate.

"Teka lang bes, ako na ang magbubukas." tugon ni Leslie at nagtungo siya sa gate upang buksan ito.

"K-kambal? Anong ginagawa mo rito? Kamusta ka na?" tanong ni Leslie.

"Kambal!" tugon ni Sabrina sabay yakap.

"Kambal, mabuti at nagpunta ka rito. Kamusta ka? Pinayagan ka na ba ng nanay mo?" tanong ni Leslie.

"Hindi, kambal. Tumakas lang ako. Sinabi kong pupunta ako sa kaibigan ko. Pero ang totoo, dito talaga ako pumunta." tugon ni Sabrina.

"Naku, mabuti na lang at nakarating ka. Halika, pasok ka." sambit ni Leslie.

Kaagad naman na sumunod si Leslie kay Sabrina sa loob ng bahay. Lingid sa kaalaman ni Sabrina na nasundan at nakamasid si Martha sa kaniya.

"Sinungaling ka talaga, Sabrina. I thought na pupunta ka kay Gwen. Sinuway mo ako. You'll see." sambit ni Martha sa sarili niya.

—————

"Halika, kambal, pasok ka." sambit ni Leslie.

"B-bes, siya ba 'yung kakambal mo?" tanong ni Mindy.

"Bes, oo. Siya si Sabrina, ang kakambal ko. Sabrina, si Mindy, ang bestfriend ko." tugon ni Leslie.

"Nice to meet you, Mindy." sambit ni Sabrina.

"Nice to meet you din." tugon ni Mindy.

"Ah, Sabrina, sandali lang ha. Tatawagin ko lang si itay. Gusto ka rin kasi niyang makita eh." sambit ni Leslie.

Kaagad na tinawag ni Leslie si Rico. Kaagad naman siyang bumaba.

"Oh, anak? Kamusta ka na?" tanong ni Rico.

"Okay lang po, tay. Mabuti naman po." tugon ni Sabrina.

Nagulat na lamang sila nang biglang pumasok sa loob ng bahay nina Leslie si Martha.

"Sabrina, what are you doing here?" tanong ni Martha.

"M-mommy?" gulat na tanong ni Sabrina.

—————

"Tita, okay lang po ba kayo? Bakit po parang nanghihina kayo?" tanong ni Karen nang makita niya si Rita na parang namumutla.

"Iha, hindi ko alam eh. Parang hindi mabuti ang pakiramdam ko. Parang pinagpapawisan ako kahit na malamig. Para rin akong nahihilo." tugon ni Rita.

"Naku tita, inom po kayo ng tubig." sambit ni Karen.

"S-sige."

Iniabot ni Karen ang baso ng tubig kay Rita. Nanghihina siya at nilalamig.

"Iha, pwede bang paki-patay mo ang aircon? Nilalamig kasi ako, e." sambit ni Rita.

"Sige po, tita." tugon ni Karen.

Kaagad hinanap ni Karen ang remote ng aircon. Ngunit, hindi niya ito makita.

"Nasaan po ba 'yung remote, tita?" tanong ni Karen.

"E-ewan ko. Sandali nga, ako na lang ang maghahanap." tugon ni Rita at tumayo siya.

Nagulat na lamang si Karen nang biglang natumba si Rita. Nawalan siya ng malay.

"T-tita! Tita, ano pong nangyayari sa inyo? Tita!" sigaw ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now