Chapter 72: Praning

3 2 0
                                    

"Friend, tulungan mo 'ko, pinagkakaisahan nila akong tatlo. Lalo na si Ariana." nagpapaawang sambit ni Mystie.

"Hoy, mga walanghiya kayo, bakit ninyo pinagkakaisahan si Mystie? Ha?" tanong ni Karen.

"Kasi akala nila, guguluhin na naman natin sila. Mga praning 'yang mga 'yan, e." tugon ni Mystie.

"Alam mo, Mystie, hindi ka naman sasaktan ni Ariana kung wala kang ginagawang masama, e. Alam mo kasi, masyado kang dikit ng dikit sa amo mong si Satanas kaya pati ikaw, nahahawa ka na rin!" sambit ni Bella.

"Hoy, Bella, pwede ba, itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong magmumog sa sarili mong dugo!" tugon ni Karen.

"Pwede ba, tama na! Tigilan niyo na 'yan! Nakakahiya sa mga tao, pinagtitinginan na nila tayo!" pag-aawat ni Roxanne.

"Alam mo, pasalamat ka dahil inawat ako ng kaibigan mo. Pero kung hindi ka niya inawat, ako mismo papatay sayo!" sambit ni Karen kay Ariana.

"Mga hayop kayo! Ang kakapal ng mukha ninyong pagtulungan ako! Magbabayad kayong lahat sa ginawa niyo!" sigaw ni Mystie.

"Mystie, halika na. Baka kung ano pang magawa ko sa mga hayop na 'yan. Huwag mo na lang silang pansinin." tugon ni Karen at umalis sila ni Mystie.

"Ariana, ano, okay ka lang?" tanong ni Roxanne.

"Oo, friend. Ayos lang ako. Masyado lang kasi akong gigil sa Mystie na 'yon. Alam mo naman, kampon siya ni Satanas. Kaya malamang, nahahawa na rin siya sa ugali ni Roxanne." tugon ni Ariana.

"Sige na, Ariana. Okay na 'yon. Tama na. Halika na, kumain na tayo." sambit ni Roxanne.

"Oo nga, tama ka, insan. Kumain na lang tayo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito." tugon ni Bella.

—————

"Grabe talaga, friend! Nakakastress! Ang hirap palang makipagsabunutan kay Ariana!" sambit ni Mystie nang makarating sila sa bahay.

"Alam mo, Mystie, dapat, parati kang ready. Alam mo naman kasi 'yang mga alipores ni Karen, susulpot na lang bigla. Kaya dapat, palagi kang handa. Huwag na huwag kang magpapatalo." tugon ni Karen.

"Eh, ano namang gusto mong gawin ko? Wala naman akong superpowers para proteksiyonan 'yung sarili ko!" sambit ni Mystie.

"Kaya nga. You know what, you should take this." ani Karen habang iniabot ang isang baril kay Mystie.

"Ano 'yan?" tanong ni Mystie.

"Boba ka ba talaga? Hindi mo ba alam kung ano 'yan? Edi baril. You know what, this can protect you. Trust me, this is reliable." tugon ni Karen.

"Friend, kahit naman halang 'yung kaluluwa ko, hindi ko naman kayang pumatay ng tao!" sambit ni Mystie.

"Well, nasa sa'yo 'yan. I need to go home. I need to say sorry kay kuya." tugon ni Karen.

"Wow friend, himala! Makikipagbati ka na sa kuya mo? Bakit, may lagnat ka ba? Bakit parang bumabait ka yata?" tanong ni Mystie.

"Alam mo naman, buhay si Edward. And, he needs someone to take care of him kapag patay na si Karen." tugon ni Karen.

"Bakit, anong gagawin mo kay Karen?" tanong ni Mystie.

"Well, kailangan ko na siyang dispatsahin. She needs to die. Kailangan niya nang mawala sa buhay ni Edward para ako naman ang pumalit sa kaniya." tugon ni Karen.

—————

"Hi, anak. Ano, kamusta ang lakad ninyo nina Ariana at Bella?" tanong ni Magda.

"Ayun po, medyo hindi okay." tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit?" tanong ni Magda.

"Hindi ko nga po alam, Nay. Hindi ko po alam kung bakit parang parati nalang kaming pinagtatagpo ng tadhana ni Roxanne. Parang ayaw nila kaming tigilan." tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit? Ano, nag-away na naman ba kayo nung bruhang Roxanne na 'yon?" tanong ni Magda.

"Hindi po kami nag-away, Nay. Sina Ariana at Mystie po. 'Yung kaibigan ni Roxanne." tugon niya.

"Ano? Bakit?" tanong ni Magda.

"Hindi ko po alam, Nay. Nakita lang po kasi ni Ariana si Mystie sa mall. Akala niya po kasi, manggugulo siya, kaya po, nagalit si Ariana." tugon ni Roxanne.

—————

"Friend, sure ka na ba dito sa desisyon mo? Talaga bang makikipag-ayos ka na sa kuya mo?" tanong ni Mystie.

"Oo, Mystie. Kailangan ko 'tong gawin. I need them. I need them to help me para sa paghihiganti ko kay Karen." tugon ni Karen.

"Well, if that's your decision, well, wala naman akong magagawa. Okay fine, c'mon, let's go." ani Mystie at bumaba ng sasakyan.

Kaagad ring bumaba si Roxanne ng sasakyan. Kumatok si Mystie sa pinto.

"Sandali lang." sambit ni Vicky nang marinig ang katok na nagmumula sa labas.

Nang buksan ni Vicky ang pinto, bumungad sa kaniya si Mystie.

"Mystie, napadalaw ka?" tanong ni Vicky.

"Ah, tita, may kasama po ako." tugon ni Mystie.

"S-sinong kasama mo?" tanong niya.

Biglang nagpakita si Roxanne. Natuwa si Vicky nang makita ang anak at niyakap ito.

"Roxanne, anak!" sambit niya sabay yakap ng mahigpit sa anak.

"Mabuti na lang at nagbalik ka!" dagdag pa ni Vicky.

Nang kumalas sa pagkakayakap ang dalawa, kaagad hinanap ni Roxanne ang kaniyang kuya.

"Nay, nasaan po si kuya? Nandito po ba siya?" tanong ni Karen.

"Oo, anak. Nandito ang kapatid mo. Sandali lang, tatawagin ko siya." tugon nito.

Nang tawagin ni Vicky si Fred, kaagad itong bumaba. Nagtaka si Fred kung bakit bumalik pa si Roxanne.

"Oh, anong ginagawa mo rito? Bakit ka pa bumalik? Hindi ba, itinakwil mo na kami bilang pamilya mo?" tanong ni Fred.

"K-kuya, I came back because, because I want to apologize. I want to say sorry." tugon ni Karen.

"Sorry? May sakit ka ba? Pagkatapos mo 'kong awayin nang dahil kay Edward, mag-sosorry ka?" tanong ni Fred.

"Kuya, gusto ko lang humingi ng tawad sayo, at pati na rin kay Inay. Gusto ko lang magsorry dahil na-realize kong mali 'yung ginawa ko sa inyo." tugon ni Karen.

"Anak, Fred, sige na. Patawarin mo na si Roxanne." ani Vicky.

"S-sige. Apology accepted. Pinapatawad na kita." tugon ni Fred.

"S-salamat, kuya. Salamat talaga. Alam ninyo, na-realize ko na kailangan ko kayo. Kailangan ko kayo para sa paghihiganti kay Karen..." sambit ni Karen.

"Hanggang ngayon, Karen pa rin? Ano bang balak mong gawin kay Karen?" tanong ni Fred.

"Well, since hindi natuluyan si Edward at buhay siya, kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kaniya kapag wala na ang pinakamamahal niyang si Karen..." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now