Chapter 116: Flatline

6 0 0
                                    

"Leslie, kinakabahan ako. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman sila." sambit ni Ariana.

"Malamang, gumanti sila dahil sa ginawa na pagpapalayas nila ate sa kanila. Napakasasama nila. Mga hayop silang lahat. Hindi na sila naawa. Pero hanggang sa wala pa tayong pruweba na sila nga ang may gawa, 'wag muna natin silang husgahan" tugon ni Leslie.

"'Wag husgahan? Jusko, Leslie, ang mga Villanueva lang ang may gawa ng lahat ng kamalasan sa buhay natin. At hindi malabo na sila ang may gawa nung pagsabog. Leslie, simula noon pa lang, ginugulo na ng mga Villanueva ang buhay niyo, ang mga buhay natin. Leslie, kailangan lang natin ng pruweba. Kailangan lang natin silang mahanapan ng butas. At kapag nangyari 'yon, pababagsakin natin silang lahat." sambit ni Ariana.

"Tama ka, Ariana. Malaki ang posibilidad na sila ang may kagagawan nito. Sila lang naman ang may matinding galit sa amin, e. Sila lang ang may motibo para gawin 'to sa amin. Alam mo, humanda talaga sila. Sana lang, wala tayong makitang pruweba na sila ang may gawa nito, kundi mapipilitan akong gawin ang lahat para labanan sila." tugon ni Leslie.

—————

"Hon, please, magpagaling ka. 'Wag na 'wag mo 'kong iiwan. Hindi ko kaya kung mawawala ka sa 'kin." sambit ni Nerissa habang nakatingin sa wala pa ring malay na si Nelson.

"Tita, 'wag po kayong mawawalan ng pg-asa. Tita, gagaling po si tito Nelson. Don't worry. I know that time will come at gagaling din siya." tugon ni April.

"Pero April, sumabog ang bomba sa hotel. Natatakot ako dahil papaano kung hindi siya palarin katulad natin?" tanong ni Nerissa.

"Tita, 'wag mong sabihin 'yan. I know na makakaligtas si tito. Let's just stay strong." tugon ni April.

—————

Makalipas ang isang oras, sumunod na rin sina Mindy at Edward sa ospital. Sinalubong sila ni Ariana sa hallway ng ospital.

"Ariana, ano, kamusta sila? Anong lagay nila?" tanong ni Edward.

"Naku, Edward, natatakot ako. Malala raw ang lagay ni Bella. Ang sabi ng mga doktor, may mga saksak daw siya sa katawan. Eh, 'di ba, pagsabog ng bomba ang nangyari? Paano siya magkakaroon ng saksak?" tugon ni Ariana.

"W-what? May saksak si Bella?" tanong ni Edward.

"Oo, Edward. At si Karen naman, stable na raw ang lagay niya. Mabuti na lang, naagapan siya kaagad. Baka kung hindi naagapan si Karen, baka may masamang mangyari sa kaniya." tugon ni Ariana.

"Salamat po. Iligtas niyo po ang asawa ko." ani Edward.

"T-teka, si tita Rita, nasaan siya?" tanong ni Ariana.

"Pinauwi ko na muna. Pinasundo ko sa driver niya. Mahirap na, baka hindi niya kayanin ang makikita niya kapag nandito siya sa ospital. Mabobored lang siya rito. Huwag kang mag-alala, nandoon naman si Janice sa bahay." tugon ni Edward.

"Jusko, Edward, natatakot ako. Ang sabi kasi ng doktor, napakaliit na lang ng chance na mabuhay si Bella. Kanina pa nga ako kinakabahan, e." sambit ni Ariana.

"Ariana, 'wag kang matakot. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Don't worry." tugon ni Edward.

"Edward, halika na sa loob. Bisitahin mo na 'yung asawa mo. Alam kong nag-aalala ka rin para sa kaniya. Halika na." sambit ni Ariana.

"Halika na."

—————

"Hon, please, get well soon. 'Wag mo 'kong iiwan, please? Hon, I know na marami akong pagkukulang sayo bilang asawa ko. Hon, lumaban ka. Kaya mo 'yan. Basta hon, please don't leave me. Gusto ko pang mabuo ang pamilya natin." naluluhang sambit ni Edward.

The SwitchWhere stories live. Discover now