Chapter 41: The Plan

10 3 0
                                    

Sasaksakin na sana ni Roxanne si Rita ngunit nagulat siya nang biglang may pumasok sa kwarto ni Rita. Gulat siya nang makita si Edward.

"H-hon, anong ginagawa mo rito sa kwarto ni Mama? At bakit may hawak kang kutsilyo?" tanong ni Edward.

"H-hon, may narinig kasi ako kanina sa labas na kaluskos. Iniisip ko kung baka magnanakaw 'yun. At dahil, si Mama ang may-ari ng bahay na 'to, siya ang naisip kong gisingin para tignan kung ano 'yon." tugon ni Karen.

"Ano ba, ang ingay-ingay natutulog 'yung tao eh! Ano ba? Bakit ba dito kayo sa kwarto ko nag-uusap, ha? At Karen, bakit may dala kang kutsilyo? Ano, papatayin mo ako?" tanong ni Rita.

"T-tita, hindi po. May narinig po kasi akong kaluskos sa labas. Tutal, sa inyo naman po 'tong bahay, kayo po ang naisip kong tawagin." tugon ni Roxanne.

"At bakit hindi mo ginising si Edward? Magkatabi kayong natutulog, diba?" tanong ni Rita.

"S-sorry po, tita. Mahimbing po kasi 'yung tulog niya eh. Alam ko pong galing siya sa trabaho kaya ayoko pong istorbohin ang pagtulog niya." tugon ni Karen.

"Sige na, hon. Ibalik mo na 'yang kutsilyo sa kusina. Matulog na tayo ulit." sambit ni Edward.

"S-sige." sambit ni Karen at nagtungo siya sa kusina upang ibalik ang kutsilyo.

Kinaumagahan, nagkausap ang mag-ina tungkol sa nangyari kinagabihan.

"Anak, naniniwala ka ba sa sinasabi ng asawa mo? Naniniwala ka ba na talagang may naririnig siyang kaluskos?" tanong ni Rita.

"I-I don't know, Mama. Hindi ko na po alam kung anong papaniwalaan ko." tugon ni Edward.

"Paano kung, gusto niya talaga akong patayin?" tanong ni Rita.

"Mama, hindi po magagawa 'yun ni Karen. Kilalang-kilala ko po siya. Hindi po niya kayang gumawa ng masama." tugon ni Edward.

"Alam mo, anak, kinikilabutan ako sa asawa mo eh. Eh kung, hiwalayan mo na kaya ang babaeng 'yan?" tanong ni Rita.

"Mama, I already told you earlier. Hindi po kami pwedeng maghiwalay." tugon ni Edward.

"Oh, eh papaano na? Paano kung lahat tayo dito sa bahay patayin ng asawa mo? Hahayaan mo ba na mangyari 'yun?" tanong ni Rita.

"Don't worry, Mama. Gagawa po ako ng paraan." tugon ni Edward.

"Eh, anong paraan naman 'yan?" tanong ni Rita.

"I am going to install a hidden camera in our room." tugon ni Edward.

"I think that's a good idea. Sige, anak. Susuportahan kita d'yan. Sana, malaman na natin kung nagsisinungaling ba si Karen." ani Rita.

—————

Nagtungo si Rita sa kusina upang uminom ng tubig. Sakto namang nakita niya si Edward sa sala na nakaupo at parang may ginagawa.

"Anak, ano 'yang ginagawa mo?" tanong ni Rita.

"Ah, Mama, this is the hidden camera na ilalagay ko sa kwarto namin ni Karen." tugon ni Edward.

Lumapit si Rita kay Edward.

"That's nice. Sige, anak. I-push mo 'yan. We really need to know the truth. Pakiramdam ko kasi, hindi siya si Karen. Pakiramdam ko, ibang tao siya." sambit ni Rita.

"Sige, Mama. Ilalagay ko na po 'to sa kwarto namin." tugon ni Edward.

"Sige."

Umakyat si Edward sa kanilang kwarto. Sinulit niya ang pagkakataon habang wala sa bahay si Karen. Nagpaalam kasi ito sa kaniya na bibisita siya sa bahay nila.

Humanap si Edward ng mapagpapatungan ng hidden camera. Makalipas ang ilang sandali, nakahanap na rin siya ng perfect spot para rito.

"Perfect." sambit ni Edward.

"I need to know the truth about you, Karen, at kung sino ka ba talaga." dagdag pa niya.

—————

Naglalakad-lakad sina Mindy at Leslie sa loob ng kanilang campus. Hindi pa tapos ang oras ng kanilang break kaya naman ay naisipan nilang maglakad-lakad sa paligid.

"Hay nako, bes. Grabe na talaga. Ang dami-dami talaga nating assignments. Hay! Kung pwede lang, 'wag na natin 'tong gawin." sambit ni Mindy.

"Ano ka ba, Mindy. Okay lang 'yun. Matatapos din 'tong week na 'to." tugon ni Leslie.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa. Nagulat sila nang harangin sila ni Joana kasama ang mga kaibigan niya.

"Hoy, Leslie." sambit ni Joana.

"Hoy ka rin. Ano nanaman bang kailangan mo sa akin?" tugon ni Leslie.

"Matanong ko lang, ano bang pinakain mo sa jowa ko at bakit lapit siya ng lapit sayo, ha?" tanong ni Joana.

"Aba, malay ko. Bakit hindi mo nalang tanungin 'yang jowa mo? Tutal, lagi naman kayong magkasama, 'di ba?" tugon ni Leslie.

"Alam mo, Leslie, kung ako sayo, lalayuan ko na lang si Nikko. Huwag kang masyadong malandi. Huwag kang masyadong lumapit sa jowa ng may jowa. Kung ako sayo, dumistansya ka na lang." sambit ni Joana.

"Well, dumidistansya naman ako. Kung ako sayo, jowa mo ang pagsabihan mong dumistansya sa akin. Siya nga 'tong lapit ng lapit sa akin kahit na umiiwas ako. So pwede ba, huwag mong sayangin ang oras namin ni Mindy?" tugon ni Leslie.

"Oo nga naman, Joana. Si Leslie na nga 'tong lumalayo kay Nikko, pero lapit pa rin ng lapit si Nikko. At saka, pwede ba, tigilan mo na kami?" sabat ni Mindy.

"Hoy, Mindy, pwede ba ha, 'wag ka ngang sumabat. At huwag na huwag mo ngang pinagtatanggol 'tong kaibigan mong malandi? Bakit, gusto mo rin bang maging malandi at haliparot kagaya niya?" tanong ni Joana.

"Alam mo, Joana, sumosobra ka na ha. Sobra mo na akong iniisulto!" sambit ni Leslie at uminit ang dugo niya kaya naman ay nasabunutan niya si Joana.

"Aray ko! Bitiwan mo 'ko! Bagong rebond ang hair ko!" sigaw ni Joana.

"Joana, Leslie, tama na 'yan!" sigaw ni Cath na isa sa mga kaibigan ni Joana.

"Cath, hayaan mo silang magsabunutan at magpatayan. Para na rin, maturuan ng leksiyon 'yang Leslie na 'yan." tugon ni Nicole na isa rin sa mga kaibigan ni Joana.

Kaagad na tumawag ng gwardya si Mindy upang awatin ang dalawa.

"Alam mo, wala akong pake kung bagong retoke pa 'yang pagmumukha mo! 'Yang jowa mo na 'yan ang kausapin mo. Sabihin mo sa kaniya, siya na ang lumayo sa akin." sambit ni Leslie.

"Wala akong pake! Basta layuan mo ang jowa ko! Cath, Nicole, tara na!" tugon ni Joana at biglang nagwalkout.

"Ano, bes, okay ka lang?" tanong ni Mindy.

"Oo, bes, ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin." tugon ni Leslie.

"Alam mo, bes, grabe na talaga 'yung Joana na 'yun. Sobrang sama ng ugali!" sambit ni Mindy.

"Sinabi mo pa." tugon ni Leslie.

—————

"Hon!" sambit ni Karen.

"Oh, hon, mabuti naman at nakauwi ka na. Ano, kamusta raw sila nanay Magda?" tanong ni Edward.

"A-ah, o-okay lang naman sila. Sige hon, magbibihis muna ako sa kwarto." tugon ni Karen.

"Sige."

Nang makaakyat si Karen sa kwarto, nagkatinginan sina Rita at Edward.

"Sana malaman na natin ang totoo, anak." sambit ni Rita.

"Sana nga po, Ma." ani Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now