Chapter 67: Pagkikita

4 2 0
                                    

Kaagad hinanap ni Rita ang kaniyang telepono. Natagpuan din niya ito. Naalala niya na ibinigay ni Mystie ang kaniyang numero para matawagan siya ni Rita.

"Mystie, pick up the phone, pick up the phone." bulong niya.

Makalipas ang ilang sandali, sinagot na rin ni Mystie ang telepono.

"Hello po, sino po ito?" tanong ni Mystie sa kabilang linya.

"Hello, Mystie, ako si Rita. Ako 'yung nanay ni Edward. Naaalala mo pa ba ako?" tanong ni Rita.

"Ay, o-opo. Naaalala ko po kayo. Bakit nga po pala kayo napatawag?" tugon ni Mystie.

"Mystie, may good news ako sayo." sambit ni Rita.

"Good news? Ano pong good news?" tanong ni Mystie.

"Hindi ba, hinahanap mo ang anak ko? Buhay siya. Buhay si Edward. Pwede mo na siyang mapuntahan." tugon ni Rita.

"T-talaga po? S-sige po! Pupuntahan na po namin... I mean, pupuntahan ko na po siya. Salamat po!" sambit ni Mystie.

"S-sige. Hihintayin namin kayo."

—————

"Mystie, sino 'yang kausap mo? S-sinong pupuntahan mo?" tanong ni Karen.

"Friend, may dapat kang malaman. Tumawag sa akin ang mommy ni Edward." tugon ni Mystie.

"Mommy ni Edward? Bakit, anong sabi niya?" tanong ni Karen.

"Friend, I'm sure that you won't believe this. Buhay si Edward!" tugon ni Mystie.

"What? Edward is alive? Sigurado ka?" tanong ni Karen.

"Oo nga, friend! Tumawag nga sa akin ang nanay niyang hilaw. Bakit parang hindi ka naniniwala?" tugon ni Mystie.

"Kung ganon, halika na! Puntahan na natin sila kaagad! I can't wait na makita si Edward!" sambit ni Karen.

"Halika na nga!"

—————

Makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin sina Karen sa bahay nina Edward.

"H-hon?" sambit ni Edward nang mapatingin siya kay Karen.

"Hon!" tugon ni Roxanne at kaagad nilapitan si Edward at niyakap ng mahigpit.

"Hon, I thought na hindi na kita makikita. Salamat at nakita kita ulit." naluluhang sambit ni Edward.

"Hon, alam mo ba, sobrang nag-alala kami sayo, akala ko, hindi na kita ulit makikita at makakasama. Salamat sa Diyos at nakita kita ulit. Sobrang saya ko ngayon, hon." umiiyak na tugon ni Roxanne.

"Ako rin, sobrang saya ko rin at nakita kita ulit, hon." sambit ni Edward.

"Hon, ano ba kasing nangyari sayo? Bakit ang tagal mong nawala?" tanong ni Roxanne.

"Naalala mo ba 'yung araw na nabuking ko si Roxanne? 'Yung araw na tinawagan kita para malaman mo na alam ko na ang totoo?" tanong ni Edward.

Muling naalala ni Karen ang araw na 'yon.

"Si Edward, tumatawag." sambit ni Roxanne.

"Ha? Bakit daw?" tanong ni Ariana.

Kaagad sinagot ni Karen ang tawag.

"H-hon, bakit ka napatawag?" tanong ni Roxanne.

"A-alam ko na ang totoo. Alam ko na ang totoo na ikaw si Karen. Naniniwala ako na ikaw ang totoong asawa ko." tugon ni Edward.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Roxanne.

"Hon, I installed a hidden camera inside our room. At nakuhanan ng camera na nakikipag-usap si Roxanne sa nanay niya. Gusto niya kayong ipapatay ni Mama dahil hadlang daw kayo sa mga plano niya." tugon ni Edward.

"Ano? Sinabi niya 'yon?" tanong ni Roxanne.

"Yes, hon. Sinabi niya 'yun lahat. But don't worry, hindi na niya tayo gagambalain. Pinalayas ko na siya rito sa bahay. And now, kailangan mo nang bumalik dito. Susunduin kita." tugon ni Edward.

"Hay, salamat! Sige hon, mag-aayos na ako. Anong oras ka dadating?" tanong ni Roxanne.

"Mga one hour from now. Susunduin na kita para bumalik ka na rito sa bahay." tugon ni Edward.

"Salamat, hon. Hihintayin kita." tugon ni Roxanne.

"Papunta na sana ako sa bahay ninyo para sunduin ka. Pero, biglang may nakita akong sasakyan na sumusunod sa likuran ko. Pagkatapos, nagulat na lang ako nang biglang may bumaril sa gulong ng sasakyan ko at nagpagewang-gewang 'yung sasakyan ko hanggang sa mahulog ako sa bangin." kuwento ni Edward.

"Grabe naman pala ang nangyari sayo, hon." sambit ni Roxanne.

"Pero hon alam mo, nagpapasalamat ako dahil may nagligtas sa akin, sina Aling Lilia at Irene. Alam mo, malaki ang utang na loob ko sa kaniya," tugon ni Edward.

"Alam mo, sana, makita ko sila ng personal para mapasalamatan. Nang dahil sa kanila, nandito ka, buhay ka. Akala ko kasi, hindi tayo magkikita ulit." naluluhang sambit ni Roxanne.

Niyakap ni Edward si Karen. Miss na miss nila ang isa't-isa.

"Well Karen, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak ko noon. Kung hindi ka sana nagpasundo sa kaniya, edi sana, hindi siya naaksidente." napabitaw ng yakap ang dalawa nang marinig nila ang sinabi ni Rita.

"Rita, hindi naman yata tamang sisihin mo ang anak ko. Walang may gusto ng nangyari sa anak mo." sambit ni Magda.

"Eh, sinong may kasalanan, ako?" tanong ni Rita.

"Rita, walang may kasalanan. Ang may kasalanan dito, 'yung bumaril sa gulong ni Edward. At kung sino man 'yon, karapat-dapat siyang magbayad." tugon ni Magda.

"O bakit, kilala mo ba kung sino 'yung bumaril sa sasakyan ng anak ko? May pruweba ka ba?" tanong ni Rita.

"Wala akong pruweba. At hindi ko rin alam kung sinong gumawa noon sa anak ko. Wala namang may gusto no'n, 'di ba?" tugon ni Magda.

"Baka naman, may kinalaman kayo do'n. What if, kayo ang may pakana no'n? Baka ayaw niyo lang umamin. Aminin niyo na." sambit ni Rita.

"Rita, ang kapal din naman talaga ng mukha mong mambintang! Anong karapatan mong pagbintangan kami? Alam mo, kayo na nga 'tong inaalala, kami pa ang masama!" tugon ni Magda.

"Enough! Tama na! Pwede ba, 'wag na kayong mag-away? Mama, bakit sila ang pinagbibintangan mo?" tanong ni Edward.

"Eh, anak, baka lang kasi..."

"Mama, alam mong hindi nila magagawa 'yan. Hindi nila kayang pumatay o manakit ng tao." sambit ni Edward.

"Pero, sino naman kaya 'yung gumawa no'n kay Edward?" tanong ni Roxanne.

"Meron na akong suspetsa kung sinong may gawa no'n. I think, isa sa mga Villanueva ang gumawa sa akin no'n. Isa sa kanila ang gustong pumatay sa akin." tugon ni Edward.

"Villanueva? Anong Villanueva?" tanong ni Karen nang makarating sila ni Mystie sa bahay nila Edward.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now