Chapter 93: Hadlang

1 0 0
                                    

"Hoy, hoy, hoy, ano na namang iniisip mo? Anong sabotage sabotage?" tanong ni Olivia.

"Mommy, basta. Pwede kong pahiyain si Leslie sa contest na 'yon and make her layas that place. At kapag nangyari 'yon, there is a bigger chance na ako ang mananalo sa beauty contest." tugon ni Joana.

"Well, siguraduhin mong magtatagumpay ka. Sige na, alis na 'ko. May pupuntahan pa 'ko." sambit ni Olivia.

"Okay, mommy. Bye. Uwian mo na lang ako ng pasalubong." tugon ni Joana.

"Ano pa nga ba."

—————

"Les, I would like you to meet Patricia. Patricia, si Leslie, kaibigan ko. Siya 'yung sasali sa beauty pageant." pagpapakilala ni Mindy.

"Wow, ikaw pala si Leslie. Nice to meet you." sambit ni Patricia.

"Nice to meet you rin, Patricia." tugon ni Leslie.

"Nga pala, eto na 'yung mga gowns na kakailanganin mo para sa contest. Ayan, apat na gowns 'yan. Mamili ka na lang." sambit ni Patricia.

"Naku, ang dami naman. At ang gaganda pa." tugon ni Leslie.

"Oo, para talaga sayo 'yan. Basta, galingan mo sa pageant ha. Dapat, ikaw ang manalo." nakangiting sambit ni Patricia.

"Oo naman. Kakayanin ko. Kailangan ko lang ng lakas ng loob." tugon ni Leslie.

"Hay nako, Leslie. Kaya mo 'yan. Naniniwala ako sayo na malalagpasan mo rin 'to. And I'm sure, kayang-kaya mo yan." sambit ni Patricia.

"Salamat talaga, ha. Salamat sa inyo." tugon ni Leslie.

—————

"Ano ba ito, ang daming prutas. Miss, magkano 'tong mansanas?" tanong ni Magda sa tindera habang namamalengke.

"30 po 'yang isang kilo." tugon ng tindera.

"Ay, ang mahal. Sige miss, salamat nalang." ani Magda at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang siya ay naglalakad, nagulat siya nang makita niya sina Olivia at Joana.

"Olivia? Joana?" tanong ni Magda.

"Oo, ako nga. Bakit, Magda? Nagulat ka bang nandito kami?" tugon ni Olivia.

"Ah, hindi naman." sambit ni Magda.

"Magda, bakit parang ang tahimik mo? Siguro, nag-aalala ka dahil alam mong matatalo ng anak ko ang anak mo sa beauty pageant, ano? Alam mo, sabihin mo kasi sa anak mo na 'wag na siyang mag-ilusyon. Hindi naman siya maganda. Maputi lang siya pero hindi siya kasing ganda ng anak ko." pang-iinsulto ni Olivia.

"Olivia, pwede ba, huwag mo ngang husgahan ang anak ko. Hindi kami nakikipag-kompitensiya sa inyo. Kaya pwede ba, lubayan niyo na kami." tugon ni Magda.

"Magda, ang sabihin mo, masyadong feelingera 'yang anak mo. Hindi bagay sa kaniya ang sumali sa beauty contest. Kaya pwede, sabihin mo sa kaniya, magback-out na siya dahil sigurado ako na mapapahiya lang kayo. Wala naman kayong ibubuga sa anak ko." sambit ni Olivia.

"Olivia, wala kang karapatan na sabihin 'yan. Una sa lahat, hindi kami nakikipag-kompitensiya sa inyo. Pangalawa, masamang manghusga ng ibang tao. Kaya wala kang karapatan na sabihan ng ganyan ang anak ko." tugon ni Magda.

"Uhm, tita, nakalimutan mo na ba 'yung ginawa sa akin ng anak mo sa mall? Hindi ba, inihulog niya ako sa second floor? Kaya kung husgahan man namin siya, wala pa 'yon sa ginawa niya sa akin." sambit ni Joana.

"Joana, hindi ka itinulak ng anak ko sa second floor. Ipinagtanggol niya lang ang sarili niya. Tinulungan ka pa nga niyang umangat eh, pero ikaw na mismo ang bumitaw kaya ka nahulog. Kaya pwede, huwag niyong pagsasalitaan ng 'di maganda ang anak ko." tugon ni Magda.

The SwitchWhere stories live. Discover now