Chapter 50: Pag-iwas

4 3 0
                                    

"Oh, eh paano na 'yan? Paano mo malalaman kung anong balita kay Edward?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, Nay. Hindi ko alam." tugon ni Karen.

"Eh, papaano kung tuluyan na ngang mawala si Edward? Anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"Nay, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Edward. Umaasa pa rin ako na magkikita pa rin kami. Umaasa ako na buhay pa rin siya." tugon ni Karen.

"Eh, papaano nga kung talagang wala na siya? Anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, Nay. Hindi ko alam. Baka kung anong magawa ko kay kuya at dun sa matandang Rita na 'yon." tugon ni Karen.

"Anong gagawin mo? At tsaka, bakit naman nadamay si Rita?" tanong ni Vicky.

"Kasi hanggang ngayon, gigil na gigil pa rin ako sa kaniya! Bwisit talaga 'yung matandang 'yon. Sayang nga lang kasi hindi ko pa siya napatay." tugon ni Karen.

"Ikaw naman, pwede ba ha, chill ka lang. Masyado kang mainitin ang ulo eh." sambit ni Vicky.

"Eh, basta, hindi pa rin ako matatahimik hangga't hindi bumabalik si Edward." tugon ni Karen.

—————

Naglalakad sina Leslie at Mindy sa loob ng campus. Nagkasalubong sila ni Nikko.

"Leslie, Mindy, gusto niyo bang kumain sa labas?" tanong ni Nikko.

"Uhmmm, sorry, Nikko. Hindi ako pwede." tugon ni Leslie.

"Hindi pwede? Why not? Plus, it's our breaktime." sambit ni Nikko.

"Nikko, bakit kaya, hindi na lang si Joana ang yayain mo?" tanong ni Mindy.

"Oo nga, Nikko. 'Yung girlfriend mo naman 'yung unahin mo." dagdag pa ni Leslie.

"You know what, marami siyang assignments. Marami siyang ginagawa. She's so busy." tugon ni Nikko.

"Nikko, pasensiya ka na. Hindi ko matatanggap 'yung alok mo." sambit ni Leslie.

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Nikko.

"Nikko, nag-aaway na kami ng jowa mo. Ayoko nang makagulo sa inyong dalawa. Kung gusto mo, siya nalang ang ilibre mo kapag hindi na siya busy. Pasensiya ka na." tugon ni Leslie.

"Leslie, iniiwasan mo ba ako? Ayaw mo na ba sa akin?" tanong ni Nikko.

"Nikko, hindi ba obvious? Ayoko nang lumapit sa 'yo. Ayokong magkagulo kami ng jowa mo. At gusto ko na ring matahimik." tugon ni Leslie.

"Leslie, hindi magagalit si Joana! Ako na ang bahala sa kaniya. Promise, ako na ang bahala sa kaniya." ani Nikko.

"Nikko, pasensiya ka na, hindi talaga pwede eh. Magagalit sa akin si Joana. I'm sorry." tugon ni Leslie.

Nakita ni Joana si Leslie na nakikipag-usap kay Nikko kaya naman ay nilapitan niya ito.

"Hoy, Leslie, ang kapal talaga ng mukha mong gaga ka 'no? Hindi ba, nag-usap na tayo? Hindi ba, sinabi mo na lalayuan mo na ang jowa ko?" galit na tanong ni Joana.

"Oo nga, nilalayuan ko na si Nikko. Ano pa bang gusto mo?" tanong ni Leslie.

"Anong gusto ko? Ang wasakin ang pes mong hayop ka! Halika rito, nangigigil ako sayo!" galit na tugon ni Joana at sinabunutan si Leslie.

"Aray! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Leslie.

"Babe, tigilan mo na 'yan! Tigilan mo si Leslie!" sambit ni Nikko.

"Ikaw, huwag kang makikialam dito, babe! Hayaan mo akong wasakin ang pes nitong babaeng 'to! Matagal na 'kong gigil dito sa gagang 'to!" sigaw ni Joana at patuloy na sinasabunutan si Leslie.

Kaagad na nadatnan ng mga gwardya sina Leslie at Joana na nag-aaway. Maraming estudyante rin ang nakakita sa gulong ito. Nakita rin sila ng guidance counselor. Kaagad nilang inawat ang dalawa.

"Ms. Raymundo? Ms. Salcedo? What's happening here? Bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Mrs. de Guzman na kanilang guidance counselor.

"Ma'am, sumosobra na 'tong babaeng 'to! Tinuturuan ko lang siya ng leksiyon!" tugon ni Joana.

"Ms. Joana Salcedo, Ms. Leslie Raymundo? I need your parents to come here tomorrow! Kailangan nating pag-usapan ito!" sambit ni Mrs. de Guzman.

"What?" sambit ni Joana.

"Babe, tama na 'yan. Umalis na tayo rito." tugon ni Nikko.

"Sige na, umalis na kayo. Umalis na kayo rito!" ani Mindy.

Inis na nag-walkout si Joana at kaagad naman siyang sinundan ni Nikko.

"Bes, okay ka lang?" tanong ni Mindy.

"Oo, bes. Ayos lang ako. Pero, nakakainis kasi talaga 'tong si Joana eh. Nang dahil sa kaniya, mapapaguidance pa ako!" tugon ni Leslie.

"Bes, huwag ka nang mag-alala. Hayaan mo na. Don't worry, sasamahan kita bukas." sambit ni Mindy.

"S-salamat, bes. Pero, mukhang hindi titigil 'yon si Joana. Hindi ko alam. Pero sana, magkaayos na kami kapag nagkausap kami bukas." tugon ni Leslie.

"Eh, anong plano mo?" tanong ni Mindy.

"Hindi ko alam, bes. Hindi ko alam. Masyado lang talagang warfreak 'yung jowa ni Nikko." tugon ni Leslie.

—————

"Anak, bakit ganyan na naman ang itsura mo? Nakipag-away ka na naman ba?" tanong ni Magda.

"Nay, pasensiya na po. Sorry po kung pati kayo madadamay. Nagkagulo na naman po kasi kami ni Joana kanina. Pinapatawag po kayo sa guidance." tugon ni Leslie.

"A-ano? Ano ba kasing nangyari sa inyo? Ano bang pinag-awayan ninyo?" tanong ni Magda.

"Akala niya po kasi, inaagaw ko sa kaniya 'yung jowa niya. Nilalayuan ko na nga po siya para tumigil na siya eh. Pero, palagi pa rin po akong nilalapitan ng jowa niya." tugon ni Leslie.

"O sige, anak. Siguro nga, mas mabuti na rin 'yon para makapag-usap na rin kami." sambit ni Magda.

"Oh, Leslie? Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Roxanne nang makababa siya ng hagdan at nakitang nag-uusap sina Magda at Leslie.

"Naku, Karen, nakipag-away na naman 'tong kapatid mo. Inaway siya nung ka-schoolmate niya. Eh bukas daw, pinapatawag kami sa guidance counselor para makapag-usap." tugon ni Magda.

"Po? Naku, bakit naman?" tanong ni Roxanne.

"Eh naku, hayaan mo na. Okay na rin 'yun para matigil na 'yung pag-aaway na 'yan." tugon ni Magda.

"Nay, akyat po muna ako. Magbibihis lang po ako." sambit ni Leslie.

"Sige."

—————

Kinabukasan, maagang nagpunta sina Magda at Leslie sa paaralan. Iyon na ang araw na maghaharap-harap sila.

"Nay, sana po, maging okay na kami ni Joana. Sana po, matigil na 'tong away namin." sambit ni Leslie.

"Sana nga." tugon ni Magda.

"Bes, huwag kang mag-alala. Nandito lang kami, susuportahan ka namin." sambit ni Mindy.

"Salamat, bes." tugon ni Leslie.

"Nako, ano na naman bang kabalastugan 'tong pinag-gagagawa mo? Jusko, pati ba naman ako, pinatawag sa guidance office dahil lang d'yan sa kalokohan mo? Jusko, ano ka ba namang bata ka?" sambit ni Olivia na siyang ina ni Joana habang papasok sa guidance office.

"Oh, nandito na pala sina Leslie. Well, magkakaharap-harap na rin tayo. Finally!" sambit ni Joana.

Nagkatinginan sina Magda at Olivia.

"Ikaw? Ikaw ang nanay ni Leslie?" tanong ni Olivia.

"Olivia?"

To be continued...

The SwitchTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang