Chapter 112: Leslie at 18

3 0 0
                                    

"Sabi ko na eh! Ang galing ninyong tatlo! Congratulations!" sambit ni Fred.

"Halika na, kuya. Umalis na tayo rito bago pa tayo abutan ng iba pang mga pulis. Sigurado akong reresponde 'yung mga 'yon 'pag nalaman nila 'to. Kaya, halika na!" tugon ni Roxanne.

"Tara na!" sambit ni Fred at dali-daling lumabas ng sasakyan.

"Anak! Finally, you are free! Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa mga hayop na nagpalayas sa amin sa bahay!" salubong ni Vicky.

"Don't worry, sisiguraduhin kong mababawi natin ang bahay. Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa inyo. Don't worry, dahil gagawin natin ang lahat." tugon ni Fred.

—————

"Joel, salamat sa pagpapatuloy mo sa amin dito. Sigurado ka bang ayos lang na dito kami tumira?" tanong ni Fred.

"Oo naman tol, ayos na ayos lang. Ang totoo nga niyan, nalulungkot ako dahil parati lang akong nag-iisa rito sa bahay. Mabuti nga at dumating kayong tatlo para naman magkaroon ng kaunting ingay 'tong bahay ko." tugon ni Joel.

"Naku, Joel, salamat. Salamat ng marami dahil pinatuloy mo kami rito. Salamat din dahil tinulungan mo kaming maitakas ang anak ko sa kulungan." sambit ni Vicky.

"Wala pong anuman, tita Vicky. Lagi po akong handang tumulong sa inyo." tugon ni Joel.

—————

"Nay, nakita mo na ba 'to?" tanong ni Roxanne kay Vicky at ipinakita ang kaniyang cellphone.

"Ano? Leslie at 18? Magbibirthday si Leslie? Saan daw?" tugon ni Vicky.

"Nay, ayan ang venue pati na rin ang petsa. Alam mo, may naiisip akong paraan para makaganti sa kanila." sambit ni Roxanne.

"Hmmm, mukhang alam ko na 'yang naiisip mo. Ano, guguluhin mo 'yung party niya, 'no?" tugon ni Vicky.

"You're exactly right, nay. Tama ang hula mo. Gusto kong gumanti sa pamilya niya sa pagpapalayas na ginawa niya sa atin sa bahay. I want to take revenge on them. At sisiguraduhin kong 'di na sila makakabangon." nakangiting sambit ni Roxanne.

"I like that plan. Maganda 'yan, anak." tugon ni Vicky.

—————

Dumating na rin ang araw ng kaarawan ni Leslie. Naghahanda na siya para sa kaniyang debut. Masayang-masaya siya dahil kasama niya ang kaniyang pamilya.

"Oh, ibang pose naman, medyo ilagay mo 'yang kamay mo sa balikat." sambit ng photographer na kumukuha ng litrato kay Leslie.

Habang nililitratuhan naman si Leslie ay pinapanood siya nina Rico at Magda. Masaya sila para sa anak.

"Magda, isipin mo, noon, maliit pa lang si Leslie. Isa pa lamang siyang sanggol. Pero tignan mo ngayon, dalaga na siya." sambit ni Rico.

"Oo nga, Rico. Tama ka. Malaki na ang anak natin. At ang ganda-ganda niya." masayang tugon ni Magda.

"Nay, mukhang masaya po kayo, ah?" tanong ni Karen.

"Oo nga po, tita." dagdag pa ni Bella na kararating lang sa bahay nila Karen. Kasama rin nila si Ariana.

"Oh, Bella? Ariana? Nandito na pala kayo." sambit ni Magda.

"Hi po, tita! Leslie, happy birthday! Congratulations sa debut mo, ha! Naku, friend, ang taray mo naman, ang ganda-ganda mo ha, ang fresh pa!" tugon ni Ariana.

"Naku, Ariana, salamat. Mabuti naman at nakarating kayo." sambit ni Leslie.

"Oo nga, Leslie. Happy birthday." masayang tugon ni Bella.

"Salamat, insan." ani Leslie.

"Oh, ano pang hinihintay natin, nay? Tay? Malalate na tayo. Halika na, pumunta na tayo sa venue. Naghihintay na raw doon si hon, si tita Rita, at si Mindy. Pati na rin pala si tita Nerissa. Ininvite ko rin kasi siya kasama si tito Nelson at si April. Naghihintay na rin ang ibang mga bisita natin." sambit ni Karen.

"Oo nga, halika na!" tugon ni Magda.

Kaagad na silang lumabas ng bahay at pumasok sa loob ng sasakyan. Magkakasama sa sasakyan sina Karen, Magda, Rico, at siyempre, ang debutant na si Leslie. Naka-convoy naman sa kanila sina Bella at Ariana. Sina Edward, Rita, at Mindy naman ay naghihintay na sa venue.

Makalipas ang ilang minuto, narating na rin nila ang venue. Nakaabang sina Edward at Mindy sa entrance ng venue. Masaya nilang sinalubong si Leslie suot ang magandang gown.

"Kuya Edward, ayan na yata sila." sambit ni Mindy.

"Oo nga, halika, salubungin natin." tugon ni Edward.

Pinagbuksan naman ni Mindy si Leslie ng pinto.

"Happy birthday, bes! Ang ganda-ganda mo ngayon!" sambit ni Mindy.

"Salamat, bes. Maraming salamat. Ikaw din, ang ganda-ganda mo." nakangiting tugon ni Leslie.

"Hon, nandito na pala kayo. At, happy birthday nga pala, Leslie." sambit ni Edward.

"Salamat, kuya Edward." tugon ni Leslie.

"Ano pa bang hinihintay natin? Halika na! Pumasok na tayo sa loob! Sigurado akong naghihintay na ang mga bisita natin. Sigurado akong tayo nalang ang hinihintay." sambit ni Rico.

"Si Itay talaga, masyadong excited. Mas excited pa nga po yata kayo kaysa kay Leslie, eh." tugon ni Karen.

"Hindi naman. Masaya lang talaga ako para sa anak ko." sambit ni Rico.

"Salamat po, tay. Halika na po, naghihintay na po ang mga iba nating guests." tugon ni Leslie.

"Oo nga, tara na, tara na." ani Magda.

Sabay-sabay silang pumasok patungo sa venue. Kaagad rin naman silang pinagbuksan ng pintuan. Malaking pintuan. Naglakad si Leslie sa isang mahabang red carpet, habang pinagmamasdan siya ng mga bisita.

"Happy birthday, iha. Napakaganda mo ngayon." pagbati ni Rita.

"Salamat po, tita Rita. Kayo rin po, ang blooming ninyo ngayon." nakangiting tugon ni Leslie.

"Leslie! Happy happy birthday!" sambit ni Nerissa.

"Thank you po, tita Nerissa. Salamat po." tugon ni Leslie.

—————

"Ano, nay? Ano nang balita d'yan?" tanong ni Roxanne kay Vicky habang kausap ito sa kabilang linya.

"Well, anak, we're on the way. Sayang nga lang dahil hindi ka nakasama. Sayang dahil hindi mo na makikita kung papaano magdurusa ang mga kalaban mo. But don't worry, I can capture a video if you like. I can't wait na pasabugin ang hotel na 'to. I'm sure na ang kasiyahan na nararamdaman nina Karen ngayon, mapapalitan ng lungkot maya-maya lang." tugon ni Vicky.

"Well, nay, that's great. Hihintayin ko ang video na ipapadala mo. At hihintayin ko rin ang balitang, "Isang daang-tao, patay dahil sa isang hotel bombing!" Well, I'll wait for that news. I can't wait to see that hotel na ma-feature sa balita." sambit ni Roxanne.

"Don't worry, anak. Because it's time. Makakabawi na tayo sa mga umapi sa atin. Makakabawi na tayo sa mga nagpalayas sa atin sa bahay." tugon ni Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now