Chapter 149: Rescue Operation

3 0 0
                                    

Narrator's POV

Takot na takot sina Karen at Rita. Hindi nila alam ang gagawin nila.

"Mama, kumapit ka sa akin. 'Wag na 'wag kang bibitiw!" sambit ni Karen kay Rita.

Kaagad namang kumapit si Rita ng mahigpit kay Karen. Umaasa silang maililigtas sila ng mga bumbero.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang nabuhayan ng loob si Karen nang makarinig siya ng malakas na ugong! Iyon na ang mga bumbero!

"Mama, nandito na ang mga bumbero! Ililigtas nila tayo!" sambit ni Karen.

"Sana nga, sana nga." alam niyang kinakabahan na si Rita ngunit nagpapakatatag lang ito.

Kaagad na rumesponde ang mga bumbero. Kaagad nilang inapula ang apoy.

Pagkatapos ay pumasok ang mga bumbero sa loob ng bahay maging si Edward upang iligtas sina Karen at Rita. Kaagad din naman silang nailigtas.

"Hon, halika na. Lumabas na tayo! Hindi na safe dito sa loob!" sambit ni Edward.

Nang matagumpay silang mailabas, lumingon si Karen sa nasusunog na bahay.

"Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'to! Hindi pwedeng mangyari 'to!" umiiyak na sigaw ni Karen.

"Mama, okay lang po ba kayo?" tanong ni Edward.

"Oo, anak. Okay lang ako. Anak, 'yung bahay natin, nasusunog! Paano na?" tugon ni Rita.

"Mama, hindi ko alam. Gagawin natin ng paraan. Nasaan nga ba si Iris? Nandiyan ba siya sa loob?" tanong ni Edward.

"Anak, umalis siya. Nagpaalam siya sa akin kanina. Pero hindi pa siya bumabalik. Kailangan niyang malaman 'tong mga nangyayari!" tugon ni Rita.

"Mama, hindi kaya, si Iris ang dahilan ng sunog?" tanong ni Karen.

"Sa pagkakaalam ko, hindi naman siya nagluluto." tugon ni Rita.

"Eh kung ganun, sino naman kaya o ano naman kayang nangyari at bakit nasunog? Kailangan nating tanungin si Iris. Siya lang ang nakakaalam kung bakit nangyari 'to." sambit ni Edward.

"Tama ka, hon. Mukhang may alam nga si Iris tungkol dito. Hindi ko maintindihan pero mukhang tama nga yata sina tita Nerissa at Leslie. Mukhang may kakaiba nga kay Iris." tugon ni Karen.

"Eh teka, saan pala tayo titira ngayon? Sunog na ang bahay natin!" tanong ni Rita.

"Sandali po. Tatawagan ko si inay. Baka, makatulong po sila sa atin." tugon ni Karen.

Kaagad na kinuha ni Karen ang kaniyang telepono. Kaagad niyang tinawagan si Magda.

Makalipas ang ilang sandali, may sumagot na sa telepono.

"Hello, anak? Oh, napatawag ka?" tanong ni Magda mula sa kabilang linya.

"Nay, tulungan niyo po kami. Nasusunog ang mansyon! Nandito po kaming tatlo nina Edward at Mama sa labas ng bahay! Sinusubukan pong patigilin ng mga bumbero ang apoy!" tugon ni Karen.

"A-ano? Sige, pupuntahan namin kayo!" sambit ni Magda at ibinaba ang tawag.

Kaagad nag-ayos si Magda. Kaagad niyang sinabihan sina Rico at Leslie tungkol sa nangyayari.

"Rico! Leslie! Sabrina! Kailangan nating puntahan si Karen! Nasusunog daw ang mansyon!" sambit ni Magda.

"A-ano? Bakit daw? Anong nangyari?" tanong ni Rico.

"Hindi ko alam, Rico. Pero kailangan nating puntahan si Karen." tugon ni Magda.

"Nay, sasama po ako. Tutulungan po natin si ate Karen." sambit ni Leslie.

"Halika na po, nay! Tulungan natin si ate!" dagdag pa ni Sabrina.

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Kaagad nilang pinuntahan sina Karen sa mansyon.

—————

"Nay, I think I need to go back. Gusto kong makita kung ano na ba ang nangyayari sa mansyon. Gusto kong malaman kung lechon na ba sila o hindi pa." sambit ni Iris.

"Sige, basta balitaan mo ako kaagad. Gusto ko ring malaman. Kuhanan mo rin sana ng pictures para makita ko." tugon ni Vicky.

"Sure, nay! Aalis na 'ko. Bye!" sambit ni Iris.

—————

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin sina Magda sa mansyon. Nakita nilang nasa labas ng mansyon sina Karen, Edward, at Rita.

"Anak, Karen!" sigaw niya.

"Nay!" tugon ni Karen sabay yakap sa ina.

"Ate Karen!" sambit naman ni Sabrina.

"Sabrina! Mabuti at nakarating kayo. Hindi namin alam kung anong nangyari. Hindi ko alam pero bigla na lang nasunog ang mansyon." tugon ni Karen.

"Anak, eh papaano 'yung mga gamit sa loob? Naisalba niyo ba?" tanong ni Rico.

"Tay, hindi po. Hindi na po namin naisalba. Muntik na po kaming masunog kanina. Umakyat po 'yung apoy sa second floor." tugon ni Karen.

"At hindi po namin alam kung paano po 'to nangyari. Pinaghihinalaan po namin na si Iris ay may gawa nito." dagdag pa ni Edward.

"Ate, sabi ko sayo eh. Iba ang pakiramdam ko dun sa kasambahay niyo. Pakiramdam ko, hindi talaga siya gagawa ng maganda." sambit ni Leslie.

"Les, hindi pa tayo sigurado kung may kinalaman nga siya. Hindi ko pa alam. Hayaan mo, pagbalik niya, tatanungin ko siya agad." tugon ni Karen.

Maya-maya lamang ay isang tricycle ang tumigil sa harapan ng mansyon. Bumaba si Iris dito. Nagulat siya nang makitang nasusunog ang mansyon.

"Ma'am! A-anong nangyayari? Bakit nasusunog ang mansyon?" kaagad na tanong ni Iris.

"Iris, hindi rin namin alam. Nagulat na lang din kami na nasusunog na ang bahay." sambit ni Rita.

"Pwedeng doon muna tayo sa bahay namin tumuloy. Alam kong maliit, pero 'yun na lang ang tanging paraan." suhestyon ni Magda.

"Sige po, nay. Pasensiya na rin po kayo kung pati kayo, namumurublema. Pangako, hahanap po kami kaagad ng malilipatan." sambit ni Karen.

"Anak, pwede kayong tumira sa bahay kahit hanggang kailan ninyo gusto. Basta ang mahalaga, ligtas kayo." tugon ni Magda.

"Oo, ate. Tama si inay. Mas mabuti nang nandoon kayo sa bahay. Mas ligtas kayo doon." dagdag pa ni Leslie.

—————

"Nay, salamat po sa pagpapatuloy sa amin dito. Pasensiya na po kayo kung kailangan niyo pang mamurublema sa amin." sambit ni Karen nang makapasok sila sa loob ng bahay nina Magda.

"Anak, ano ka ba naman? Bakit mo ba sinasabi 'yan? Dati ka rin namang nakatira dito sa bahay namin, ah!" tugon ni Magda.

"Hay nako, ate. Okay lang 'yun. Ang mahalaga, ligtas kayo sa sunog. Pero, paano pala 'yung mga gamit ninyo? Wala man lang ba kayong naisalba?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, Leslie. Pero sana, mawala na 'yung apoy. Sana may mabalikan pa kami. Naiwan 'yung ibang mga importanteng gamit pati mga papeles eh." tugon ni Karen.

"Ma'am, ano po bang nangyari? Bakit po ba nasunog 'yung mansyon?" tanong naman ni Iris.

"Iris, hindi ba, ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Bakit nasunog ang mansyon? May alam ka ba tungkol sa nangyari?" tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now