Chapter 86: The Funeral

4 2 0
                                    

"Tita Amy, salamat din po sa lahat. Salamat sa pagiging pangalawang ina ni Karen. Sana po, matahimik na po kayo. Pagbabayarin po namin ang mga Villanueva sa lahat ng mga kasamaan nila."

Matapos nito, muli silang bumalik sa kanilang upuan. Tumayo naman sina Magda, Rico, at Leslie upang magpaalam.

"Amy, salamat sa lahat. Salamat dahil naging mabuti kang kapatid ng asawa ko. Naging mabuti ka sa amin. Salamat." sambit ni Rico.

"Ate, I'm sorry. I'm sorry kung nadamay ka pa sa gulo. Huwag kang mag-alala, lalaban kami. Ipaglalaban namin ang hustisya mo. At sisiguraduhin naming hindi ka mabibigo." pagpapaalam ni Magda.

"Tita Amy, salamat po sa lahat. Paalam." ani Leslie.

Pagkatapos nito ay tumayo naman ang mga kaibigan ni Amy at nagtungo sa harap ng kaniyang kabaong. Pagkatapos nilang magpaalam, si Bella ang huling nagpaalam sa kaniyang ina.

"N-nay!" umiiyak na sambit ni Bella.

"Nay, kaya ko ba? Kaya ko bang wala ka, nay? Pagkatapos ng libing mong 'to, hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Nay, gusto ko lang pong magpasalamat. Nang dahil sayo, lumaki akong mabuting tao. Itinuro mo sa akin ang lahat ng alam mo, lahat ng pangaral mo, hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba, o kung hindi na. Pero, Nay, huwag kang mag-alala. Dahil ipaghihiganti kita! Ipaparanas ko sa mga Villanueva ang sakit! Ipaparanas ko sa kanilang lahat ang impyerno sa buhay nila! Nay, sana, palagi mo akong dadalawin sa mga panaginip ko. Sana, parati mo akong bisitahin. Mahal na mahal kita, Inay. Mahal na mahal. Paalam." halos bumaha ng luha ang madamdaming pagpapaalam ni Bella sa kaniyang ina at hinalikan niya ito sa huling pagkakataon.

"Paalam, Nay!" umiiyak na sambit pa niya.

—————

"Kawawang Bella, namatay na siya ng ina. Wala na siyang magulang. Poor Bella, pupulutin na lang siya sa kangkungan." sambit ni Karen.

"Yes, you're right. Kawawa talaga si Bella. Well, parang nabobored ako rito sa bahay. I think I want to go to the funeral." tugon ni Vicky.

"Well, that's a nice idea, mommy. That's a very good idea. And also, I want to see that Bella crying and mourning. So, shall we go?" tanong ni Karen.

"Yes, anak. We will go no matter what happens. Gusto kong makita kung papaano sila magdurusa." tugon ni Vicky.

—————

"Insan, kakayanin ko pa ba? Kakayanin ko ba 'to? Para kasing, para kasing hindi ko kayang harapin si Inay. Hindi ko siya kayang makita na inililibing." sambit ni Bella.

"Insan, kakayanin mo 'to. Tutulungan ka namin. Lalaban tayo. Kami ang kasama mo sa laban na 'to." tugon ni Roxanne.

"Ako rin, friend. Kasama mo rin ako. Sama-sama tayong lalaban para sa hustisya." dagdag pa ni Ariana.

"Tama si Ariana, Bella. Tutulungan ka namin. Hindi natin hahayaan na maging masaya sila." ani Roxanne.

Nang makarating sila sa sementeryo, napuno ng luha ang libing ni Aling Amy. Napuno ng pagpapaalam at pagluha ang libing niya.

"Nay, ipinapangako ko po sa inyo, ipaghihiganti ko kayo! Ang lahat ng may kasalanan sa atin, pagbabayarin ko. Magbabayad sila. Magbabayad silang lahat! At sisiguraduhin kong mas masakit ang paghihiganting gagawin ko sa kanila. Pagbabayarin ko silang lahat. Pagbabayarin ko silang lahat!" naluluhang sambit ni Bella sa isip niya habang may galit na nararamdaman.

Biglang may isang dumating na sasakyan. Ito ang sasakyan ng mga Villanueva. Maya-maya pa'y bumaba sina Vicky at Roxanne mula dito.

"Anak, let's go. Kailangan nating makiramay sa kanila." sambit ni Vicky.

"Oh sure, nay. C'mon, let's go na." tugon ni Karen at sabay silang naglakad mag-ina patungo sa kabaong ni Amy at kung saan siya ililibing.

Habang umiiyak si Bella, nakita niyang paparating ang mag-ina.

"Ano na naman kayang ginagawa ng mga 'to rito?" tanong niya sa isip niya.

Patuloy na naglakad ang dalawa hanggang sa nakalapit na sila kina Bella.

"My deepest condolences, Bella. I'm so sorry for what happened to your mom." sarkastikong sambit ni Vicky.

"Oo nga, Bella. I'm sorry na rin sa nangyari kahapon. My condolences." dagdag pa ni Karen.

"And what are you two doing here? Ang lakas naman ng ihip ng hangin, 'no? Kahapon lang, galit na galit kayo sa 'kin, pero ngayon, nakikiramay kayo?" tugon ni Bella.

"Bella, we're really sorry about sa nangyari kahapon. We're so so sorry. Nandito kami para makiramay sa inyo." sambit ni Vicky.

"Nakikiramay kayo? Kayong dalawa? Sigurado kayo? Pwes, hindi ko kailangan ng pakikiramay ninyong dalawa. Kung gusto niyo, isaksak ninyo sa mga baga ninyo 'yang pakikiramay ninyo dahil hindi ko 'yan kailangan. Hindi ko kailangan ng simpatya at pakikiramay ninyo." tugon ni Bella.

"Ganyan ka ba talagang ka-bastos? Ha? How dare you talk to me like that? Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kung papaano rumespeto?" tanong ni Vicky.

"Opo. Tinuruan ho ako ng nanay ko kung papaano rumespeto ng mga mas nakakatanda o mas nakatataas sa sakin. Pero kayo, rerespetuhin ko? Parang hindi naman yata tama 'yon. Dahil papaano ko kayo rerespetuhin kung kayo mismo, hindi kayo kagalang-galang?" tugon ni Bella.

"How dare you!" sambit ni Vicky at sinampal niya si Bella.

"Ayan, dapat nga sayo 'yan, Bella! Bastos ka talaga!" dagdag pa ni Karen.

Hindi nakapagtimpi si Bella kaya naman ay nasampal niya si Vicky kahit na mas matanda pa ito sa kaniya. Nahulog tuloy siya sa malapit na hukay dahil hindi nito namalayan ang malapit na hukay dito.

"Hayop ka, Bella! Anong ginawa mo sa nanay ko?" inis na tanong ni Karen at sinampal niya rin ito si Bella.

"Aray, ang sakit no'n ha? Ikaw ba Roxanne, gusto mo rin ba?" tanong ni Bella at itinulak niya rin si Roxanne sa hukay.

"Hayop ka! Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa amin! Hayop ka talaga, Bella!" sigaw ni Vicky habang sinusubukang makaalis sa hukay.

"Ayan, dapat lang sa inyo 'yan! Kulang pa 'yan sa lahat ng mga ginawa ninyo sa amin at sa nanay ni Bella!" sambit ni Roxanne.

"You two deserve na mahulog sa hukay na 'yan. Magmula ngayon, wala nang pupulot sa inyo sa lupa. At sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa ilalim ng lupa at hinding-hindi na kayo makakaalis." tugon ni Bella at nagwalkout kasama ni Karen.

"Hoy, mga hayop kayo bumalik kayo rito! Tulungan niyo kaming makaalis dito! Hayop kayo, Bella at Karen! Magbabayad kayong lahat!" sigaw ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now