Chapter 108: Pagpapaalis

2 0 0
                                    

"Ano po ba ang plano niyo?" tanong naman ni Bella.

"This plan is so great. I'm sure na magugustuhan ninyo ito. Well, nakausap ko ang bangko. Humingi ako ng tulong sa mga matataas na taong kilala ko. And, according to them, matagal nang hindi nagbabayad ng buwis ang mga Villanueva. Katunayan, pinapa-auction na nila ang bahay. And guess what, i'm the highest bidder. Nabayaran ko na ang lahat ng mga papeles at mga gastusin. Pwedeng-pwede na natin silang palayasin sa bahay na 'yon. Bayad na ang lahat kaya wala na silang laban." paliwanag ni Nerissa.

"What a great plan, tita. I like it. Sige. Kelan mo ba silang gustong paalisin sa pamamahay nila?" tanong ni Karen.

"As soon as possible. Kung kelan kayo pwede, doon natin gagawin ang plano." tugon ni Nerissa.

"Maganda po 'yan, tita. Hindi na ako makapaghintay na makitang nagdurusa ang pumatay sa nanay ko. Hindi na ako makapaghintay na singilin sila." ani Bella.

—————

"Ano, anak? Ano bang plano mo para sa kuya mo? Paano ba natin siya itatakas sa kulungan?" tanong ni Vicky.

"Well, pwede naman nating pasabugin ang presinto. I'm sure, makakatakas naman 'yon si kuya." tugon ni Roxanne.

"Gaga ka ba? Papaano kung masabugan ang kuya mo? Hindi ka ba talaga nag-iisip, ha?" tanong ni Vicky.

"Nay, pwede ba ha. Just leave it to me. Hayaan niyo na lang na ako ang dumiskarte." tugon ni Roxanne.

Napalingon si Roxanne sa bintana nang biglang may kumatok sa gate.

"Ano ba 'yon? Sino ba 'yon? Jusko, kung maka-katok naman, wagas!" sambit ni Vicky.

"Ako na ang magbubukas, nay. Dito nalang kayo." tugon ni Roxanne.

Kaagad tumayo si Roxanne sa kaniyang kinauupuan at binuksan niya ang gate. Patuloy pa rin sa pag-doorbell ang taong nasa labas.

"Jusko, kung maka-doorbell naman! Sandali lang!" sambit ni Roxanne.

Nang mabuksan ni Roxanne ang gate, nagulat siya nang makita sina Karen at Bella. Kasama rin nila ang mga tauhang ipinadala ni Nerissa.

"Oh, Karen! What brings you here? At sino 'yang mga 'yan?" tanong ni Roxanne.

"Well, it's none of your business. Gusto ko lang sabihin sa inyo na this house is no longer yours." tugon ni Karen at dire-diretso siya ng pasok.

"Hoy, pwede ba ha, 'wag ka ngang basta pasok! Tsaka, ano bang pinagsasabi mo? Sira ulo ka na ba?" tanong ni Roxanne.

"Unfortunately, hindi ako sira ulo. Well, I'm just saying the truth. Hindi na sa inyo ang bahay na ito kaya lumayas na kayo rito ng nanay mo!" tugon ni Karen habang patuloy sa pagpasok hanggang sa makarating siya sa loob ng bahay.

"What? Ano 'to? Bakit basta pasok kayo rito, ha? That's trespassing!" sambit ni Vicky nang makita sina Karen at Bella.

"Talaga, Vicky? Trespassing? Alam mo, kayong dalawa ng demonyita mong anak ang trespassing dito. For your information, hindi niyo na 'to bahay. Kaya kung ako sa inyo, lumayas na kayo sa pamamahay na 'to! At 'yang lahat ng mga gamit ninyo, wala kayong dadalhin ni isa! Wala kayong kukunin! Kaya kung ako sa inyo, lumayas na kayo!" tugon ni Bella.

"And how dare you na palayasin kami? You don't have the rights!" sambit ni Vicky.

"We don't have the rights? Sige! Boys, itapon sila papalabas ng bahay na 'to!" utos ni Bella.

"Wait, what? Ano 'to?" tanong ni Roxanne.

"Well, there is still a way para hindi ko kayo palayasin ng pamamahay na 'to. Bibigyan ko kayo ng isang chance. Baka naman kasi sabihin ninyo na ang sama-sama ko." tugon ni Bella.

The SwitchWhere stories live. Discover now