Chapter 87: Hukay

4 2 0
                                    

"Alam mo, insan, dapat lang sa kanila na mahulog sa hukay na 'yon. Dapat lang 'yon sa mga kasamaang ginawa nila." sambit ni Roxanne habang naglalakad sila ni Bella kasama si Ariana.

"Tama ka, insan. Dapat lang talaga 'yon sa kanila. Pagbabayarin ko sila sa lahat ng kasamaang ginawa nila." tugon ni Bella.

"Correction, natin. Pagbabayarin natin silang lahat sa ginawa nila." saad ni Ariana.

"Well, Ariana is right. Maghihiganti tayo sa kanila sa paraang gusto natin. Pahihirapan natin silang lahat. Pero, hindi natin sila papatayin. Pahihirapan natin sila hanggang sa sila na mismo ang humingi ng kamatayan nila." sambit ni Roxanne.

"Sounds like a good plan, insan. Magtutulungan tayo. Habang ikaw ay gumaganti ng harap-harapan, ako naman, gaganti ako ng pailalim at hindi nila alam na ako na pala ang anay na sumisira sa mga buhay nila." tugon ni Bella.

"Ako naman, pwede naman akong maging back-up ni Karen. Tutulong ako sa pagresbak ninyo. Hindi ako papayag na hindi natin makuha ang hustisya sa mga taong idinamay nila." sambit ni Ariana.

"Ariana, sigurado ka ba na gusto mong sumali sa misyon namin? Baka mapahamak ka. Hindi biro ang gagawin namin." tanong ni Roxanne.

"Oo. Desidido na akong sumali sa paghihiganti niyo. Naaalala mo ba noong mga magkakaklase pa tayo? Ginipit din nila ang buhay namin. Ginawan din nila kami ng masama. At higit sa lahat, sila ang pumatay kay tatay. Kaya hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. At ngayong may pagkakataon na para maipaghiganti ko si tatay, I will take this opportunity now." tugon ni Ariana.

"Sige, Ariana. Papayag ako na sumama ka sa misyon namin." sambit ni Roxanne.

"Mga friend, uuwi muna ako sa amin. Aayusin ko 'yung mga gamit ko para sa paglipat ko ng bahay. Andyan na nga 'yung dyip na susundo sa akin, e. Pagkatapos ng ilang linggo, saka ako lilipat sa binili kong bahay na malapit sa bahay nila Karen para mas magawa natin ang paghihiganti natin." tugon ni Bella.

"Sige, insan. Mag-iingat ka. Hihintayin ka namin." sambit ni Roxanne.

"Bella, mag-iingat ka ha." dagdag pa ni Ariana.

"Oo, mag-iingat ako. At sa pagbabalik ko, doon natin sisimulan kung papaano tayo makapaghihiganti at doon tayo iisip ng paraan kung papaano makakabalik si Karen sa katawan niya." tugon ni Bella.

"Hindi na kami makapaghihintay." sambit ni Roxanne.

"Sige, aalis na 'ko." tugon ni Bella at kumaway siya papaalis. Kumaway din naman pabalik sina Karen at Ariana.

—————

"Hoy, tulungan niyo kami! Anyone please help us!" sigaw ni Karen habang humihingi tulong dahil hindi sila makaalis ng hukay.

"Anak, mukhang wala yatang tao. Tawagan mo 'yung mga tauhan mo. Tawagan mo si Tonio. Do anything para makaalis na tayo rito!" tugon ni Vicky.

Kinapa-kapa ni Roxanne ang kaniyang bulsa. Nainis siya nang hindi niya maramdaman ang kaniyang telepono.

"Peste, nasaan 'yung cellphone ko?" tanong ni Karen.

"Aba, ewan ko sayo!" tugon ni Vicky.

"Peste, naiwan ko pa sa sasakyan! Arghhh!" inis na sigaw niya.

"E anong gagawin natin?" tanong ni Vicky.

"Edi wala tayong choice kundi sumigaw!" tugon ni Karen.

"Help us, please! Tulungan niyo kami rito!" sigaw ni Vicky.

"Tulong! Tulong!"

—————

"Peste! Peste talaga! Alam mo, mabuti na lang talaga at may tumulong sa atin na makaalis sa hukay na 'yon! Bwiset talagang mag-pinsan 'yon!" inis na sigaw ni Vicky.

The SwitchWhere stories live. Discover now