Chapter 130: Rest in Peace

3 0 0
                                    

"Oh ano? Kamusta na sa loob ng kabaong? Masaya ba? Hahahaha! Ang sarap mamatay, 'no?" tanong ni Nerissa.

"Hayop ka, Nerissa! Pakawalan mo kami rito! Hindi na kami makahinga!" sigaw ni Vicky habang nakahiga sa loob ng kabaong.

"Well, dapat lang 'yan sa inyo. Pasalamat kayo at buhay pa rin kayo. Hindi katulad sa ginawa ninyo sa anak ko, pinatay niyo siya! Mga hayop kayo! Mga walang kaluluwa!" tugon ni Nerissa.

"Hayop ka, Nerissa! Ikaw ang ibuburol namin dito! Makaalis lang talaga kami rito at ikaw ang ipapalit namin! Humanda kayo nina Karen!" sigaw ni Roxanne.

"Kung makakaalis pa kayo! Well, sigurado kaming hindi na kayo makakaalis! D'yan na kayo mamamatay na dalawa! Well, tamang-tama dahil naka-ready na ang mga kabaong ninyo! Hindi niyo na kailangang mamurublema!" tugon ni Nerissa.

"Hahahahaha! Tara na nga, tita! Iwan na natin sila!" sambit ni Karen.

"Let's go!" tugon ni Nerissa at sabay silang umalis nina Karen.

Naiwan pa rin ang mag-inang Vicky at Roxanne na nasa loob ng kabaong. Kanina pa naghihintay si Joel sa labas ng gusaling 'yon.

"Nasaan na kaya sila? Ano na kayang nangyari? Baka napaaway nanaman sila?" tanong ni Joel sa kaniyang sarili.

Kaagad naisip na puntahan ni Joel sina Vicky at Roxanne. Kaagad niya silang hinanap sa mga kwarto.

—————

"Nay! Tulungan mo 'ko! Hindi ako makahinga rito!" sigaw ni Roxanne.

"Papaano kita tutulungan, eh nandito rin ako sa loob!" tugon ni Vicky.

"Gumawa tayo ng ingay, nay! Para may makarinig sa atin!" sambit ni Roxanne.

"Tama ka!" tugon ni Vicky.

"Tulong! Tulungan niyo kami!"

"Kung may tao d'yan, paki-tulungan niyo kami! Pakawalan niyo kami rito!"

Narinig ni Joel ang ingay na 'yon. Kaagad niyang pinuntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon.

"Tulong! T-tulungan n-niyo k-kami!"

Kaagad na pinuntahan ni Joel ang lugar na 'yon. Nagulat siya nang makita sina Vicky at Roxanne na nasa loob ng kabaong.

"Tita Vicky! Roxanne!" sigaw ni Joel.

Sinubukan niyang tulungan sina Vicky at Roxanne na makaalis sa kabaong na 'yon.

—————

"Hahahaha! I couldn't imagine their face nung ibinurol natin sila ng buhay. Sayang, hindi tayo nakapag-selfie kasama sila." sambit ni Nerissa.

"Don't worry, tita. May next time pa naman. I love this revenge. Pero 'wag silang mag-alala, dahil nagsisimula pa lang tayo." tugon ni Karen.

"Tama ka, Karen. Nagsisimula pa lang tayo. Hindi tayo titigil hangga't hindi tayo nakakaganti sa kanila. Ipinapangako ko sayo, Karen, magdurusa sila. Magdurusa silang lahat." sambit ni Nerissa.

"Eh tita, kamusta na kaya sila? Tingin mo, nakaalis sila sa kabaong na 'yon?" tanong ni Karen.

"Well, siguro naman may tumulong sa kanila. Dapat pa silang mabuhay dahil hindi na nila mararamdaman ang pagdurusa kung mamamatay na sila kaagad. They must live until the end. Gusto kong maranasan nila ang paghihirapa na ibibigay natin sa kanila." tugon ni Nerissa.

—————

"Oh, anak, bakit ngayon lang kayo nakauwi ng kapatid mo? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Rico.

"Tay, 'wag po kayong mag-alala. Naningil lang po kami ng may utang sa amin. Sinigil po namin sila ni Leslie." tugon ni Karen.

"A-ano? Anong naningil? Sinong siningil niyo?" tanong ni Rico.

"Sina Vicky at Roxanne po, tay. Siningil na po namin sila sa mga kasalanang nagawa nila." tugon ni Karen.

"A-ano? Anong ginawa ninyo sa kanila?" tanong ni Rico.

"Tay, ibinurol po namin sila ng buhay. Nilagay po namin sila sa kabaong. Pero 'wag po kayong mag-alala, tay. Wala naman po kaming ginawang iba sa kanila." tugon ni Leslie.

"A-ano? Totoo ba 'to, Karen? Bakit niyo naman ginawa 'yun? Hindi niyo ba naisip na mas pwede kayong mapahamak dahil sa ginawa niyo?" tanong ni Rico.

"Tay, 'wag po kayong mag-alala. Kulang pa po 'yun kumpara sa lahat ng ginawa nila sa pamilya natin. Nang dahil sa kanila, nawawala po si inay. At hanggang ngayon, hindi pa rin po siya nahahanap. Kaya tay, dapat lang po sa kanila 'yun." tugon ni Karen.

—————

"Woooh! Grabe! Mabuti na lang at nakaalis na tayo sa kabaong na 'yon! Jusko, akala ko, katapusan ko na! Bwisit talaga 'yang Nerissa at Karen na 'yan! Humanda sila!" sambit ni Roxanne nang makauwi sila ng bahay.

"Mga hayop sila! Humanda sila dahil pagbabayarin ko sila! Pagbabayarin natin sila sa lahat ng mga ginawa nila sa atin! We will make sure that they will pay! Magbabayad silang lahat!" tugon ni Vicky.

"'Wag kayong mag-alala, nay. Hindi pa tayo tapos sa kanila. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nila sa atin. Hindi tayo papayag na ganun ganun na lang 'yon." sambit ni Roxanne.

"Eh, anong balak niyong gawin sa kanila?" tanong naman ni Joel.

"Well, marami kaming pwedeng gawin sa kanila. At kami na ang bahala sa mga hayop na 'yon. Iisa-isahin namin sila at sisiguraduhin kong mauubos silang lahat. Mamamatay silang lahat. Uubusin natin silang lahat!" tugon ni Roxanne.

—————

"Grabe talaga, bes. Grabe 'yung ginawa natin kahapon!" sambit ni Ariana.

"Oo, Ariana. Mas lalo na 'yung nilagay niyo sila sa kabaong. Hahahaha!" tugon ni Karen.

"Tama ka, bes. Alam mo, dapat lang sa kanila 'yon. They deserve it all." sambit ni Ariana.

"Ariana, Karen, maraming salamat sa inyo ah. Salamat sa inyo kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakaganti sa pumatay sa kapatid ko. Salamat at nalaman ko kung sinong pumatay sa kanila kundi dahil sa inyo." tugon ni Mariel.

"Walang anuman, Mariel. Salamat din kasi tinulungan mo kaming maghiganti sa kanila. Dapat lang sa kanila 'yon. Tama lang na magbayad sila sa mga kasalanang ginawa nila." sambit ni Karen.

"Buti nga sa kanila. Hahahaha!" tugon ni Ariana.

—————

"Oh, anak, saan ka pupunta?" tanong ni Vicky.

"Nay, nakalimutan mo na ba?" tugon ni Roxanne.

"A-ano?" tanong ni Vicky.

"Nay, maniningil ako ng may utang. Maghihiganti ako." tugon ni Roxanne.

"Teka, sasama ako! Sasama ako sayo!" sambit ni Vicky.

"Hindi na, nay. Kaya ko na 'to mag-isa. Just leave it to me. Ako na ang bahala." tugon ni Roxanne.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Vicky.

"Of course, nay. Gagawin ko na ang dapat na matagal ko nang ginawa." tugon ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now