Chapter 3: Karibal ni Magda

35 3 0
                                    

"Ah, 'yan? W-wala 'yan." tugon ni Rico at kinuha ang litrato na hawak ni Magda.

"Rico, magsabi ka sa akin ng totoo. Sino ang babaeng 'yan?" muling tanong ni Magda.

"H-hindi ko nga alam kung sino 'yan eh. Nagulat na lang din ako nang makita ko 'yan sa kwarto ko. Itinago ko na lang sa ilalim ng kama ko kasi baka makita mo pa at mag-isip ka pa ng kung ano. Wala lang 'yan." tugon ni Rico.

"Eh kung wala lang pala, eh bakit hindi mo sa akin pinakita?" tanong ni Magda.

"Kasi ayoko na mag-away tayo. Gusto ko lang naman na maging maayos ang pamilya natin." tugon ni Rico.

----------

"Ano ba 'yan? Bakit ba late nanaman ang tatay mong umuwi?" tanong ni Magda.

"Hindi ko rin po alam, Nay. Hindi niyo po ba tinatanong si Tatay?" tugon ni Leslie.

"Hindi, anak. Isang linggo na siyang palaging late umuwi. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya?" tanong ni Magda.

"Siguro Nay, araw-araw nasisira ang sasakyan niya?" tugon ni Leslie.

"I need to figure out kung anong meron. Parang may mali eh. Hindi ko alam ha, pero mukhang konektado 'to doon sa picture na nakita mo sa kwarto niya." sambit ni Magda.

"Nay, sa tingin niyo po ba, nagsisinungaling si Tatay? Pakiramdam ko rin po kasi na parang may something eh." tanong ni Leslie.

"'Yun nga, anak. Kailangan kong malaman kung ano man 'yon. Kailangan kong malaman kung ano. Bukas, mag-oovertime ulit ang papa mo. At susundan ko siya bukas ng palihim." tugon ni Magda.

"Sasama po ako sa inyo, Nay. Sasamahan ko po kayo." sambit ni Leslie.

"Huwag na, anak. Dito ka na lang. Paano kung bumisita dito ang ate mo ng biglaan? Kailangan may tao dito. At tsaka, mag-iingat naman ako. Kailangan ko lang talaga malaman ang totoo." tugon ni Magda.

"S-sige po, pero kung bumisita si ate, anong sasabihin ko kapag wala po kayo?" tanong ni Leslie.

"Sabihin mo na namalengke lang ako. Pero siguro naman magtetext siya kung bibisita siya 'di ba?" tugon ni Magda.

Kinabukasan, muling nag-overtime si Rico. Maaga itong gumising upang muling pumasok sa trabaho. Ngunit ang nakakapagtaka, hindi na ito kumain ng almusal at parang nagmamadali ito.

"Rico, hindi ka ba kakain?" tanong ni Magda.

"Hindi na, Magda. Nagmamadali rin kasi ako eh. Nag-leave 'yung isang gwardya ngayon kaya ako ang papalit." tugon ni Rico.

"O siya sige, mag-iingat ka." sambit ni Magda at tsaka umalis si Rico.

Pagkaalis ng sasakyan ni Rico ay palihim na sinundan ito ni Magda. Hindi niya alam kung anong meron.

Kaagad siyang nagpara ng tricycle at sumakay. Pinasundan niya ang sasakyan ni Rico.

Nagtataka naman si Magda dahil parang sa ibang daan pumunta si Rico. At sa pagkakaalam niya, hindi ito ang daan papunta sa kaniyang trabaho.

"Naku, Rico. Malalaman ko ang totoo. Kailangan ko lang malaman ang totoo." bulong ni Magda sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating si Magda sa isang bahay na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita niyang bumaba sa sasakyan si Rico. Nagtatago lang si Magda sa likod ng mga sasakyan at mga halaman at sinundan ito.

Nakita niyang nag-doorbell si Rico sa bahay na iyon at nagulat si Magda sa nakita niya.

Nakita niya na may isang babaeng may edad ang nagbukas ng gate. At sa pagkakaalam niya, ito ang babaeng nasa litrato.

"Siya 'yung nasa litrato ah?" tanong ni Magda sa sarili.

Pinapasok ng babae si Rico sa loob ng bahay. Nag-abang si Magda sa labas ng gate.

"Sinungaling ka, Rico. Anong overtime overtime? Ngayon, malalaman ko na ang totoo." sambit ni Magda sa sarili.

Sa sobrang inis ni Magda ay pinindot niya ang doorbell. Kaagad naman siyang pinagbuksan ng babae kanina.

"Nasaan si Rico?" bungad na tanong ni Magda.

"B-bakit? Kaano-ano mo si Rico?" tanong ng babae.

"Ang tanong ko, nasaan si Rico?" sa lakas ng boses ni Magda ay narinig ito ni Rico at lumabas.

"Vicky, sino 'yang kausap---" napatigil si Rico nang makita niya ang mukha ni Magda.

"Magda? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Rico.

"Rico, sino ang babaeng 'yan? Hindi ba, siya ang babaeng nasa litrato?" tanong ni Magda.

"Magda, l-let me explain..." tugon ni Rico.

"Kung sino ka man, please umalis ka na dito. Nang-iistorbo ka eh." sambit ni Vicky.

"Ah, so ako pa ang nang-iistorbo? Bakit, Rico? Kaano-ano mo ang babaeng 'yan? Kabit mo ba siya?" tanong ni Magda.

Hindi nakasagot si Rico.

"Inuulit ko ang tanong ko, Rico. Sino ang babaeng 'yan?" muling tanong ni Magda.

Hindi pa rin makasagot si Rico. Hindi niya maamin ang totoo.

"Sumagot ka, Rico!" sigaw ni Magda.

"Okay, fine! Ako na ang sasagot para kay Rico. Oo! Kabit niya ako!" tugon ni Vicky.

Nag-init ang dugo ni Magda at bigla niyang nasampal si Vicky.

"Hayop ka! Bakit mo 'ko sinampal?" tanong ni Vicky.

"Ah, nagtatanong ka pa? Hindi mo ba talaga alam ang dahilan?" tugon ni Vicky.

"Magda, Vicky, magsitigil na kayo. Magda, pasensya ka na." sambit ni Rico.

"Anong pasensya? Rico, sinabi mo sa akin na gusto mong maging maayos ang pamilya natin! Pero anong ginawa mo?" tanong ni Magda.

"Alam mo kung bakit, Magda? Kasi, losyang ka na. Hindi katulad ko, maputi, maganda, at kaakit-akit. Baka naman kasi boring ka kasama hindi ba?" tugon ni Vicky.

"Aba, napakawalanghiya mo ah!" sambit ni Magda at sinabunutan si Vicky.

"Magda! Vicky! Tama na 'yan!" pang-aawat ni Rico.

"Rico, sagutin mo ako. Sagutin mo ang tanong ko sayo. Gaanong katagal na kayo nitong Vicky na 'to?" tanong ni Magda.

Hindi makasagot si Rico.

"Rico! Sagutin mo ako!" sigaw pa ni Magda.

"Five months!" tugon ni Rico.

"Hayop ka, mga hayop kayo! Paano ninyo nagawa sa akin 'to?" tanong ni Magda.

"Sorry, Magda. Sorry. Patawarin mo ako." sambit ni Rico.

"Sige, magsama kayong dalawa! Mga imoral!" sigaw ni Magda at saka nagwalkout.

"Nagalit si Magda. Ano nang gagawin natin?" tanong ni Rico.

"Hayaan mo na siya, Rico. Nandito naman ako para sayo." tugon ni Vicky.

Umiiyak si Magda habang papauwi ng bahay. Nadatnan siya ni Leslie na umiiyak.

"Nay, bakit po kayo umiiyak?" tanong ni Leslie.

"A-anak, n-nalaman ko na ang sikreto ng tatay mo. Alam ko na ang lahat!" tugon ni Magda.

"Ano po bang nangyari, nay?" tanong ni Leslie.

"Anak, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo, ha." tugon ni Magda.

"Ano po ba kasi 'yun, nay?" muling tanong ni Leslie.

"Anak, m-may kabit ang papa mo. At ang kabit niya, ay 'yung babaeng nasa litratong nakita mo noong isang araw." tugon ni Magda.

Natahimik si Leslie. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaniyang ina.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now