Chapter 16: Nagkapalit

19 2 0
                                    

"Edward, sigurado ka ba talaga na safe 'yan?" tanong ni Mystie.

"Oo, Mystie. Safe 'yan. Walang masamang mangyayari kina Karen at Roxanne." tugon ni Edward.

Muli nilang pinagmasdan sina Karen at Roxanne. Nagulantang si Mystie nang makita niyang lumulutang ang kaluluwa nina Karen at Roxanne. Unti-unti silang nagkakapalit ng katawan habang walang malay ang dalawa.

"Edward, nakikita mo ba 'yung nakikita ko?" tanong ni Mystie.

"Oo, Mystie. Ganun daw talaga kapag sumasailalim sa pagpapalitan ng katawan. Pero huwag kang mag-alala. Isang araw lang naman sila magpapalit." tugon ni Edward.

Maya-maya pa ay tuluyan nang nagkapalit ang mga kaluluwa nina Karen at Roxanne. Muling naglakad si Edward patungo sa switching machine at pinatay ito.

"Karen, Roxanne, idilat niyo na ang mga mata ninyo." sambit ni Edward.

Narinig nina Karen at Roxanne ang sinabi ni Edward kaya naman ay dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata.

Nagulantang si Karen nang makitang nakaupo na siya sa kabilang upuan! Nakita rin niya ang kaniyang katawan na nakaupo sa kabilang upuan. Nasa katawan na siya ni Roxanne!

Napalingon naman si Roxanne kay Karen nang makitang nasa kabilang upuan naman ang katawan niya!

"Karen?" tanong ni Karen.

"Roxanne? A-andito na ako sa katawan mo?" tanong ni Roxanne.

"It's a success, Karen and Roxanne!" sambit ni Edward.

"T-teka! Sino sa inyo 'yung kaibigan kong si Roxanne?" tanong naman ni Mystie.

Napalingon si Roxanne na nasa katawan ni Karen kay Mystie.

"Ako. Ako si Roxanne. Ako ang kaibigan mo, Mystie." sambit ni Karen.

"Friend, sigurado ka bang ikaw na 'yan?" tanong ni Mystie.

"Oo, Mystie. Ako talaga 'to, hindi ako nagbibiro." tugon ni Karen.

"Hon? Andito na ako sa katawan ni Roxanne!" sambit ni Roxanne.

"Hon, nagkatotoo nga ang body switching! It's a success!" tugon ni Edward.

"Uhm, yes. It's a success. Pero pwede ba akong magbanyo? Medyo naiihi na kasi ako eh." sambit ni Karen.

"Oh, sure. Punta ka sa kaliwa then daretso ka lang." tugon ni Edward.

"Salamat, Edward." sambit ni Karen.

----------

"Friend, sigurado ka bang ikaw talaga 'yan? O baka naman, niloloko niyo lang ako ha." sambit ni Mystie.

"Gaga ka, hindi kita niloloko, Mystie. Ako talaga 'to." tugon ni Karen.

"Weh? Sige nga, anong favorite color ko?" tanong ni Mystie.

"Purple." tugon ni Karen.

"Aba, alam mo nga! Eh eto, anong pangalan ng jowa ko?" tanong ni Mystie.

"Gaga ka! Wala kang jowa, hindi mo ba alam?" tugon ni Karen.

"Ay sorry, oo nga pala. Ikaw naman nagfefeeling lang eh." sambit ni Mystie.

"Pwede ba ha, Mystie, 'wag mo na nga akong echosin. Basta ako talaga 'to si Roxanne." tugon ni Karen.

"Well, okay fine. Naniniwala na ako. So ano na next mong plano?" tanong ni Mystie.

"Well, I'm sure na magugulat sina Karen at Edward kapag nalaman nila ang susunod kong plano." tugon ni Karen.

"Ano bang plano mo?" tanong ni Mystie.

"Well, ipapasira ko lang naman 'yung switching machine nina Edward para hindi kami makapag-switch ni Karen ng katawan." paliwanag ni Karen.

"Ano? Bakit mo naman gagawin 'yun? Tanga ka ba? Eh paano kung hindi ka na makabalik ulit sa katawan mo?" tanong ni Mystie.

"Wala akong pake kung hindi na ako makabalik ulit sa katawan ko. I don't care basta gusto kong mapasaakin si Edward." tugon ni Karen.

"Eh pano? Eh alam ni Edward na nandyan ka sa katawan ng asawa niya?" tanong ni Mystie.

Napatingin si Karen kay Mystie.

"Hala, Mystie, ikaw ba 'yan? I'm shookt! Ginagamit mo rin pala 'yung utak mo?" tanong ni Karen.

"Syempre naman. Ano bang akala mo sa akin, tanga?" tanong ni Mystie.

"Hindi, boba lang." tugon ni Karen.

"Grabe ka naman. Alam mo buti nalang hindi ako sensitive ano. Masyado mo naman akong inuunderestimate." sambit ni Mystie.

"Well, okay fine. Sige. Timplahan mo nalang ako ng kape." tugon ni Karen.

"Iinitin ko ba?" tanong ni Mystie.

"Alam mo, ako na lang. Ako na lang gagawa ng kape ko kasi baka mamaya ilagay mo sa microwave 'yung baso eh. Buti pa 'yung microwave ginagamit mo tas 'yung utak mo hindi." tugon ni Karen.

"Grabe ka talaga, friend. Ginagamit ko rin naman pero paminsan-minsan lang." sambit ni Mystie.

----------

"Oh, Roxanne, napabisita ka ulit?" tanong ni Rita habang pababa siya ng hagdan.

Nagkatinginan sina Karen at Edward.

"Uhm, Ma, actually, she's not Roxanne." sambit ni Edward.

"Anong she's not Roxanne? Eh hindi ba Roxanne ang pangalan niya?" tanong ni Rita.

"Yes, Ma. Roxanne po ang pangalan niya. But she's Karen." tugon ni Edward.

"Ano? Anong but she's Karen? Ano ba 'yan, Edward. Ang gulo-gulo mo naman kausap. Igawa mo na nga lang ako ng meryenda." sambit ni Rita.

"Mama, Roxanne is Karen. Nag-switch po sila ng katawan." tugon ni Edward.

"Ano? Anong nag-switch na pinagsasasabi mo?" tanong ni Rita.

"Mama, tignan mo 'yung garahe. Nandoon mo makikita." tugon ni Edward.

Nagtaka si Rita sa sinabi ni Edward kaya naman ay kaagad itong bumaba at tinignan kung anong meron sa garahe.

Nagulat si Rita sa kaniyang nakita!

"What's this?" tanong ni Rita.

"It's a switching machine, Mama. That's what we used para maipag-switch ng katawan sina Karen at Roxanne." tugon ni Edward.

"Switching machine? Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ni Rita.

"Kasi po, Mama, I remember noong naging kami, she always told me na gusto niyang ma-try na nasa ibang katawan." paliwanag ni Edward.

"Ano? Bakit mo naman sinunod si Karen?" tanong ni Rita.

"Mama, hayaan niyo na po. Andito na po 'yung switching machine na 'yan. Basta sisiguraduhin ko nalang po na maibabalik ko sila sa kani-kanilang katawan." tugon ni Edward.

"Siguraduhin mo ha. At ikaw naman, Karen, siguraduhin mo na hindi ka gagawa ng problema. Naiintindihan mo?" tanong ni Rita.

"Opo, tita." tugon ni Roxanne.

----------

"Friend, tingin mo, anong magiging reaksyon ng kuya mo kapag nalaman niyang nasa ibang katawan ka na?" tanong ni Mystie.

"Hindi ko alam, Mystie. Hindi ko alam. Basta. Ako na ang bahala." tugon ni Karen.

"Well, kamusta naman ang pagstay mo dyan sa katawan ni Karen?" tanong ni Mystie.

"Well, okay naman. Medyo naninibago pa ako ng konti. Pero don't worry, Mystie. Gagawa ako ng paraan para manatili ako dito habang-buhay." tugon ni Karen.

"Ano? Anong pang habang-buhay?" tanong ni Mystie.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now