Chapter 37: Nasaan si Karen?

8 3 0
                                    

Nagising si Rita dahil nauuhaw siya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba upang kumuha ng tubig. Matapos niyang makainom ng tubig, kinatok niya si Karen sa kaniyang kwarto, ngunit wala ito.

Bumaba si Rita upang pumunta sa kwarto ni Janice.

"Janice, nakita mo ba si Karen?" tanong ni Rita.

"Ma'am? H-hindi ko po alam. Nakatulog po kasi ako." tugon ni Janice.

"Ha? Eh, nasaan siya?" tanong ni Rita.

"Hindi ko po alam, ma'am." tugon ni Janice.

"Ah, oo nga pala. Inutusan ko siyang mamalengke." ani Rita.

"Naku, ma'am, sana ako na lang po ang inutusan ninyo." sambit ni Janice.

"No, Janice. It's okay." tugon ni Rita.

—————

"Hayop ka! Napakasama mo! Sana pala, hindi na lang ako nagtiwala sayo noong una pa lang!" sigaw ni Roxanne.

"Well, I'm sorry. Wala ka nang magagawa. Nandito ka na." tugon ni Karen.

"Hay nako, friend. Kung ako sayo, wasakin mo na ang pes niya. Nangigigil na ako sayo e." sambit ni Mystie.

"Mystie, pwede ba? Manahimik ka nga! Nakakarindi na 'yang boses mo e!" tugon ni Karen.

"Okay, fine. Shut up na nga lang ako." ani Mystie.

"Pakawalan mo 'ko, Roxanne! Pakawalan mo 'ko dito!" sigaw ni Roxanne.

"Hindi ko gagawin 'yon. Mamamatay ka na whether you accept it or not." tugon ni Karen.

"Hay nako, friend. Tanga talaga e. Alam mo, kung ako sayo, bubusalan ko na lang ang bibig ng babaeng 'yan para hindi na siya maka-speak para hashtag, a quiet place na kasi hashtag, naririndi na ako sa boses niya." sambit ni Mystie.

"Hashtag, tumigil ka na! Mystie, nangigigil na ako sayo! Baka gusto mo na pes mo 'yang wasakin ko! Tumigil ka na d'yan. Sit!" tugon ni Karen.

"Anong sit? Ano ako, aso? Jusko dai." ani Mystie.

"Well, Karen, kailangan mo nang mamatay. Kasi, hindi ko makukuha lahat ng gusto ko habang nandito ka pa. Kailangan mo nang mag-goodbye, ha?" sambit ni Karen.

"No. Never! Hindi ako pwedeng mamatay. Alam kong aahasin mo lang si Edward. Hindi ako papayag!" tugon ni Roxanne.

"Hindi ka nga payag, pero may magagawa ka ba? Look oh, kawawa ka naman. Nakatali ka d'yan at wala kang magawa. I'm sorry, Karen." ani Karen.

—————

"Naku, Bella, nag-aalala na ako kay Karen. Ano na kayang nangyari sa kaniya?" tanong ni Magda.

"Hindi ko po alam, tita. Sana naman po, walang masamang nangyari sa kaniya." tugon ni Bella.

"Tawagan ko kaya siya ulit? Baka ngayon, sumagot na siya." ani Magda.

"Sige po." sambit ni Bella.

Muling kinuha ni Magda ang kaniyang telepono at muling tinawagan si Karen.

Karen's POV

Gabi na. Nakatali pa rin ako. Hindi ko maalis ang tali dahil sobrang higpit ng pagkakatali nina Roxanne at Mystie. Ako lang ang mag-isa rito sa sala. Nasa taas silang lahat.

Pero para masiguro nila na hindi ako makatakas, nilagyan nila ng padlock ang pinto. Itinago nila ang susi para hindi ako makalabas.

Nasa katabi kong lamesa ang telepono ko. Gusto ko sanang tawagan si Nanay at Tatay dahil baka nag-aalala na sila. Ngunit, wala akong magawa upang kalagan ang aking sarili.

Ring! Ring! Ring!

Nagulat ako nang biglang tumunog ang telepono ko. May tumatawag sa akin ngunit hindi ko makita kung sino. Ang taas kasi ng lamesa at sa lapag ako nakaupo. Nakasandal lamang ako sa sofa.

Napalingon ako sa hagdan nang biglang may bumaba. Si Aling Vicky. Bumaba si Aling Vicky.

"Hi, Karen? Kamusta naman ang buhay mo rito? Ano, gustong-gusto mo nang umuwi, 'no?" tanong ng ina ni Roxanne.

"Aling Vicky, tulungan niyo ho ako. Gusto ko na pong umuwi sa pamilya ko. Please po, pakawalan niyo na po ako. Pangako po, hindi ko po sasabihin kay Edward ang sikreto ng anak ninyo." sambit ko.

"What do you think of me? Tanga? Ibahin mo ako. Hindi ako katulad ni Mystie. Nag-iisip ako. At itong tumatawag sayo, hindi mo sasagutin." tugon niya at hinulong ang aking telepono at tinapakan.

"'Wag po! 'Wag!" sigaw ko.

"Alam mo kung bakit ako galit sayo? Dahil sa mama mo. Si Rico lang naman ang gusto ko, pero hindi pa niya sa akin maibigay?" sambit niya.

"W-wala pong kasalanan ang nanay ko. Wala po siyang kasalanan sa inyo." tugon ko.

"Alam ko. Pero gusto ko lang maranasan kung paano magmahal ang tatay mo. Matagal-tagal na ring hindi tumibok ang puso ko simula nang mamatay ang tatay nila Roxanne." sambit niya.

"Bakit po? Bakit pa po ang tatay ko? Marami naman pong iba d'yan 'di ba?" tanong ko.

"I'm sorry, Karen. Hindi ko alam na sa kaniya titibok ang puso ko. Hindi ko kayang pigilan. Sorry." tugon niya.

"Please, Aling Vicky. Pakawalan niyo na po ako rito. Basta makauwi lang po ako sa bahay namin. Parang awa niyo na po. Maawa po kayo sa akin." sambit ko.

"Pasensiya ka na, iha. Hindi ko mapapagbigyan ang kahilingan mo. I'm sorry. I'm sorry." tugon niya at muli siyang bumalik sa taas.

Naiwan na lamang ako sa sala na umiiyak. May mga tanong ako sa sarili ko. Bakit si tatay pa? Bakit hindi na lang ibang tao? Kung sa ibang tao na lang tumibok ang puso niya, edi sana, hindi nag-away noon sina Nanay at Tatay.

Pero hindi ko muna inisip 'yon. Umisip ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito.

Maya-maya lamang ay naramdaman kong parang lumuluwag ang tali sa kamay ko. Pinilit kong kalagan ang aking sarili.

Makalipas ang halos dalawang minuto, matagumpay kong naialis ang tali sa kamay ko. Sunod ay inalis ko naman ang tali sa paa ko.

Kinuha ko ang aking telepono. Medyo basag na ang screen nito dahil sa pag-apak ni Aling Vicky. Hayop siya.

Binuksan ko ang aking telepono at tinawagan ko si Nanay.

"Hello, Nay! Tulungan niyo po ako. Nandito po ako sa bahay ng mga Villanueva. Kinidnap po nila ako." sambit ko.

"Anak! Jusko salamat at ligtas ka! Salamat! Alalang-alala kami sayo!" tugon niya.

Alalang-alala ang tono ng boses ni Nanay.

"Anak, 'wag kang mag-alala. Ililigtas ka namin. Hintayin mo kami d'yan." sambit ni Nanay.

"Sige po, Nay. Bilisan niyo po. Natatakot po ako." tugon ko.

"Sige, anak. Papunta na kami d'yan." sambit niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now