Chapter 104: Kulong

1 0 0
                                    

Kaagad naman nilang sinundan ang tatlo papunta sa presinto. Naiinis si Joana dahil dinala rin sa presinto ang nanay niya.

"Please, let my mom go! Let her go!" sambit ni Joana habang sinusundan ang mga pulis papasok ng presinto.

"Anak, huwag ka nang mag-alala. Gagawin natin ang lahat para makaalis ako rito." sambit ni Olivia.

"Mommy, please, sabihin mo sa kanila na you're innocent. Please!" tugon ni Joana.

"Tama na po, miss. Kailangan muna natin siyang imbestigahan para malaman natin kung may kinalaman nga siya sa kaso. I-dedetain na rin po natin sina Ms. Victoria Villanueva at Ms. Roxanne Villanueva." sambit ng pulis.

"What? Ikukulong niyo kami? No! This can't be! Hindi pwede!" sigaw ni Roxanne.

"Wala ka nang magagawa, Roxanne. Isa kang kriminal. Kriminal kayong dalawa ng nanay mo. Dapat lang sa inyo na makulong dito at hindi na makaalis pa." sambit ni Karen.

"Humanda ka, Karen. Kapag kami nakatakas dito, papatayin ka namin! Papatayin namin ang buong pamilya mo! At sisiguraduhin kong hinding-hindi na kayo maghihiwalay, sa kamatayan! Sisiguraduhin kong magsasama-sama kayong lahat sa impyerno! I swear Karen, I swear!" galit na tugon ni Roxanne.

"'Di mo na magagawa 'yon!" sigaw ni Karen.

"Tama na ang kasamaan mo, Roxanne! Hindi na ako papayag na guluhin mo pa kami ng pamilya ko! Mabubulok na kayo ng nanay mo!" sambit ni Edward.

"Tama ang anak ko! Mabulok kayo d'yan!" dagdag pa ni Rita.

"I'm gonna call my lawyer! And I swear, makakatakas kami! Makakaalis din kami rito!" sambit ni Vicky.

"Sige na, dalhin niyo na po sila sa kulungan. Huwag niyo silang hahayaang makaalis!" utos ni Edward sa mga pulis.

Kaagad naman na dinala ng mga pulis ang tatlo sa kulungan. Sigaw ng sigaw si Joana dahil nadamay ang mommy niya.

"No! Not my mom! Ang kapal ng mukha mo, Leslie! Bakit pati ang mommy ko, ipinakulong mo? Iniligtas kita, 'di ba? Tinulungan kitang makaalis tapos idadamay mo si mommy?! You took advantage of me!" inis na sambit ni Joana.

"Joana, huwag kang mag-alala. Gagawin natin ang lahat para makaalis dito ang mommy mo. Tutulungan ka namin." tugon ni Leslie.

"Tutulungan? Ha? Papaano mo gagawin 'yun? Kayo mismo ang nagpakulong sa kaniya! Ang kakapal ng mga mukha ninyo! Sana hinayaan ko na lang na patayin ka nina tita Vicky at Roxanne! Hayop ka!" galit na sigaw ni Joana.

"Joana, Joana, kumalma ka. Kumalma ka, iha. Huwag kang mag-alala, pansamantala lang ang nanay mo rito. Papalabasin namin siya rito pero sa isang kondisyon..." tugon ni Magda.

"Anong kondisyon?" tanong ni Joana.

"Tumestigo kayo laban sa mga Villanueva." tugon ni Magda.

—————

"Nerissa, umiinom ka nanaman? Pwede ba, tigilan mo na 'yan!" sambit ni Nelson.

"Pwede ba, 'wag mo nga akong pigilan, Nelson! Hayaan mo ako! Gagawin ko kung anong gusto ko!" tugon ni Nerissa.

"Nerissa, pwede ba? Tigilan mo na ang pag-inom! Hindi 'yan nakakabuti sayo!" sambit ni Nelson at kinuha ang baso ni Nerissa.

"Hayaan mo ako! Pwede ba, Nelson? Hanggang ngayon, nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ng anak natin! Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang ginawa nilang pagpatay sa anak natin!" tugon ni Nerissa habang pilit na inaabot ang baso.

"Nerissa, ganun din ako! Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ako! Pareho lang tayo! Pero ako, nagpapakatatag ako! Pinipilit kong maging malakas para makaganti tayo sa mga pumatay kay Mystie!" sambit ni Nelson.

"Iba ka eh. Iba ako. Nelson, hindi mawala-wala sa isip ko na wala na ang anak natin! Sige nga, ituro mo nga sa akin kung pano ka nagpapakatatag. Ituro mo nga sa akin kung paano mo kinakayang gumising araw-araw na alam mong wala na 'yung anak natin? Na alam mo na kahit kailan hindi mo na siya makakasama? Ituro mo nga sa akin! Kasi, hindi ko alam eh! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mabuhay knowing na wala na 'yung kaisa-isa nating anak! Ituro mo nga kung papano!" pasigaw na tugon ni Nerissa.

"Nerissa, pwede ba, 'wag mo akong sigawan! Pare-parehas lang tayong nawalan! Pare-parehas lang tayong nagluluksa! Kaya pwede ba, magdamayan na lang tayo, magtulungan? Hindi 'yung nagkakagulo pa tayo! Tutulungan naman kita sa paghihiganti mo, eh!" sigaw ni Nelson.

Napaluha na lamang si Nerissa. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Nelson, hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko pa. Hindi ko alam! Hindi ako mapapayapa hangga't sa hindi ko napapatay ang pumatay sa anak natin! Hindi ako magiging masaya hangga't hindi ko nakikitang nagdurusa si Karen at ang pamilya niya!" tugon ni Nerissa.

"Kaya nga, tutulungan ka, 'di ba? Gagawin natin ang lahat para makaganti sa kanila! Gagawin natin ang lahat para pagbayarin sila sa mga kasalanan nila! Maninigil tayo. Maniningil tayo ng mahal! Tandaan mo 'yan!" ani Nelson at nagwalkout.

Nakita ni April na nagtatalo ang dalawa. Nang umalis si Nelson, unti-unti niyang nilapitan ang umiiyak na si Nerissa.

"Tita, pasensiya na po kayo. Narinig ko po 'yung pag-uusap niyo ni tito Nelson. Nag-aalala po ako sa inyo. Tita, pare-parehas lang po tayong nawalan. Ganyan din po ang pakiramdam ko nung mamatay sina mommy at daddy. Pero, kinaya ko po. Pinilit ko pong maging malakas at matatag. Kaya tita, sana po, pilitin niyo pong maging malakas para kay Mystie. Gawin niyo po ang lahat para sa kaniya." pagpapayo ni April.

"Alam mo April, tama ka. Tama ka. Kailangan kong maging malakas para kay Mystie. I need to fight for her. Hindi ako pwedeng maging mahina sa ngayon. Kailangan kong ipaghiganti ang anak ko." tugon ni Nerissa.

"Ano pong balak niyong gawin, tita?" tanong ni April.

"Ipapapatay ko ang taong pumatay sa anak ko. At hinding-hindi ako titigil hangga't hindi siya nagdurusa." mariin na tugon ni Nerissa.

—————

Mataas ang sikat ng araw. Maganda ang panahon. Naisip nina Karen, Edward, Rita, at Janice na dumalaw sa bahay nina Magda. Kasama na rin siyempre sina Bella at Ariana.

"Anak, napadalaw kayo rito? Anong meron?" tanong ni Magda.

"Wala po, nay. Gusto ko lang pong mag-celebrate dahil nakakulong na ang mga kriminal. Sa wakas, nay, nasa kulungan na silang tatlo. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari 'to." tugon ni Karen.

"Oo nga, insan. Ako rin! Alam mo, masayang-masaya talaga ako nang marinig ko ang balita. 'Yung ngiti ko abot tenga." biro ni Bella.

"Hay oo naman, syempre. Jusko, eh matagal na natin 'tong pangarap na makulong 'yung trio demonyo na 'yun." sambit ni Ariana.

"Oo naman. Matagal na nating pangarap na makita sila sa likod ng rehas. Sa kabila ng lahat ng ginawa nila sa inyo at sa atin, karapat-dapat lang sa kanila 'yun. Dapat lang na sila ang magbayad ng mga kasalanan nila." tugon ni Rita.

"Tama po kayo, mama. We all waited for this moment. Na makulong sila, na maparusahan sila." nakangiting sambit ni Karen.

"Tama kayo d'yan. At dahil d'yan, magcecelebrate tayo!" tugon ni Rita.

"Tara na! Pasok na tayo sa loob!" sambit naman ni Rico.

"Oo nga, gutom na rin kami! Let's eat!" masayang tugon ni Bella.

Bago pa man sila makapasok sa loob ng bahay ay isang sasakyan ang tumigil sa harapan ng kanilang bahay. Bumaba si Nerissa kasama si April at tinutukan sila ng baril.

"Hayop ka, Karen! You're a criminal! Hindi kayo dapat magsaya! Ang dapat sayo, nasa kulungan!" sambit ni Nerissa habang itinututok ang baril kay Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now