Chapter 9: Biyenan Problems

20 2 0
                                    

"Po? Bakit naman po, madam?" tanong ni Janice.

"I don't know. Basta noong una ko siyang makita, pakiramdam ko ay ayoko sa kaniya." tugon ni Rita.

"Madam, mabait naman po si Karen eh. Kapag po mas nakilala niyo pa siya, makikita niyo po na talagang mabait siya." sambit ni Janice.

"Well, I don't think so. Basta I don't like her para sa anak ko." tugon ni Rita.

"Sige po, nirerespeto ko naman po ang opinyon ninyo, madam. It's up to you po." sambit ni Janice.

----------

"Naku, Karen, Edward, mukhang nasarapan yata kayo dyan sa bulalo ah." sambit ni Amy.

"Opo, tita. Ang sarap po talaga. Paborito ko po kasi ang bulalo eh." tugon ni Karen.

"Naku, iha. Kumain pa kayo ng marami. Kahit ilang bulalo pa ang gusto ninyo. Sige lang." sambit ni Amy.

"Salamat po, tita. Nga po pala, bakit po kaya ang tagal ni Bella? Hindi po ba, bibili lang siya ng gamot?" tanong ni Karen.

"Hindi ko nga rin alam eh." tugon ni Amy.

----------

"Kuya, pabili ng po ng gamot. Eto pong nasa dulo." sambit ni Bella.

"Ilan po ma'am?" tanong ng tindero.

"Tatlo po, kuya." tugon ni Bella.

"Eto na po ma'am." sambit ng tindero.

"Sige kuya, eto na 'yung bayad ko. Salamat." tugon ni Bella.

Pagkatapos bumili ni Bella ng gamot ay kaagad siyang lumabas sa botika. Ngunit habang siya ay naglalakad, may nakabanggan siyang babae. Ngunit hindi niya alam na ito pala si Roxanne, ang kaibigan ni Karen.

"Ano ka ba naman? Ang tanga-tanga mo naman! Bakit ka ba hindi tumitingin sa dinadaanan mo?" tanong ni Roxanne.

"Pasensya ka na, miss. Sorry ha." tugon ni Bella.

"Anong sorry sorry? Hindi mo ba nakita? Natapon 'yung iniinom kong juice! Dinumihan mo pa 'yung damit ko!" sambit ni Roxanne.

"Pasensya ka na, miss. Heto ang tissue. Punasan nalang natin." tugon ni Bella.

"Ano? Tissue? Sa tingin mo ba matutuyo nyang tissue na 'yan etong damit ko? Ang liit-liit niyan! Hmph! Makaalis na nga!" inis na sambit ni Roxanne.

"Pasensya na ulit, miss!" sambit ni Bella.

"Tse!" tugon ni Roxanne.

Napabuntong-hininga na lamang si Bella at muling bumalik sa ospital.

"Oh, anak, bakit ang tagal mo? Ano bang nangyari sayo, 'nak?" tanong ni Amy.

"Nay, may nakabanggan po akong babae kanina eh. Natapon po 'yung iniinom niyang juice. Ang taray nga po nung babae eh." tugon ni Bella.

"Naku, hayaan mo na siya. Siguro naman may pamalit siya." sambit ni Amy.

"Eh kaso nga po, Nay, tinulungan ko po siya magpunas ng damit niya, kaso nagalit siya." tugon ni Bella.

"Haayan mo na siya, anak." sambit ni Amy.

----------

"Alam mo, hon, ang saya talaga dumalaw kina Bella 'no?" sambit ni Karen.

"Oo nga, hon. Sana maulit ulit." tugon ni Edward.

"At saan nanaman ba kayo galing ha?" tanong ni Rita.

"Ma, galing lang po kami kina Bella sa ospital." tugon ni Edward.

"At sino namang Bella 'yan, ha?" tanong ni Rita.

"Tita, pinsan ko po si Bella. Na-dengue po kasi 'yung Nanay niya kaya po namin sila dinalaw." tugon ni Karen.

"Ah, pinsan? Dinalaw? Eh bakit, pumayag ba ako na dalawin ninyo 'yang pinsan mo, Karen?" tanong ni Rita.

"Mama, please, huwag mo kaming sigawan." tugon ni Edward.

"Anong huwag sigawan, ha? Ikaw Edward, sinusuway mo na ako! Hindi ako pumayag na dalawin nyo 'yang Bella na 'yan at 'yang nanay niya sa ospital pero ano? Dinalaw niyo pa rin! Ikaw siguro Karen ang dahilan kung bakit ako sinusuway ng anak ko! Siguro, pinilit mo siya na dalawin ang pinsan mo kaya nagawa niya akong suwayin!" galit na sambit ni Rita.

"Tita, hindi ko po pinilit si Edward. Siya po ang nag-decide na dalawin sina Bella." tugon ni Karen.

"At sumasagot ka pa, ha?" sambit ni Rita at biglang sinampal si Karen.

"Aray!" sambit ni Karen at napahawak ito sa pisngi.

"Mama, stop! Tama na! Huwag niyo na pong saktan si Karen!" sambit ni Edward.

"Aba, at sumasagot ka na rin sa akin? 'Yan ba ang itinuro sayo nitong magaling mong asawa?" tanong ni Rita.

"Mama, wala pong kasalanan si Karen. Please, Ma! Ayoko nang nag-aaway tayo dito, okay?" tugon ni Edward.

"Alam mo, Karen, unang beses pa lang kita nakita, ayoko na sayo! Hindi ko alam kung anong meron sayo na babae ka, pero I don't like you para sa anak ko!" sambit ni Rita at biglang nagwalkout.

Walang nagawa si Karen kundi ang umiyak na lamang.

"Karen, tahan na. Don't worry, kakausapin ko si Mama. Please stop crying, okay?" sambit ni Edward.

"Sige, Edward. Tatahan na ako. Pero sana, kausapin mo 'yang nanay mo." tugon ni Karen.

"Okay, hon. I'll talk to her." sambit ni Edward.

Pagkatapos patahanin ni Edward si Karen ay kaagad na sinundan ni Edward si Rita sa kaniyang kwarto.

"Mom, you shouldn't say that to Karen. Ma, mabait siyang tao. And besides, asawa ko siya." sambit ni Edward.

"At ano namang pakialam ko sa Karen na 'yan? Anong pakialam ko kung asawa mo siya? I don't like her para sayo." tugon ni Rita.

"But Ma, I love her. Siya na po ang pinakasalan ko." sambit ni Edward.

"You know what, ang dami-daming babae sa mundo. I don't know kung bakit mo pinili ang Karen na 'yan." tugon ni Rita.

"Mama, siya po ang pinili ko kasi siya ang mahal ko. Mama please, she's the love of my life." sambit ni Edward.

"I don't care! I don't care if she's the love of your life. Basta, I don't like her as your wife." tugon ni Rita.

----------

"Ano? Sinampal ka ng biyenan mo?" tanong ni Magda.

"Opo, Nay. Nagulat nga po ako eh. Hindi ko po alam kung bakit galit na galit siya sa akin." tugon ni Karen.

"Halika, ate. Reresbakan natin 'yang biyenan mo. Masyadong epal eh." sambit ni Leslie.

"Leslie, hayaan mo na. Hayaan mo na si tita Rita. Baka kapag mas nakilala ako non, maging mabait na rin 'yun sa akin." tugon ni Karen.

"Hindi, anak. Tama ang kapatid mo. Tama si Leslie na dapat nating resbakan ang biyenan mo. Hindi ka niya dapat sinampal." sambit ni Magda.

"Nay, hayaan niyo na po. Hayaan niyo na. Huwag niyo na pong patulan." tugon ni Karen.

"Hindi, Karen. Ako ang nanay mo kaya ako ang masusunod. Reresbakan natin ang biyenan mo." sambit ni Magda.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now