Chapter 19: Machine Break

14 2 0
                                    

Ibinigay ni Roxanne ang susi kay Tonio.

"Tonio, heto ang susi. Siguraduhin mo na dahan-dahan ka lang sa pagbubukas ng roll-up. Baka marinig nila tayo, mahirap na." sambit ni Karen.

"Sige po, ma'am. Noted po." tugon ni Tonio.

"Teka lang!"

Bubuksan na sana ni Tonio ang garahe nang bigla siyang pigilan ni Roxanne.

"Ma'am, bakit po?" tanong ni Tonio.

"Tonio, I think you have to use this mask. Mahirap na, baka mamaya may CCTV pala dyan sa loob. Baka mabuko tayo." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am." sambit ni Tonio at kinuha ang iniabot ni Roxanne na maskara.

Makalipas ang ilang sandali, matagumpay na nabuksan ni Tonio ang garahe.

"Ano po, ma'am ang gagawin ko?" tanong ni Tonio.

"Nakikita mo 'yan?" tanong ni Karen sabay turo sa switching machine.

"That's the switching machine. Break it. Pero you must do that in a quiet way." dagdag pa nito.

"Sige po, ma'am. May naisip na po akong paraan." tugon ni Tonio at nagpunta siya sa sasakyan at may kinuha siya.

"Anong kukunin mo?" tanong ni Karen.

Hindi tumugon si Tonio bagkus ay ipinakita lamang niya ang kaniyang hawak. Isa itong bote ng plastik ng tubig na puno ng laman.

"Nice. I like it." sambit ni Karen.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Tonio at ibinuhos niya ang tubig sa makina ng switching machine. Nakita niyang medyo nag-spark ang mga wire nito.

Pagkatapos, nakakita siya ng isang martilyo. Kinuha niya ito at hindi siya nag-alinlangan na ihampas ito sa motor ng switching machine. Tuluyan nang nasira ang machine.

"Okay na po, ma'am. Mission accomplished." sambit ni Tonio.

"Good. Sige. Since, you've already finished your mission, you have to close the garage in the most quiet way." tugon ni Karen.

"Friend, teka. Pwede ba tagalog na lang? Nano-nosebleed na ako dito eh." sambit ni Mystie.

"Okay, fine. Kailangan mong isara 'yang garahe sa pinakamatahimik na paraan." sambit ni Karen.

"Sige po, ma'am." tugon ni Tonio.

----------

Kinaumagahan, maagang nagising si Karen at Edward. Ito na ang araw na makakabalik na sila sa sarili nilang mga katawan.

"Hon, ready ka na bang bumalik sa katawan mo?" tanong ni Edward.

"Yes, hon. I'm ready." tugon ni Roxanne.

"Sige, hon. I'm just going to check the machine." sambit ni Edward.

Bumaba si Edward sa kanilang kwarto at nagtungo sa garahe.

Pagbukas niya ng pinto ay hindi niya makita ang nasa loob nito dahil madilim. Kinapa niya ang switch ng ilaw at matagumpay niya itong nabuksan.

Nagulantang siya nang makitang basa ang makina at medyo may sira ang wire!

"Hon! Hon!" sigaw ni Edward.

"Hon, what happened?" tanong ni Roxanne.

"Hon, the switching machine is broken. It's broken." tugon ni Edward.

"Ano?" gulat na sambit ni Roxanne.

----------

"Naku, Leslie. Ngayon na ang araw na babalik ang ate mo sa katawan niya. Kailangan nating puntahan ang ate mo." sambit ni Magda.

The SwitchWhere stories live. Discover now