Chapter 95: Sabotage

2 0 0
                                    

"Tita, wala naman pong ginagawa si Leslie kay Joana. Si Joana po ang nauna. Sinabi niya po na hindi mananalo si Leslie dahil siya raw po ang mananalo sa kanilang dalawa." paliwanag ni Nikko.

"Talaga! Sigurado rin ako na mananalo ang anak ko, 'no? Kesa naman d'yan sa babaeng 'yan, baka nga, mali-mali pa ang sayaw n'yan mamaya e." tugon ni Olivia.

"Tita, 'wag po tayong manghusga. Hindi pa po tapos ang laban." sambit ni Nikko.

"Talaga! Talagang hindi pa tapos ang laban! Dahil sigurado akong hindi mananalo si Leslie kay Joana!" tugon ni Olivia.

Narinig naman nila Magda ang kaguluhan sa backstage kaya naman ay nagpunta sila rito.

"Teka, anong nangyayari rito? Anong gulo 'to?" tanong ni Magda.

"Aling Magda, 'yang anak ninyo, feeling niya na mananalo siya sa akin! Well, I'm pretty sure na hindi siya mananalo because I'm the only champion in this contest." tugon ni Joana.

"Alam mo, Olivia, sabihin mo sa anak mo, tigil-tigilan niya ang pag-iilusiyon niya. Huwag kayong masyadong kampante dahil hindi pa tapos ang labanan." sambit ni Magda.

"Well, Magda, wala akong pake. Okay? Basta, we're confident na ang anak ko ang mananalo." tugon ni Olivia.

"Sige lang, Olivia. Tignan na lang natin kung sinong mananalo mamaya." ani Magda.

—————

Makalipas ang ilang saglit, muling naghanda ang mga contestants para sa kanilang talent portion. Sinigurado ni Leslie na saulo niya ang mga hakbang ng sayaw at sinigurado niyang hindi siya magkakamali.

"Leslie, saulo mo na ba 'yung mga steps mo?" tanong ni Karen.

"Oo, ate. Saulo ko na. Naka one hundred na practice na ako do'n. Sure akong 'di ako magkakamali." tugon ni Leslie.

"Good. Mabuti 'yan. Galingan mo ha. Huwag kang magpapatalo d'yan sa isa." sambit ni Karen.

"Oo naman, ate. Ako pa. Kakayanin ko 'to para sa inyo." nakangiting tugon ni Leslie.

Samantala, sa kabilang dulo naman ng backstage, nag-uusap naman doon ang mag-inang Joana at Olivia.

"Mommy, paanong gagawin natin? Mukhang pinaghandaan talaga ni Leslie 'yung mga steps ng sayaw niya. What am I going to do? Medyo nakakalimutan ko 'yung iba kong steps!" bulong ni Joana sa kaniyang ina.

"A-ano? Seryoso ka ba, Joana? Nako ka talagang bata ka, ano ka ba naman? Ayokong mapahiya kina Magda! Jusko ka, kailangan mong galingan!" tugon ni Olivia.

"Mommy, what am I going to do? I don't want to be defeated by her! Hindi ako papayag na matalo lang ng pesteng Leslie na 'yan!" sambit ni Joana.

"Well, mabuti na lang at girl scout ang mommy mo. Well, I brought this CD. This is a broken CD at hindi 'to gagana for sure. Ayan 'yung ipalit mo sa CD niya." tugon ni Olivia.

"My gosh! Thank you! Thank you! Sa wakas, makakaganti na rin ako sa bwisit na Leslie na 'yan. Finally, I can't wait to make her pahiya on the stage." sambit ni Joana.

"Pero 'wag kang makampante. Well, I'm sure na makakagawa sila ng paraan." tugon ni Olivia.

"What the hell, mommy? Are you freaking serious right now? Mommy, I need your help!" sambit ni Joana.

"Sige na, pagpalitin mo na 'yung CD niya sa broken CD mo. Sana magwork." tugon ni Olivia.

"Pero mommy, andun pa sila! Baka mahuli nila 'ko!" sambit ni Joana.

"Nay, pwede po bang magbanyo muna ako?" narinig ni Joana ang sinabi ni Leslie.

"O siya sige. Karen, samahan mo na si Leslie." tugon ni Magda.

The SwitchWhere stories live. Discover now