Chapter 100: Kampihan

2 0 0
                                    

"Ano? Seryoso ka ba? Anong balak niyong gawin kay Leslie?" tanong ni Olivia.

"Well, it's just simple. Papatayin lang natin si Leslie. And gusto ko, tulungan niyo kami." tugon ni Fred.

"Ano? Kuya naman! Oo, halang ang kaluluwa ko pero hindi ko kayang tsumugi! Never!" sambit ni Joana.

"Never? Eh ano 'yung nangyari nung isang araw? Hindi ba, pinagtangkaan mong patayin si Leslie gamit 'yung granada? Hindi kayang tsumugi pero kayang magpasabog? Batang 'to!" tugon ni Olivia.

"Mommy, can you just please shut up? Mommy, 'di ba, it's a fake grenade? Kaya hindi totoo 'yun!" sambit ni Joana.

"Edi wow. Ikaw na." tugon ni Olivia.

"So what, payag na ba kayo sa plano ko?" tanong ni Fred.

"Kuya, hindi ko nga kayang patayin si Leslie. Hindi mo ba magets 'yun?" tugon ni Joana.

"Pumayag na kayo. Hindi niyo naman papatayin si Leslie eh. Kikidnapin niyo lang. At pagkatapos, dadalhin niyo siya sa amin." sambit ni Fred.

"Kidnap? Ano ka ba, gagawin mo ba kaming kriminal? Ha? Hoy Fred, ayaw naming makulong! Ikaw nalang dito, 'wag mo na kami idamay!" tugon ni Olivia.

"Olivia, pwede ba, sundin niyo na lang ang inuutos ko. Kung hindi niyo 'to gagawin, kayang-kaya ko kayong patumbahin. Kaya kung ako sa inyo, tulungan niyo na ako." sambit ni Fred.

"Sige na nga. Pag-iisipan ko. Bahala na." tugon ni Olivia.

—————

"So what, mommy? Tatanggapin mo ba 'yung offer ni kuya Fred? Talaga bang gusto mong gawin 'yung sinasabi niya?" tanong ni Joana kay Olivia.

"Anak, kailangan nating gawin 'yung sinasabi niya. Marami silang pwedeng gawin sa atin kapag hindi natin ginawa 'yon. At tsaka, ayaw mo 'yon? Makakaganti ka na kay Leslie?" tugon ni Olivia.

"Mommy, ayokong makulong. Ayokong mapahamak. Oo, halang ang kaluluwa ko pero hindi ko kayang tsumugi!" sambit ni Joana.

"Wow, anak! Totoo ba 'yan? Well, kung ayaw mo, ako na lang." tugon ni Olivia.

"Sige na. Tutulungan na kita. Napaisip din ako sa sinabi mo. Gusto ko rin namang makaganti sa pesteng Leslie na 'yon. Gusto kong makaganti sa ginawa niya sa akin sa mall, pati sa beauty pageant." sambit ni Joana.

"Then, good! Well, finally, makakaganti ka na rin sa kaniya." tugon ni Olivia.

—————

Kinabukasan, maagang nagising si Leslie upang pumasok sa paaralan. Maaga niyang inayos ang kaniyang mga kagamitan.

"Oh, anak, ang aga mong nagising. Hindi pa ako tapos magluto." sambit ni Magda nang makitang lumabas si Leslie ng kaniyang kwarto.

"Okay lang po, Nay. Aayusin ko po muna 'yung mga gamit ko." tugon ni Leslie.

"O siya sige, anak." ani Magda.

Makalipas ang isang oras, napagdesisyunan ni Leslie na magpaalam na sa kaniyang mga magulang dahil siya ay mahuhuli na sa pagpasok.

"Nay, tay, aalis na po ako." sambit ni Leslie.

"O sige anak, mag-iingat ka." tugon ni Magda.

"Uwi ka ng maaga ha." dagdag pa ni Rico.

"Opo, sige po." tugon ni Leslie.

Nang makarating sa paaralan si Leslie, nakita niya si Mindy na nag-aabang sa kaniya sa gate.

"Oh, bes, ang tagal mo." sambit ni Mindy.

"Sorry na, bes. Ang traffic kasi, e." tugon ni Leslie.

"Bes, alam mo ba, tuwang-tuwa sayo 'yung mga kaklase natin. Isipin mo, ikaw ang nanalong Ms. East Pacific University! Pati nga si Mrs. Rodriguez, proud na proud e!" sambit ni Mindy.

"T-talaga? Naku, nakakahiya naman." tugon ni Leslie.

"Bes, anong nakakahiya? Ano ka ba? Okay nga 'yon, e! Ayaw mo 'yon, ikaw ang champion sa beauty pageant ng school na 'to! At for sure, inggit na inggit na naman sayo si Joana." sambit ni Mindy.

"Hay nako, Mindy. Hayaan mo na siya. 'Wag mo nang intindihin 'yun si Joana. Sana, balang araw, magkaayos na rin kami. 'Yun lang naman ang hinihiling ko e, ang magkaayos kami. Ayoko na rin kasing magkaroon ng kaaway, bes." tugon ni Leslie.

"Nako, sana nga. Pero, mukhang malabo nang magkabati kayo. Isipin mo nung isang araw, pinagtangkaan tayong patayin gamit 'yung granada. Buti na lang talaga at hindi sumabog. Kundi, mamamatay tayong lahat dun." sambit ni Mindy.

"Oo nga, bes. Tara na, mahuhuli na tayo." tugon ni Leslie.

Makalipas ang ilang oras, natapos na rin ang kanilang klase. Napagdesisyunan nina Leslie at Mindy na maglakad muna sa campus at pumunta sa library.

"Talaga bang pupunta pa tayo dito sa library?" tanong ni Leslie.

"Oo, bes. May pinakita kasing libro 'yung teacher ko, hanapin daw namin sa library." tugon ni Mindy.

Nakahanap ng tamang tiyempo si Joana upang harangin si Leslie.

"Hello, Leslie! How are you?" tanong ni Joana.

"Joana, ikaw nanaman? Ano bang problema mo? Ano, 'yung tungkol pa rin ba sa beauty pageant? Pwede ba, tumigil ka na!" tugon ni Leslie.

"Well, hindi lang tungkol sa beauty pageant. Tungkol sa lahat ng mga bagay na ginawa mo sa akin. Hayop ka. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sayo." sambit ni Joana.

"Pwede ba, tama na!" sigaw ni Mindy.

"Oo nga, Joana. Tama si..." napatigil sa pagsasalita si Leslie nang biglang may nagtakip ng banyo sa kaniyang bibig na mula sa kaniyang likuran.

"Les!" sigaw ni Mindy.

"Tara na, kuya! Hindi nila tayo pwedeng mahabol! Halika na!" sambit ni Joana sa tauhan na kasama nila sa pagdukot kay Leslie.

Kaagad binuhat ng lalaki si Leslie at hinarang naman ni Joana si Mindy upang hindi nito mahabol ang lalaking nagdala sa kaniyang bestfriend.

"Now Mindy, mamamatay na ang kaibigan mo. Hindi ako papayag na maging masaya siya!" sambit ni Joana at itinulak si Mindy para mapaupo siya sa sahig at hindi nito mahabol si Joana.

"Hayop ka talaga! Joana, napakasama mo!" sigaw ni Mindy.

Dali-daling isinakay ng lalaki si Leslie sa isang van. Doon, naghihintay si Olivia.

"Good job, anak!" sambit ni Olivia habang pumapalakpak.

"Well, nahirapan pa kami sa pagkuha d'yan. Epal kasi si Mindy eh. Mabuti na lang, nagawan ko ng paraan." tugon ni Joana.

"Nice job, anak! Napakagaling mo! Nagawa mo ang ipinagagawa ng pinsan mo! I love it!" sambit ni Olivia.

"Oh, eh ano nang gagawin natin sa babaeng 'yan?" tanong ni Joana.

"Aba, malay ko. Basta, sina Vicky at Roxanne na raw ang bahala sa kaniya. Basta ang gagawin lang natin, dadalhin lang natin siya sa isang warehouse. Nandito na sa akin 'yung address." tugon ni Olivia.

"O sige na, halika na. Baka hinihintay na nila tayo dun." ani Joana at sumakay ng van at umalis patungong warehouse.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now