Chapter 127: Paliwanag

2 0 0
                                    

"Tito, ang tanong ko po, tama ba 'yung narinig ko na kayo ang tatay ko?" muling tanong ni Sabrina.

"O-oo, Sabrina. Ako ang tatay mo. Ako ang tunay mong ama. At si Martha, hindi siya ang totoo mong nanay, kundi, si Magda." tugon ni Rico.

"W-what? Is this true? Mommy, totoo ba 'to? Totoo ba ang lahat ng mga sinabi niya?" tanong ni Sabrina.

"I-I don't know. He's lying, anak! He's lying! Huwag kang maniniwala sa kaniya!" tugon ni Martha.

"Sabrina, i'm sorry. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung hindi namin sayo nasabi ang totoo. Leslie, ikaw din. Patawarin mo rin ako. Oo, kambal kayong dalawa. Kayo ang mga anak ko! Kayo ang mga anak namin ni Magda!" sambit ni Rico.

"H-hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! What's your proof, Rico?" tanong ni Martha.

"Oo, pinapunta ko kayo rito para magpaliwanag. Ipaliliwanag ko ang lahat ng nangyari sa inyong dalawa at kung bakit kayo nagkahiwalay." tugon ni Rico.

18 years ago...

Masayang-masaya ang mag-asawang Rico at Magda dahil muli silang magkakaroon ng anak.

"Magda, masaya ako dahil muli tayong magkakaanak. At kambal pa, ha?" sambit ni Rico.

"Oo nga, Rico. Masaya rin ako. Pero Rico, nag-aalala ako. Papaano natin bubuhayin ang tatlo nating anak? Rico, baka nakakalimutan mo, nagsara ang kumapanyang pinapasukan niyo! Rico, papaano nang gagawin natin?" tanong ni Magda.

"H-hindi ko alam, Magda. Si Karen, lumalaki na. Magpipitong taon na si Karen. Kailangan niya nang pumasok sa elementary school. Isa pa, ang mahal-mahal ng tuition fee. Papaano nang gagawin natin, Magda?" tugon ni Rico.

"Rico, siguro, kailangan nating magdesisyon. Kailangan nating ipamigay ang isa sa kambal. Rico, hindi natin kaya kung tatlo silang susustentuhan natin." sambit ni Magda.

"Ano? Ipamigay? Magda, ayos ka lang ba? Hindi aso ang anak mo para ipamigay sila. Hindi sila laruan na pwede lang iwan kung saan-saan." tugon ni Rico.

"Pero Rico, mahihirapan tayo. Mahihirapan tayo kung manananatili sa atin ang dalawa. Rico, isa lang sa kanila ang kaya nating buhayin." sambit ni Magda.

"Magda, hindi. Pareho natin silang anak. Dalawa sa kanila ang aalagaan natin. Wala kang ipamimigay kahit na isa. Pagtutulungan natin, Magda. Kung kinakailangang magdalawang trabaho ako, gagawin ko. Gagawin ko para lang maitaguyod natin ang mga anak natin." tugon ni Rico.

"Rico, patawarin mo ako. Hindi naman sa, hindi ko mahal ang mga anak natin. Pero, mas magiging mabuti yata kung may ibang mag-aalaga at magkukupkop sa kanila. Mas magkakaroon sila ng magandang buhay." sambit ni Magda.

"At kung ipamimigay mo sila? Kanino mo naman sila ibibigay?" tanong ni Rico.

"Sa kaibigan ko, si Martha. Alam kong kaya niyang itaguyod ang anak natin. Ipinapangako ko, pagdating ng panahon, babawiin natin ang anak natin." tugon ni Magda.

—————

Naluha si Sabrina sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Rico.

"So mommy, totoo nga ang lahat ng mga sinabi nila? Si tito Rico ang totoo kong daddy?" tanong ni Sabrina.

"Anak, please, let me explain! Hayaan mo akong magpaliwanag!" tugon ni Martha.

"Tama ang mommy mo, Sabrina. Ang mahalaga, alam mo na ang totoo. Siguro, umuwi na muna kayo. Mag-usap muna kayong dalawa. Ayusin ninyo ang gulong 'to. At Sabrina, kapag handa ka na, saka ka bumalik dito." sambit ni Rico.

The SwitchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora