Chapter 18: Roxanne's Evil Plan

15 2 0
                                    

"What? Are you sure? What if malaman nina Edward at Karen ang gagawin mo?" tanong ni Mystie.

"Well, Mystie. Hindi naman ako tanga katulad mo para magpahuli sa kanila. Kaya nga 3am, diba? Para tulog na silang lahat?" tugon ni Karen.

"Well, sabagay. Pero siguraduhin mo lang na matino 'yang tauhan ng kuya mo ha." sambit ni Mystie.

"Of course. Kaya nga siya ang pinili ko na gawin ang plano ko eh." tugon ni Karen.

----------

"Tao po!" sigaw ni Magda habang pinipindot ang doorbell.

Narinig ito ni Edward kaya naman ay kaagad siyang lumabas upang pagbuksan ng pinto sina Magda at Leslie.

"Nay Magda, Leslie, tuloy po kayo." sambit ni Edward.

"Salamat, Edward. Si Karen, nasaan pala?" tanong ni Magda.

"Nasa loob po siya. Hinihintay po kayo." tugon ni Edward.

"Ah, oh sige." sambit ni Magda.

"Sige po, pasok po muna kayo." tugon ni Edward.

Inaasahan ni Magda na makita si Karen ngunit nabigo siya nang makita niya si Roxanne.

"Nay!" sambit ni Roxanne.

Nagtataka si Magda kung bakit siya tinawag na "Nay" ni Roxanne.

"Teka, teka. Pasensiya na ha. Hindi ikaw ang anak ko. Hindi ikaw si Karen." sambit ni Magda.

"Nay, ako po ito, si Karen. Nasa katawan na po ako ni Roxanne." tugon ni Roxanne.

"Roxanne? Sinong Roxanne?" tanong ni Magda.

"'Yung kaklase ko po dati, Nay. Ako po ito, ang anak ninyo." tugon ni Roxanne.

Napalingon si Magda kay Edward at nagtanong.

"Edward, totoo ba ang sinasabi niya? Siya ba talaga si Karen?" tanong ni Magda.

"Opo, nay Magda. Siya po ang anak ninyo. Siya po si Karen.

"Sigurado ka, kuya? Sigurado ka bang si ate 'to?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Sigurado ako. Ako pa nga ang nag-switch ng katawan nila eh." tugon ni Edward.

"Ano? Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Magda.

"Sorry po, Nay Magda. May nakita po kasi akong switching machine. Naaalala ko po kasi dati, gusto raw po ni Karen masubukan na mamuhay sa ibang katawan. Pero huwag po kayong mag-alala, dahil bukas po ay makakabalik na po siya ulit sa katawan niya." tugon ni Edward.

"Siguraduhin mo, Edward. Siguraduhin mong babalik si Karen sa katawan niya." sambit ni Magda.

Napalingon sila kay Rita nang bigla itong bumaba ng hagdan.

"Ano ba 'yan! Ang ingay-ingay naman! Natutulog ako eh! Magda naman, pwede ba ha, hinaan mo naman 'yung boses mo! Jusko! Pagod na pagod ako tapos ang ingay-ingay pa! Hindi man lang ako makapagpahinga!" sambit ni Rita.

"Rita, ikaw nga 'tong maingay eh. Pwede ba ha, 'wag mo kaming guluhin dito." tugon ni Magda.

"Anong 'wag guluhin? Eh ikaw nga ang nanggugulo dito eh! Bakit, pamamahay mo ba 'to? Ba't ka nandito? At tsaka ano ba 'yang pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Rita.

"Pwede ba, Rita. Wala ka na don. Wala ka nang pake kung anong pinag-uusapan namin." tugon ni Magda.

"Anong walang pake? Hoy, excuse me, Magda. Pamamahay ko ito, at bisita ka lang. Pwede ba, ha, Magda. Tigil-tigilan mo ako." sambit ni Rita.

The SwitchUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum