Chapter 88: Hit and Run

3 1 0
                                    

Habang nasa daan sina Vicky at Roxanne, napansin nila na parang may isang pamilyar na sasakyan silang nakita.

"Teka, I think, I already saw this car." sambit ni Karen.

"Oh eh ano naman ngayon? Syempre nakita mo na kasi may mata ka." tugon ni Vicky.

"Nay, hindi. Parang sasakyan nila Edward at Karen 'yung nakita ko. 'Yung napanalunan nila sa grocery." sambit ni Karen.

"So, anong plano mo?" tanong ni Vicky.

"Well, gusto ko silang gantihan, mga peste sila." tugon ni Karen.

"A-anong gagawin mo?" tanong ni Vicky.

"Just watch and see, nay. Makikita mo rin kung anong dapat sa mga hayop na 'to." tugon ni Karen.

Napansin ni Vicky na pinabilis ni Roxanne ang pagpapaandar sa sasakyan.

"Roxanne, slow down! Mababangga tayo!" natatakot na sambit ni Vicky.

"Mabangga na kung mabangga. Pero hindi ako titigil hangga't sa hindi tayo nakakaganti sa mga hayop na 'to!" tugon ni Karen.

Binilisan pa ni Roxanne ang pagpapatakbo sa sasakyan hanggang sa nabangga niya ang sasakyan nina Karen at Edward. Tumama ang sasakyan nina Karen sa isang pader. 'Di nagtagal ay iniwan din sila nina Roxanne.

"What the hell, anak! Magpapakamatay ka ba talaga?" tanong ni Vicky.

"Hindi, nay. Hindi ako magpapakamatay. Mabuti lang sa kanila na maaksidente sila. Ayan na, nakaganti na tayo sa kanila." tugon ni Karen.

—————

Masakit ang ulo ni Edward. Nabangga ang sasakyan nila. Nakita rin niyang medyo duguan si Karen. Wala rin itong malay.

"Karen, wake up! Hon, wake up!" sambit ni Edward habang sinusubukang gisingin si Karen.

Ilang beses niya nang kinalabit si Karen ngunit hindi pa rin ito gumigising. Napagdesisyunan niyang tumawag ng ambulansya.

Kinapa-kapa ni Edward ang kaniyang telepono hanggang sa makuha niya ito. Kaagad siyang tumawag ng ambulansya.

Habang naghihintay sa ambulansya, unti-unting nagkaroon ng ulirat si Karen.

"H-hon, a-ang s-sakit n-ng u-ulo k-ko." nanghihinang sambit ni Roxanne.

"Hon, don't worry, paparating na ang ambulansya. Dadalhin kita sa ospital." tugon ni Edward.

Napahawak si Karen sa noo niya. Masakit na masakit ang ulo niya.

Napagdesisyunan ni Edward na tawagan si Rita.

"Mama, naaksidente kami ni Karen. Tumawag na ako ng ambulansya. Mas napuruhan yata si Karen kaysa sa akin." sambit ni Edward.

"W-what? A-anong nangyari?" tanong ni Rita.

"Na hit-and-run po kami ni Karen. Hindi ko po alam pero parang pamilyar 'yung sasakyan na bumangga sa amin." tugon ni Edward.

"O sige, pupuntahan ka namin. I-text mo na lang ang address ng ospital. Papunta na kami!" tugon ni Rita.

"Sige po, nay!"

—————

"Janice, let's go. May importante tayong pupuntahan. Naaksidente sina Karen at Edward. Kailangan natin silang puntahan." sambit ni Rita.

"P-po? T-teka lang, ma'am! Masusunog po 'yung niluluto ko!" tugon ni Janice.

"Bilisan mo, Janice! Sasakay na ako sa sasakyan. Sumunod ka na kaagad ha?" sambit ni Rita.

"Opo, ma'am!"

—————

Nang makarating sa ospital sina Karen at Edward, kaagad isinugod sa emergency room si Karen. Medyo malala ang sugat na natamo niya kumpara kay Edward.

"Please, save her!" sambit ni Edward.

"Yes, we will do everything."

Naiwan sa waiting room si Edward. Natatakot siya sa maaaring mangyari kay Karen.

Maya-maya lamang ay dumating sina Rita at Janice. Humahangos sila at kaagad na inalam ang nangyari.

"Anak, anong nangyari? Sinong naka hit-and-run sa inyo?" tanong ni Rita.

"Hindi ko po alam, Mama. Pero mukhang pamilyar ang sasakyan na 'yun." tugon ni Edward.

"Teka, alam na ba 'to nila Magda?" tanong ni Rita.

"Hindi pa po. Tatawagan ko na nga po sana sila eh." tugon ni Edward.

"Tawagan mo na sila para alam nila ang nangyari kay Karen." sambit ni Rita.

Kaagad kinuha ni Edward ang telepono niya. Kaagad niyang tinawagan si Magda.

"Tita Magda, please pick up."

Maya-maya pa ay sumagot na si Magda.

"Edward, napatawag ka? Kasama mo ba si Karen?" tanong ni Magda mula sa kabilang linya.

"Opo, kaso t-tita."

"Kaso ano? Anong nangyari?"

"Na hit-and-run po kaming dalawa ni Karen. Nandito po kami ngayon sa ospital." tugon ni Edward.

"Ospital? A-anong ospital?" tanong ni Magda.

"Nasa Reyes Medical Hospital po kami. Please po, puntahan niyo na po kami kaagad." tugon ni Edward.

"S-sige. Bibilisan namin. Pupunta na kami." sambit ni Magda at ibinaba ang telepono.

"Ano anak, anong sabi?" tanong ni Rita.

"Papunta na raw po sila, Mama." tugon ni Edward.

Napalingon sina Edward nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.

"Doc, ano po bang balita sa asawa ko?" tanong ni Edward.

"Stable na siya as of now. And we just have to wait na magising siya. Siguro in just a few hours, magigising na rin siya. And also, we have moved her into a private room. Pwede niyo na siyang puntahan." tugon ng doktor.

"Salamat po, doc! Salamat po!" masayang sambit ni Edward.

"O sige, maiwan ko muna kayo."

Naiwan sa waiting room sina Edward. Mabuti na lang at hindi masyadong naging malala ang kalagayan ni Karen.

"Salamat sa Diyos, ligtas ang asawa mo!" sambit ni Rita.

"Mama, totoo po ba 'tong naririnig ko? Hindi na po kayo galit kay Karen?" tanong ni Edward.

"Oo, Edward. Hindi na ako galit sa asawa mo. Napatunayan ko nung ma-abswelto siya sa kasong isinampa sa kaniya na isa siyang mabuting tao. Alam ko namang mabuti siya, pero hindi ako naniwala sa kaniya. Sana lang ay mapatawad niya ako sa mga nagawa ko sa kaniya." tugon ni Rita.

"Oo naman po, Mama. I'm sure na mapapatawad ka po ni Karen. And good news, yari na po ang switching machine at pwede na siyang makabalik sa kaniyang katawan!" sambit ni Edward.

"That's a very good news. I hope na makabalik na siya sa katawan niya as soon as possible." tugon ni Rita.

—————

"Hon, gumising ka na." sambit ni Edward habang pinagmamasdan niya si Karen na natutulog.

"Sana magising na si Karen." tugon ni Rita.

Maya-maya lamang ay dumating sina Magda, Leslie, at Rico.

"A-anong nangyari sa anak ko? Bakit kayo naaksidente? At ikaw Rita, ano nanamang ginagawa mo rito?" tanong ni Magda.

To be continued...

The SwitchKde žijí příběhy. Začni objevovat