Chapter 5: Engkwentro

24 2 0
                                    

Napatingin si Karen sa mukha ng babae. Hindi niya ito nakilala pero mukhang pamilyar ito sa kaniya.

"Ah, miss? Kilala mo ako?" tanong ni Karen.

"Oo naman, Karen. Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong ng babae.

"Hindi miss eh, sorry." tugon ni Karen.

"Ako si Roxanne. Roxanne Villanueva. 'Yung kaklase mo dati nung college. Sigurado ka ba na hindi mo ako natatandaan?" tugon ng babae.

"Roxanne? Ikaw na ba 'yan?" tanong ni Karen.

"Oo naman!" tugon ni Roxanne.

"Ang laki na ng pinagbago mo ah! Halos hindi kita makilala! Nga pala, dito ka na ulit nakatira sa Manila?" tanong ni Karen.

"Oo naman. Bumalik na ako dito kasi ang hirap sa California. Sa totoo lang, ayoko na ngang bumalik doon eh." tugon ni Roxanne.

"Naku, mas mabuti nga siguro kung dito ka na lang sa Manila." sambit ni Karen.

"Nga pala, sinong iniintay mo?" tanong ni Roxanne.

"Ah, 'yung asawa ko. Nasa parking lang siya." tugon ni Karen.

"May asawa ka na?" tanong ni Roxanne.

"Oo naman. Kinasal lang kami last week." tugon ni Karen.

"Ay, congrats!" sambit ni Roxanne.

"Salamat." tugon ni Karen.

Sakto namang dumating na si Edward at pumasok sa entrance. Tinulungan niya si Karen na kuhanin ang gamit.

"Hi Edward, ah, ito si Roxanne. Classmate ko noong college." pagpapakilala ni Karen.

"Hi Edward, I'm Roxanne. Nice to meet you!" sambit ni Roxanne.

"Nice to meet you too." tugon ni Edward.

"Uhm, Karen, can I get your number so we can hangout? Kung okay lang naman sayo." sambit ni Roxanne.

"Sure! Eto 'yung cellphone ko. I-save mo nalang 'yung number mo." tugon ni Karen.

"Ayan, okay na. Salamat! Uy, congrats ha, ang gwapo pala ng asawa mo!" sambit ni Roxanne.

"Naku, salamat Roxanne." tugon ni Edward.

"Uhm, Karen, Edward, do you mind if I go to your house? Bisita lang." tanong ni Roxanne.

"Oo naman. Okay sa akin. Hindi ko lang alam kay Edward." tugon ni Karen.

"Of course, it's okay. Friend ka naman ni Karen eh. Lahat ng friends ni Karen ay welcome sa bahay namin." tugon ni Edward.

"Naku, salamat ha. Thank you." sambit ni Roxanne.

"You're welcome." tugon ni Karen.

----------

"Hon, are you sure na okay lang sayo kung dumalaw si Roxanne sa bahay?" tanong ni Karen.

"Of course. It's okay, hon." tugon ni Edward.

"Thank you, hon." sambit ni Karen.

Nang makarating sa bahay ay kaagad nilang ibinaba ang kanilang mga pinamili.

"Janice, baka pwede pakitulungan kaming ibaba 'yung mga pinamili namin." sambit ni Edward.

"Sige po, sir." tugon ni Janice.

"Ay hon, nga pala, uuwi dito si Mommy. Pero don't worry, next week pa naman siya uuwi." sambit ni Edward.

"Talaga? Uuwi ang nanay mo? Naku, mami-meet ko na siya." tugon ni Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now